CHAPTER 6 - REVENGE OF THE JELOUS

279 13 10
                                    

Kalagitnaan ng Oktubre, isang Sabado ng gabi.

Kaarawan naman ngayon ng co-basketball member namin at kaibigang si Jeff. Kagaya ng aking ipinangako sa barkada ay nagpunta ako matapos noong huling hindi ako sumipot sa celebration ni Earl, dahil sa isang napakagandang insidente kasama ang pangarap kong babae. Instead na sa Aubé bar na go-to place namin kapag may happenings ang barkada, ay sa bahay nila Jeff ang venue sapagkat sadyang malaki iyon. Pumayag naman daw ang parents niya na ganapin ang party sa kanila sapagkat mas delikado nga naman kung sa labas o malayo, lalo na kung malalasing at gagabihin kami sa kalsada. Marami kaming dumalo roon, na sa tingin ko'y humigit kumulang walumpung katao. Kabilang rito ang classmates ni Jeff ngayong senior highschool pati noong elementary, ang buong basketball team namin, mga kasing tanda niyang pinsan, at mga kaibigan niya rito sa kanilang village. Party para sa mga kabataan ito dahil umalis na raw ang mga matatandang bisita. Ang daming masasarap na pagkain sapagkat kumuha pa sila ng catering services, at enggrande talaga ito sa kabuuan! Sa may pool area ng garden ito ginaganap. Sa kabilang banda ay hindi naman ito pool party talaga, siguro ay upang hindi lang kami magkalat sa loob ng kanilang bahay.

As usual ay si Cholo ang kasabay ko pagpunta sa bahay nina Jeff. Sinundo pa niya ako sa amin dala ang kotse nila. Bigla ko tuloy naisip na kung hindi siguro siya kilala ni mommy at daddy ay baka naghinala na silang magka-relasyon kami, sapagkat sobra ang pagiging malapit naming magkaibigan. Pati nga sa venue mismo ay hindi kami mapaghiwalay! Palaging magkadikit na para kaming kambal tuko, at kahit pa nga pagpunta sa C.R. ay magkasama kaming tila buntot ng isat isa.

Kagaya ng inaasahan ay doon kami nakapwesto ni Cholo sa lamesa kung saan naroon ang teammates namin sa basketball.

Earl: Hey bro! Ang daya mo! Present ka tonight sa celebration ni Jeff, tapos noong birthday ko wala ka! Nagtagal pa naman kami dun para makahabol ka.

Me: Pasensya na Earl may emergency kasi eh! It's kinda top priority kaya hindi ko na pwedeng idelay. Hehe! Pero susunod talaga ako dapat noon!

Ken: Ano bang emergency yun? May nakita ka bang multo sa hallway nung paalis ka na? Tapos nalaglag ka sa hagdan kaya dinala ka sa emergency room? Balita ko may gumagala ngang kaluluwang ligaw roon pag wala nang mga estudyante! Hehe!

Jacob: Teka, gabi na yun hindi ba? Tapos wala nang tao sa school, madilim na, at kayo na lang ni Teacher Liza sa faculty room. You grabbed the opportunity ano?! Sa table ba niya?! Haha! Grabe Paolo! Ikaw pala ang nangmulto ha!

Earl: Sex education pala ang pinag-aaralan ninyo bro! Dapat may practical exam yan! I can be your substitute ha?! Hehe

Me: Shut up man! Baliw kayo! May makarinig sa inyo maniwala pa! Basta kung ano man iyong pangyayari na iyon eh magugulat na lang kayo sa mga susunod na araw. You're gonna be so jealous for sure!

Cholo: Sus! Guys, hayaan niyo na si Pao! Virgin pa siya kaya pagbigyan niyo na siya kay Maam Liza. Haha

Me: Tsk! Fuck you ka talaga Cholo!

All: (Nagtawanan ang lahat)

Jeff: What's up guys!!!

All: Hey bro! Happy Birtday!!!

Jeff: Thanks for coming team! Please do not destroy anything in our house ha! Wala tayo sa Aubé bar ngayon! Haha!

Tara kain na kayo para makapag start na tayo sa drinks. Alam ko namang yun lang ang ipinunta niyo eh! Hehe.

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now