CHAPTER 31 - TRUST (A FOUNDATION OF LOVE)

212 5 7
                                    

(GREY'S POINT OF VIEW)

Inaamin ko na lubha akong kinabahan noong nakipag-usap si Paolo kay Faye sa library. Hindi ko minsang nakita na magalit si Faye sa buong buhay niya dahil talaga namang mabait siyang tao, pero kapag nalaman nito ang tungkol sa amin ng kanyang nobyo ay malamang na iyon ang magiging unang beses na siya'y mag-iibang anyo. Bagama't hinanda ko na ang aking sarili bago ako magdesisyong sagutin si Paolo, ay hindi pa rin maiwasang ako'y matakot sa kung anong kalalabasan nito. Kaya aking hiniling sa mahal kong hayaan niya na lamang muna na matapos ang aming pagsusulit bago nito aminin ang lahat, upang hindi iyon makaapekto sa makukuhang marka ni Faye. Handa naman akong maghintay kung kailan ang pinaka tamang panahon para sa aming dalawa. Makasama ko lamang si Paolo araw-araw at malaman kong mahal niya ako ay sapat na sa akin upang panghawakan siya kahit ganito kahirap ang set-up namin ngayon.

Martes ng gabi. Kagaya ng hiniling ni Paolo sa akin ay pumayag akong mag-overnight siya rito sa aming bahay, upang magreview na kasabay akong muli. Bago pa ang oras ng hapunan ay nandito na siya kaya kasabay namin itong kumain ni Mommy Liza. Sobrang saya ko sapagkat tanggap si Paolo ng aking ina-inahan, katunayan ay kadugo na halos ang turing niya rito! Nakakatuwa nga silang pagmasdan kanina habang kumakain kami, para kasing ang nobyo ko ang totoong anak ni Mommy Liza, dahil asikasong-asikaso nito si Pao. Sadya rin namang madaldal si Paolo at likas na may sense of humor kaya palaging tumatawa si mommy sa mga banat nito. Walang humpay na kwentuha't tawanan na silang dalawa lamang ang nagkakaunawaan. Matagal ko na itong hinihiling na mangyari, ang maging parte ng aking pamilya si Paolo na mahal na mahal ko. Hindi man kami maaaring ikasal ngayon o sa hinaharap ay sapat na ang mapasaakin siya! Kaya ngayong naabot ko na ang aking matagal nang pangarap na pagmamahal ni Pao, ay walang mapagsidlan ang aking kaligayahan sapagkat lubhang nag-uumapaw ito!

Matapos ang dinner ay nagtungo na kami ni Paolo sa aking kwarto upang magsimula na sa aming pag-aaral. Doon ay nagtaka ako dahil isang oras pa lamang ang nakakalipas nang aking makita na masaya ang aking nobyo sa hapag-kainan, ay bigla namang nag-iba ang kanyang mood ngayon. Wala na siyang kibo at salita na tila may malalim itong iniisip. Ganito rin siya kahapon nang naghiwalay kami matapos niya akong ihatid dito sa aming bahay. Nabagabag tuloy ako sa ipinapakita niyang kilos sa akin, kaya naman nagtanong na ako sa kanya kung may problema ba siyang kinahaharap.

Me: Pao?... Pao?... Huy Pao!!!

Paolo: Oh, bakit po?

Me: Nakikinig ka ba sa akin? Kanina pa ako nagsasalita pero tulala ka pala diyan. Mag focus ka dahil ilang araw na lang, final exams na natin!

Paolo: Oo mahal ko, sorry! Nakikinig naman po ako. Ah eh... Ano na nga bang sinasabi mo sa akin kanina?

Me: Haaay... Pao, kahapon ka pa nawawala sa sarili mo. Ano bang gumugulo sa iyo?

Paolo: Ayos lang ako mahal ko! Huwag kang mag-alala, okay? Pagod lang siguro ako at inaantok. Ikaw, kumusta ka ba?

Me: Kapag magkasama tayo, tungkol sa akin lagi ang pinag-uusapan. Lahat naman sinasabi ko sa iyo kaya huwag kang mag-alala sa akin!

Ikaw ba Pao, kumusta ka? Matagal-tagal ka na ring hindi nagkukwento tungkol sa family mo, o sa iyo.

Paolo: Wala namang problema sa bahay. Hindi na sila masyadong naghihigpit kagaya ng dati. In fact, sinusuportahan na nila ako, at hinahayaang magdesisyon para sa sarili ko. Naiintindihan na nila ako sa wakas!

Me: Wow, I am happy to know that! Pero lahat pa rin dapat ng gagawin mo ay iyong hindi nila ikakadisappoint, okay? Binigay ng parents mo ang tiwala nila sayo kaya alagaan mong mabuti.

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now