CHAPTER 19 - SORROWS

208 11 3
                                    

Tapos na ang Christmas vacation namin at ngayon ang unang araw ng klase sa Sacred Heart Academy para sa taong 2017. Dahil doon ay balik sa maagang pag-gising nanaman ako at maghapong pag-aaral. Tinatamad ako sapagkat may hangover pa sa nakaraang holiday season, pero sa kabilang banda ay excited din dahil sa wakas ay magkikita na kaming muli ni Faye mula sa isang mahabang panahon naming pagkakahiwalay. Simula noong bagong taon ay hindi na ako nakatanggap ng text message at tawag mula sa kanya, kaya naman sobra na ang pangungulila ko pati na ang pag-aalala sa kalagayan ng aking nobya.

Habang nasa classroom.

Cholo: Hey bro! Nakakabitin ang bakasyon, ano? Ang sarap humiga lang sa bahay, mag video game at manood ng TV maghapon. Yung wala kang iisiping assignments! Hehe

Me: Hindi ka man lang napakinabangan sa bahay nitong Christmas break Chols? Tsk!

Cholo: Ang yabang nito! Kaya nga bakasyon eh! Dapat magrelax lang at magpasarap sa buhay!

Me: Estudyante ka, kaya duty mo ang pag-aaral. Pero huwag mong kalimutan na anak ka rin ng magulang mo, kaya duty mo rin ang tumulong sa gawaing bahay!

Cholo: Ha? Ang seryoso mo masyado Pao! May mga maid naman kami eh, kaya wag ka na ma-stress! Haha

Bakit, ikaw ba? Anong ginawa mo nitong ilang linggong walang pasok? Nagbehave ka ba para bigyan ng regalo ni Santa Claus? Haha

Me: Hindi na kailangan! Bukod sa gwapo eh mabait naman talaga ako since birth! Hehe

In fact, ako ang naging Santa Claus nitong nakaraang pasko. Ako ang nagpasaya ng tao!

Cholo: Wow! Unbelievable? Malamang si Faye nanaman iyan, ano? Siya lang naman ang mundo mo eh! Hehe

Me: You don't have to know the details, Bro! Good Samaritans don't publicize their good deeds. Hehe

Cholo: Sus! Sayang Pao, ipagpapatayo na sana kita ng monumento eh! Hehe

Anyways! May lakad ang barkada sa second Saturday ng February ha! Huwag mo sabihing hindi ka pwede! Isama mo si Faye kung gusto mo.

Me: Oo sige na! Alam ko namang miss na miss mo na ko eh! Hehe

Cholo: Oo miss na kita eh! Pakiss nga! Haha

Mark your calendar ha! Huwag na huwag mong kalimutan!

Lunch break noon. Hindi pa natatapos ang pagtunog ng bell ay dali-dali na akong lumabas ng aming classroom upang sunduin si Faye. Gustong-gusto ko na siyang makitang muli kaya patakbo akong nagtungo sa kanilang silid aralan. Agad kong ipinadama sa kanya ang aking yakap na mahigpit noong kami ay nagtagpo na, ngunit hindi ko inaasahan ang kanyang reaksyon noong sandaling iyon. Tila malungkot ang kanyang mukha at tipid ito sa kanyang pananalita. Hinayaan ko muna siyang ganoon dahil naisip kong baka may buwanang dalaw lang ang aking nobya. Niyaya ko siyang magpunta sa canteen upang sabay kaming kumain subalit, nang naroon na kami ay nabahala ako sapagkat hindi ginagalaw ni Faye ang kanyang pagkain at nakatulala lamang ito sa malayo. Kaya nang natapos ako sa aking tanghalian ay naglakas loob akong tanungin na siya tungkol sa bumabagabag sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay sinabi niya sa aking nalaman na raw ng kanyang daddy noong bakasyon na mayroon na siyang boyfriend. Dahil doon ay sobra raw ang galit nito kaya sa pangalawang pagkakataon ay kinuha ang kanyang cellphone at itinatago hanggang ngayon. Naisip ko tuloy kung gaano kaayaw ng kanyang mga magulang na mabaling ang isip ng kanilang anak sa ibang bagay maliban sa pag-aaral nito. Kahit naman ang magulang ko ay ganoon din sa akin at sa aming magkakapatid, kaya nga ipinasok nila ako sa tutor class noong bumaba ang aking grades. Naiintindihan ko ang sitwasyon niya kaya nag-isip ako agad ng paraan upang maayos ang problema naming ito.

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now