CHAPTER 28 - SWEET ESCAPE (RATED X)

236 8 2
                                    

(FAYE'S POINT OF VIEW)

Araw ngayon ng laban ni Paolo sa basketball kaya nandito ako para suportahan siya. Pagkakataon ko na ito upang maparamdam sa kanya ang aking pagmamahal bilang nobya niya, sa ganoon din ay lalo nito akong mamahalin at hindi na siya titingin pa sa iba! Sa paraang ito sana ay maging kuntento na si Pao sa mga naibibigay ko, at aking matapatan o mahigitan pa ang lahat ng nagawa sa kanya ng secret admirer niyang hindi lingid sa aking kaalaman noong si Grey pala. Ayoko namang isiping kakompitensya ko siya dahil matalik na kaibigan ko ito, ngunit mabuti na ring gumagawa ako ng hakbang upang malimutan ni Pao ang lahat ng tungkol sa kanila. Kung hindi man mawala sa isipan nito, sana ay hanggang doon na lamang at hindi na madagdagan pa ang kanyang pagtingin dito. Kahit sinabi sa akin ni Pao na straight siya ay nagdadalawang isip pa rin ako sapagkat sa henerasyon ngayong may liberated mind ang lahat, hindi mo na masasabi ang pagkatao ng isang indibidwal base lang sa nakikita ng iyong mga mata, kung hindi sa laman ng puso na natin iyon nakadepende. Bigla kong naisip na hindi naman magiging tuliro ang aking nobyo noong mga panahong nagkakalabuan kami kung hindi big deal o nakaapekto sa kanya si Grey ng sobra, na kinailangan pa nga nitong ilihim ang katotohanang iyon sa akin at sa iba ko pa nalaman ang lahat.

Habang naka-break ang laro ng basketball ay narinig ko ang pag-uusap ng Sacred Heart Academy team, na nakarating na raw si Grey galing Davao at nanonood rin ito ng laban kasama si Cholo. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba sapagkat parehong nandito ang dalawang tao na gusto ko sanang iwasan. Nangyari nga ang ayaw kong mangyari dahil tinawag nila si Cholo upang sumali muli sa kanilang grupo. Awkward para sa akin ang sitwasyong iyon ngunit, sa kabilang banda ay masaya na rin sapagkat kahit papaano ay nagkaayos silang dalawa ni Paolo, at nakikita ko na silang nag-uusap ng maayos. Sana nga ay magtuloy-tuloy na ito! Si Grey naman ay natanaw ko roon sa likod ng bleachers. Natatakot akong mawala sa focus ang nobyo ko kapag makita niya ang kanyang secret admirer, kaya minu-minuto kong sinisilip ang aking kaibigan at ipinagdarasal na umalis na agad siya. Subalit, nang pumito ang referee para sa huling segundo ay saka lamang ito naglakad papalayo. Napanatag ako dahil doon sapagkat hindi sila makakapag-usap ni Pao ngayong araw, at siguradong ako ang makakasalo ng aking nobyo sa selebrasyon ng pagkapanalo nila sa larong pinaghandaan niya ng sobra.

Iyon nga ang inaakala kong mangyayari ngunit, pagkatapos ng kanilang laro ay bigla na lamang nawala si Paolo rito sa quadrangle at sa aking paningin. Hinanap ko siya kay Jeff subalit hindi rin nito batid kung saan iyon nagpunta. Hanggang ilang saglit pa ay nilapitan naman ako ni Cholo at humingi ito ng pabor sa akin, na kung maaari raw bang pakinggan ko siya.

Cholo: Hmm... Hello Faye. Pwede ba kitang makausap? Huwag kang mag-alala hindi ako gagawa ng gulo, promise!

Me: Hinahanap ko pa si Paolo eh, pero sige ano ba iyon?

Cholo: Tutal nandito na ako, I want to take this chance to apologize para sa chaos na nagawa ko sa relationship niyo ni Pao.

Me: Ahh... I'm not going to stress over it anymore, kalimutan na natin! Mahalaga ay maayos na kayo ni Paolo, hindi ba?

Cholo: Oo tama. Pero hindi ibig sabihin na ayos na kami ay tumigil na ako sa paghihintay sa iyo ha!

Me: There you go again! Sabi mo hindi ka na gagawa ng gulo! Tama na Cholo! Ayokong mawala nanaman ang tiwala niya sa akin. Makakahanap ka rin ng tamang babae na mamahalin mo.

Cholo: Ikaw lang ang gusto ko eh! Sa iyo ko lang kayang magseryoso Faye.

Pero just like I said, hindi ako gagawa ulit ng gulo. Hindi ko na balak agawin ka pa kay Paolo dahil ayoko ring masira ang pinagsamahan namin. Mahal ko rin ang kaibigan ko.

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now