CHAPTER 17 - REUNION AND RECONCILIATION

245 9 11
                                    

Halos isang linggo na ang lumipas nang matapos ang aming exams at kasalukuyang Christmas vacation na namin kaya mas marami na akong oras ngayon upang makapagpahinga, mahiga maghapon at maglaro ng online games na matagal ko nang hindi nagagawa. Kailangang ipahinga ko muna ang aking utak sa pag-aaral, ganoon din ang aking katawan sa maghapong pagkakaupo sa armchair ko sa school, at sa taxi tuwing traffic pauwi ng bahay namin.

Mula noong malaman ko na si Faye ang aking mystery admirer ay lalo ko pa siyang gustong makita araw-araw. Ngunit, taliwas naman sa aking iniisip na makakasama ko siya ngayong holiday season, ay magkalayo kami dahil nagtungo sila sa probinsya ng kanyang magulang upang doon nila ipagdiwang ang Pasko at Bagong taon. Sobrang nakaka-disappoint! Haay! Ganoon pa man ay hindi kami nawawalan ng kominikasyon sapagkat ginagawa naman niya ang lahat upang paminsan-minsan ay makatawag at makapagtext siya sa akin nang patago sa kanyang daddy.

Sa kabilang banda, magaganap sa makalawa ang pinakahihintay namin dito sa village na Family Day. Dahil committee si mommy sa event na ito ay palagi siyang busy kasama si Teacher Liza, at ng iba pang mga officer ng association, kaya naman sa akin na lamang nagpasama si daddy na bumili ng regalo para kay lolo at lola, na ibibigay namin sa darating na Pasko. Gusto ni mommy na isang higaan sana ang aming bilhin upang palagi nila itong magamit. Naisip ni daddy na antique na bed frame ang aming hanapin upang magtagal ito sapagkat matibay. Classic rest house din kasi ang itsura ng bahay nila lolo kaya tamang-tama iyon! Doon ay bigla ko namang naalala ang antique shop na aming pinuntahan ni Grey noong nakaraang naghahanap kami ng laruang carousel para iregalo sa monthsary namin ni Faye. Dahil malapit lang iyon sa aming village ay nag-suggest ako kay daddy na roon na kami unang tumingin.

Sa antique shop.

Me: Good morning po Madam Shonie! Naghahanap po kami ng vintage na higaan. Meron po ba kayo?

Madam Shonie: Magandang umaga! Oo, meron akong available rito! 85 years old na ang tanda pero buong-buo pa rin. Tara kayo sa loob at tingnan ninyo!

Dahil takot nga ako sa mga rebulto na naka-display sa shop ay nanatili na lang ako sa may lobby at hinayaan kong si daddy na lamang ang pumasok sa pinaka-loob. Bukod sa mga estatuwa, nakakadagdag sa aking takot ang amoy ng mga kahoy at lumang bagay dito. Sadyang nakakatindig balahibo ang katahimikan sa loob! Tanging ang pag-galaw ng mga kamay ng lumang orasan ang maririnig mo, pati na rin ang lagaslas ng tubig mula sa fountain ng kanilang grotto sa hardin. Ilang minuto pa ang lumipas, mula sa aking pagkakaupo ay nilakasan ko ang aking loob at pumasok na rin sa shop dahil nakakaramdam na ako ng inip. Habang kausap pa ni daddy ang may-ari ay tumingin-tingin ako ng mga bagay dito sa loob upang pampalipas ng oras. Namangha ako sa mga maliliit na laruang naka-display sa isang estante kaya naman nilapitan ko ito. Doon ay napansin ko ang isang bagay na tila dati ko na ring nakita at nahawakan ngunit, nagtaka ako kung bakit ito naririto.

Madam Shonie: Oh anak, may nagugustuhan ka ba? Pumili ka lang at wala kang makikitang mga kagaya niyan sa ibang shop.

Me: Ah... Madam, paano po napabalik sa inyo itong ferris wheel? Binili po namin ito dati ng kaibigan ko eh.

Madam Shonie: Ah! Tama! Kanina ko pang iniisip kung sino ka dahil pamilyar ang mukha mo. Ikaw nga pala ang kasama ni Grey noong araw na iyon!

Ibinalik niya rin agad iyan dito kinabukasan noong binili niyo.

Me: Ha? Eh bakit daw po niya ginawa yun?

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now