CHAPTER 25 - RIVALRY

228 9 4
                                    

(PAOLO'S POINT OF VIEW)

Matapos ang huling pag-uusap namin ni Grey ay unti-unti kong binalikan si Faye, dahil ito ang kanyang hiling sa akin bago kami maghiwalay noong araw na iyon. Kailangan kong pilitin ang aking sarili sapagkat bukod sa wala akong choice, might as well ay tuparin ko na lang ang pangako ko kay Faye noong prom na hindi ko siya iiwanan kahit pa sa sandaling malaman ko kung sino ang aking tunay na secret admirer. Totoong may pagkapilyo akong estudyante subalit, sa kabila noon ay may isang salita naman akong tao kaya kailangan kong tuparin iyon sa kanya kahit pa nga taliwas ito sa aking nararamdaman ngayon.

Noong naibalik na muli kay Faye ng kanyang mga magulang ang cellphone nito ay madalas na siyang tumatawag o nagpapadala ng text messages sa akin, na halos nga minu-minuto kaming magkausap kapag walang klase. Ngayon ay palagi niyang itinatanong kung nasaan ako, sino ang kasama ko, ang oras ng uwi ko, pati na kung saan ako pupunta. Siguro ay ganoon niya na lamang ako ka-miss o hindi kaya ay natatakot itong ipagpapalit ko siya sa secret admirer ko kaya't patuloy akong pinaghihigpitan, at sinusubaybayan ni Faye lahat ng aking kilos. Dahil doon ay hindi ako makapag-concentrate sa mga bagay na aking ginagawa, sapagkat magagalit na siya agad kapag hindi ako makasagot ng mabilis sa kanyang text messages. Sa kabilang banda, naiintindihan ko naman ang kanyang pinanggagalingan dahil nalaman ko mula sa kanya mismo na may nakapagsabi raw rito na kaya ko siya iniwanan noong prom, ay sapagkat may katagpo akong ibang babae, kaya simula noon ay nabawasan na nga ang tiwala niya sa akin. Guilty naman akong may kinatagpo roon at batid kong lalo pang magagalit sa akin si Faye sa oras na malaman niya na ang kaibigan nito ang lihim kong kasama noon, kaya gumawa ako ng palusot na kunwari ay nag-CR lamang ako that time, at hindi ko inaasahang may makakasalubong akong aking kakilala. Ngunit, palaisipan sa akin kung tunay bang may nakakitang mayroon akong kausap na iba o sadyang gawa lamang ni Faye ang kwentong iyon, dahil ang katotohanan ay si Grey lamang na isang lalaki ang natatandaan kong aking nakasama nang pribado noong gabing iyon. Kung sino man ito ay nagpapasalamat na rin ako sapagkat hindi niya idinawit pa si Grey sa kanyang pagsusumbong. Ano't-ano pa man, marahil ay dapat ko na ngang pagtuunan ng pansin si Faye ngayon. Kailangan na sigurong umpisahan ang pagtalikod sa taong mas matimbang sa puso ko, kahit gaano pa ito kasakit sa akin. Tutal naman ay ito rin ang kanyang gusto, ang kalimutan ko siya. Sana lamang ay maging masaya si Grey sa desisyon nyang ito para sa aming dalawa, dahil sa akin ay hindi talaga ito magiging madali lalo pa nga at siya mismo ang nagtaboy sa akin papalayo sa kanya.

Alas-kwatro ng hapon, isang Sabado, pagkatapos ng aming basketball practice ay nagkayayaan ang buong team na mag-inom sa paborito naming bar na "Aubé" french term for Dawn (na walang age limit requirements basta't hindi ka naka school uniform) bago tuluyang umuwi. Dahil wala noon si Cholo na nakaalitan ko, at gusto ko rin namang maglibang upang takasan ang pinagdaraanan ko ngayon, ay wala akong pag-dadalawang isip na sumama sa kanila. Nais kong magpakalasing sa araw na ito, upang maging aking unang hakbang sa pagbitaw kay Grey. Kaya pinatay ko muna ang aking cellphone sapagkat alam kong maya't- maya nanamang tatawag si Faye sa akin to check up on me. Bukas na lamang ako magsisimulang bumawi sa kanya sa aking mga kasalanan. Ngayon, magpapakasaya muna ako kung kakayanin ko, at iinom lang ng iinom hanggang sa kung anong tanggapin ng aking sikmura.

Makalipas ang tatlong oras ay marami-rami na ring alak ang pumasok sa aking katawan. Nakakaramdam na ako ng hilo subalit, nasa katinuan pa naman ang isipan at alam ko pa rin ang mga nangyayari sa kapaligiran. Patuloy lamang ang aming asaran at kwentuhan habang umiinom, hanggang dumako ang usapan tungkol sa akin.

Coach: Pao, sorry for bringing this up, pero bakit ba bigla kayong nag-away ni Cholo noong araw na iyon? Responsibility ko kayo kasi during training nangyari, so I need to know.

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now