CHAPTER 23 - MY LAST DANCE (GREY'S POINT OF VIEW)

216 10 3
                                    

GREY'S POINT OF VIEW

Matapos ang aking pag-awit noong gabing iyon, ay hindi mapantayan ang saya na aking naramdaman. Una ay dahil sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay nagawa kong tumayo at magperform sa harap ng maraming tao. Ikalawa, ay dahil aking naibahagi sa lahat ang kanta na aking ginawa para sa taong minamahal ko, na kailanman ay hindi ako iniwanan sa aking mga malulungkot na pinagdaanan. Ikatlo at ang pinaka masayang rason ay dahil alam kong nakikinig din siya sa mga oras na iyon, habang aking inaawit ang kanta kong inilalaan talaga para sa kanya. Sana nga lang ay naiparating ko ang mensaheng noon pa man ay gustong-gusto kong sabihin sa kanya, ngunit wala lang akong matibay na loob upang gawin ito.

Ilang araw bago ang ngayon, ay nabanggit sa akin ni Mommy Liza ang pagtulong sa kanya ni Paolo sa pagpapalit ng kurtina namin sa bahay, pati na rin ang sa aking kwarto. Hindi ko batid kung kanyang napansin ang mga bagay na nakadekorasyon sa loob ng aking silid, sapagkat kung oo ay malamang na nalaman na ni Paolo ang matagal kong lihim na pagtingin para sa kanya. Hindi nga malabong nakita niya ang mga ito sapagkat dali-dali raw na umalis ang minamahal ko at hindi na nakapagpa-alam pa kay mommy. Sa totoo lang ay sapat na sa aking hindi niya malamang higit pa sa kaibigan ang pagtingin ko sa kanya, dahil tanggap ko namang hindi ako o ang katulad ko ang kanyang gusto. Katunayan nga ay nobya na niya ang babaeng matagal na niyang natitipuhan, na sa kasawiang palad ay kaibigan ko pa.

Nalaman kong gusto niya si Faye isang araw na nag-uusap sila ng kaibigan niyang si Cholo sa comfort room. Nagkataon naman kasing nasa loob ako ng cubicle kaya narinig ko ang lahat ng kanilang mga sinabi. Kaya mula noon ay mas lalo kong kinaibigan si Faye upang maisip ni Paolo na nililigawan ko ito, at hindi na siya umasa pa na magiging sila. Subalit, mapagbiro talaga ang tadhana at karma na rin siguro sa akin iyon bilang makasarili, dahil isang araw na hinahanap ko ang aking nawawalang ID na itinago pala ni Paolo noon, ay napadpad ako sa may pasilyo ng school upang magbaka sakaling ito ay nalaglag doon. Madilim na ang lugar sa oras na iyon kaya naisipan kong buhayin ang mga ilaw rito. Pero nang magliwanag na ay nagulat ako noong aking nakita na magkahawak ng kamay si Paolo at si Faye, at iyon ang pagkakataon na sila ay unang nagkaharap at nagka-usap. Dahil doon ay nasiraan na ako ng loob at hindi na umasa pa. Tuluyan na akong hindi sumabay sa school service namin upang aking maiwasang makita si Paolo araw-araw. Bagaman at nangyari iyon ay hindi ko itinigil ang pagiging kaibigan kay Faye. Para kahit papaano ay makabalita ako sa kung ano na ba ang namamagitan sa kanilang dalawa. Gaano man kasakit sa akin na malaman kong ako ang susi upang sagutin ni Faye si Paolo, ay tinulungan ko pa rin silang dalawa. Pinatawad ko agad si Paolo sa ginawa niya sa akin noon sa party ni Jeff upang maging nobyo na siya ng aking kaibigan. Sabi nga nila ay kailangan mong maging masaya sa kung anong ikasasaya ng taong mahal natin. Kaya upang maging masaya ang taong gusto ko ay tinulungan ko siyang masungkit ang puso ni Faye kahit ang sakit-sakit sa loob ko. Kagaya ni Paolo ay si Faye ang isinali ko sa Ms. Intrams, upang maging mas malapit pa silang dalawa, kahit pa isa itong tila kutsilyong tumutusok sa puso ko. Dahil President ako ng Grade 11 ay hindi ako maaaring hindi pumunta sa activity day na iyon. Pero dahil hindi ko kayang makita silang masayang magkasama, ay nagkulong na lamang ako sa student council room, at doon ay kuntentong nakikinig sa malakas na tunog ng speakers na pumapasok sa loob ng silid na iyon. Proud na proud talaga ako noong narinig ko ang napakagandang sagot ng mahal ko! Napatalon pa nga ako sa upuan ko noon! Hindi talaga ako nagkamaling siya ang isinali ko roon. At noong marinig ko naman na hindi si Paolo ang pinaka winner sa contest ay agad akong naghanap ng colored papers na pula dito sa opisina (wala akong nakita kaya manila paper ang ginamit ko, hindi ko napaghandaan kasi naniwala akong mananalo si Paolo) at doon ay gumawa ng rosas na papel para sa kanya, upang kahit papaano ay malaman nitong may natuwa sa efforts niya para irepresent ang buong Grade 11. Alam ko rin na magiging malungkot siya sa kanyang pagkatalo, kaya ninais kong ipadama sa minamahal kong may karamay pa rin ito sa kalungkutang iyon. Ipinadala ko ito kay Billy sa backstage upang hindi nila ako makitang nagpunta roon, at tuluyang malamang ako ang secret admirer niya.

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now