CHAPTER 34 - FREEDOM

149 7 2
                                    

(PAOLO'S POINT OF VIEW)

Unang araw ng linggo at muli ay balik trabaho nanaman ako. Sabay-sabay nag-almusal ang aming pamilya kagaya ng nakasanayan dito sa bahay. Dahil sa pagsagot ko ng pabalang kay mommy kagabi ay tipid ito sa pagsasalita ngayong umaga, malamang ay may tampo siya sa akin kaya ganito ang mood niya. Sadyang nakakapanibago sapagkat tuwing agahan ay maririnig mo si mommy na nagrereklamo dahil sa maduming kulungan ni Puchi, o sa bilin niyang nalimutan naming gawin ni Nikki at daddy. Subalit, bukod sa tikom lamang ang kanyang bibig ngayon ay hindi rin ito tumitingin sa aking mga mata. Sa totoo lang ay nabawasan ang aming saya sa hapagkainan magmula noong mawala na si Kuya Nico rito. Siya kasi ang madalas na nagpapasigla noon sa aming salu-salo dahil sa natural nitong pagiging komikero. Oo, pangalawa lamang ako sa kanya pagdating sa kalokohan, at hinihiling ko nga dating sana ay pati sa kanyang katalinuhan. Sa kabilang banda ay nadagdagan naman ang saya rito sa bahay nang magkaroon na ng anak ang panganay namin. Nabaling ang atensyon ng aking mga magulang sa kanilang apo na si Matt noong nagdesisyon si kuya na magsama-sama na silang buong pamilya rito sa aming tirahan, iyon ay tatlong taon na ang nakararaan. Ngunit, naging matamlay ang lahat mula noong isang taon lamang sapagkat nakapag-pundar na si Kuya Nico ng sarili nitong bahay at tuluyan na silang bumukod na mag-anak.

Aming usapan habang kumakain.

Mommy: Nikki, para sa iyo siguro itong mga chocolates. Iniwanan na nakasabit sa gate natin. Baka galing iyan sa manliligaw mo ha!

Nikki: Wala naman po akong pinagsasabihan ng address natin mommy. Hindi ko naman din priority ang pagbo-boyriend at hindi po ako nagpapaligaw pa.

Hmm... Siguro galing po yan kay Louigie. Yung makulit nating kapitbahay.

Daddy: Aba bata ka pa para mag-boyfriend Nikki. Wala munang lovelife, okay? Usapan natin iyan! Ayokong maagaw sa akin ang only baby girl ko!

Nikki: Of course daddy! Sa iyo lang talaga ako! Promise po!

Mom, dad, idol ko po kasi si kuya Pao dahil nakatapos siya ng pag-aaral niya sa tamang oras at nagkaroon pa ng magandang trabaho. Halos nasa kanya na nga ang lahat eh! Kulang na lang talaga sa kanya ay magiging partner niya sa buhay. Hindi ba kuya?

Me: (Pilit na ngiti at paglaki ng mata ko kay Nikki ang tangi kong naisagot. Ayoko kasi sanang maging sentro ng usapan, lalo na kung iyon ang topic. Nakita ko namang nagtinginan si mommy at daddy noong binanggit iyon ni Nikki. Batid ko ang nasa kanilang isipan kaya ganoon ang kanilang naging reaksyon. Malamang ay naisip nila ang naging relasyon namin ni Grey na tinututulan nila dati)

Daddy: Hmm... Oo nga Paolo, kailan mo ba balak na mag-asawa? May girlfriend o may nililigawan ka na ba ngayon? Dalhin mo rito minsan para naman makilala na namin ng mommy mo. Baka magulat na lang kami isang araw at buntis na siya kapag inuwi mo rito ha!

Me: Hmm... Daddy talaga oh! Eh... Sige po. Pero wala pa naman po sa ngayon.

Daddy: Ahh... Okay sige. Sa opisina ba ay wala kang nagugustuhan? Iyong anak ng General Manager sa department niyo na schoolmate mo noong college? Balita ko may gusto raw sa iyo iyon ah! Magandang bata nga siya at maganda pa ang pinag-aralan.

Me: Hmm... Ehh...

Nikki: Haaay naku daddy maarte kaya iyon! Lagi siyang nagri-reach out sa akin sa social media, tapos minu-minutong itatanong kung anong ginagawa ni kuya Pao at kung nasaan siya. Gawain ba naman iyon ng matinong babae? Grabe talaga! (Sabay kindat sa akin ni Nikki).

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now