CHAPTER 7 - A REVELATION

264 9 7
                                    

Lunes ng umaga.

Mommy: Nico, Nikki, Pao bumaba na kayo at handa na ang breakfast! Kain na tayo, baka malate na kayo sa school!

Nico, Nikki and Me: Yes mom!

Daddy: Oh sa labas tayo magdidinner mamaya kasi nagleave si manang, kaya walang magluluto para sa atin. Umuwi kayo nang maaga. Ikaw Pao susunduin ka na lang namin sa school after ng tutor class mo.

Me: Okay daddy.

Mommy: Oh Nico kumain ka na! Hindi mauubos yan kung tulala ka dyan. Kailangan mong magbreakfast para hindi ka manghina during class. Alagaan mo ang posisyon mo bilang Dean's lister anak, okay?

Nico: (Tumango lamang ito)

Nikki: Daddy sa favorite kong restaurant po ulit tayo ha?

Daddy: Sure, baby dun tayo! Basta dapat always kang active sa school okay?

Nikki: Yes daddy! Yehey!

Mommy: Oh Pao, kumusta nga pala ang tutor mo?

Me: So far okay naman po. Magaling po kasing magturo si Maam Liza.

Mommy: That's good! Sinabi ko na nga ba hindi ako nagkamali sa pagkuha sa kanya.

(Opo mom, thank you sa pag-hire sa kanya as my personal tutor. Hehe)

Magbehave ka sa kanya okay? Huwag mong pag-iinitin ang ulo niya. Nakakahiya!

Me: Mom, hindi na po ako bata! In fact, I've been very nice to her, ask Teacher Liza po!

(Beep... beep...)

Mom, Dad una na po ako, nandito na yung service namin. See you later po!

Kagaya ng nakasanayan ay umupo ako sa sulok na palagi kong inuupuan sa service van namin papuntang school. Una kong hinanap agad si Paolo o si Grey (President Labo) sa katapat kong upuan, ngunit kagaya noong nakaraang linggo ay wala rin siya ngayon dito. Handa na sana akong humingi ng tawad para sa katangahang ginawa ko sa kanya noong nakaraang Sabado, subalit tulad nga ng aking sinabi ay hindi pa ulit ito sumasabay sa amin pag-pasok, kaya dahil doon ay sa school ko na lamang siya hahanapin at kakausapin. Hindi ako madalas nagsasabi ng "sorry" sa ibang tao pero para sa babaeng gusto ko ay aking gagawin ito. Tutal ay kasalanan ko namang talaga iyon, at para malinis na rin ang konsensya ko, dahil hindi talaga ako pinatulog nito kagabi!

Sa loob ng classroom.

Cholo: Pao! Ano na?! Ikwento mo na sakin kung ano ang napag-usapan nyo ni Faye. Nagtapat ka na ba sa kanya? Kayo na ba? Bilis na!

Me: Ang aga-aga ang kulit mo Cholo!

Cholo: Bakit ba ang init ng ulo mo? Huwag mo sabihing hindi ka pa nag-confess? Binigyan ka na ng pagkakataon oh! Or baka naman kasi busted ka kaya ka ganyan? Hehe

Me: Oo, alam na niya! Pero hindi pa kami ngayon eh.

Cholo: Ha? Ang hina mo naman bro! Nanlambot nanaman yang tuhod mo ano?

Me: Tsk! Hindi naman easy to get si Faye eh! Liligawan ko muna siya.

Cholo: Bro, is that even "a thing" now? Ano ka ba! Dapat hinalikan mo na agad para kayo na!

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now