CHAPTER 16 - CONFESSIONS

244 12 5
                                    

Disyembre 2016

Disyembre na naman kaya nalalapit na ang araw ng Pasko. Hindi ako naniniwalang para sa bata lamang ang ganitong okasyon, dahil kahit papaano ay nararamdaman ko pa rin ang presensya nito. Lumalamig na kasi ang simoy ng hangin kahit pa polluted na dito sa Maynila. Makikita mo na muli ang mga makukulay na parol at Christmas lights na nagsabit sa bawat bahay sa village namin, na tila ba nagpapagandahan ang bawat isa tuwing gabi. Noong bata pa ako ay nakakatanggap ako ng mga pamaskong regalo mula sa aking mga ninang at ninong, subalit ngayong lumaki na ako ay wala na. Hindi naman na mahalaga kung hindi na ako makatanggap ng kung ano man sa darating na Pasko, sapagkat ang totoo niyan ay nauna nang ibigay sa akin ang pinakapapangarap ko, at ito nga ay ang pagmamahal ng aking girlfriend na si Faye. Hindi naman lahat ng regalo ay materyal na bagay, ano mang makakapagpasaya sa iyo ay sapat na! Kung may hihilingin pa ako sa darating na Pasko, marahil ay ang makapasa ako sa exams namin, upang makabalik na akong muli sa first love ko, at iyon ay ang paglalaro ng basketball.

Wala na kaming masyadong ginagawa sa school dahil malapit na ang Christmas vacation. Madalas ay pinapupunta na lang kami sa library para mag-review, sapagkat ang exams ay mangyayari na sa darating na Biyernes.

Me: Chols, saan kayo magpapasko ng pamilya niyo?

Cholo: Uuwi kami sa Laguna. Matagal na kasi kaming hindi nakakabisita doon eh! Kayo ba?

Me: Dito lang kami sa Manila, sa bahay nina lolo at lola. Buti nga iyon at makakasama ko pa rin si Faye ngayong holiday season.

Cholo: Palagi naman kayong magkasama dito sa school ah! Puro si Faye na lang ang laman ng bibig mo bro mula noong naging kayo!

Me: Haha sorry Chols, huwag ka nang magselos hehe! Alam mo naman kung gaano ako ka-inlove sa kanya, hindi ba?

Cholo: Alam ko iyon Pao, pero hindi ka na kasi sumasama sa amin dahil sa kanya. Nagtatampo na tuloy ang barkada sayo eh!

Me: Bro, isang taon na lang tayo sa Sacred Heart Academy. Sa college baka magkaibang university kami pumasok. Sinusulit ko lang naman ang oras. Alam mo naman na mahabang panahon na rin ang nasayang ko.

Cholo: Nandoon na ko. Sinasabi ko naman sa iyo na isama mo siya sa mga lakad natin. Para makilala rin namin siya. Lagi mong sagot sa akin ay gusto niyo ng quality time together.

Pao, hindi lang naman kayo ang tao sa mundo. Wag mong itulak ang ibang tao sa paligid mo palayo. In fact, sila rin naman ang tutulong sakaling magkaroon kayong dalawa ng problema sa relasyon niyo.

Me: Okay sige Chols. Pasensya na talaga. Promise sa susunod isasama ko siya kapag may lakad tayo. Ipapakilala ko na rin kayo ng personal.

Hindi pa kami ganoong katagal sa relasyon namin ni Faye, kaya gusto ko sanang makilala siyang mabuti nang kaming dalawa lang ang magkasama. Sabi kasi nila na lalabas daw ang tunay mong personalidad kapag ang kasama mo ay mga taong komportable ka, kaya naman naiisip kong dahil iba ang mga hilig ni Faye kesa sa amin ay maturn-off lang siya sa akin kung sakaling hindi niya magustuhan ang mga kaibigan ko, na sa totoo lang ay puro kalokohan ang alam.

Huwebes, sa school canteen ay magkakasabay kaming kumain nina Faye at Grey noong lunch break ng Grade 11.

Faye: Babe, so makakabalik ka na agad sa basketball team kapag pasado lahat ng exams mo ngayong quarter?

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now