CHAPTER 3 - PUZZLED

464 15 11
                                    

Isang panibagong araw na naman ang sumikat. Araw na siguradong hindi ko nakasanayan kaya't ayaw kong harapin. Ang bigat-bigat ng aking katawan sapagkat tinanatamad akong bumangon sa kama upang pumasok sa school at maghapong mag-aral. Mabuti na lamang at hindi ko napanaginip pero pagmulat ko pa lamang ay agad nang pumasok sa aking isip ang pag-alis ko sa team, na sobrang nakapagpapalungkot sa akin ngayon. Naliligo pa ako nang dumaan ang school service namin, subalit dahil matagal akong magbihis ay pinauna ko na ito at naisipang magcommute na lamang mamaya. Ngunit, kasawiang palad ay tapos na ang flag ceremony nang dumating ako sa Sacred Heart Academy. Kaya bilang parusa ng aming Dean of Discipline sa akin ay inutusan ako nitong gawin ang 30 push-ups. Paborito ata ako ng kamalasan lately sapagkat nakalimutan ko naman palang dalhin ang aking school ID ngayong araw, kaya karagdagang 20 push-ups para naman sa violation kong improper uniform.

Sa classroom.

Cholo: Hey Bro! Bakit late ka today? Parang wala ka sa mood ah! Is there something wrong? Ang aga-aga nakasimangot ka.

Me: Wala naman. I am just being me, na gwapo. You know! (Sabay hawak sa baba at pagpungay ng mga mata na tila nagpapa-cute).

Cholo: Sus! Come on Pao! Kailan pa naging maayos ang ganyang itsura? Daig mo pa ang namatayan nang pumasok ka sa pinto na iyan! Matagal mo na akong kaibigan, alam ko kung kailan ka masaya o malungkot. Sige na sabihin mo sakin at baka matulungan kita.

Me: Okay... Ganito kasi iyon. Pinull-out ako ni daddy sa basketball team dahil mababa ang grades ko. Gusto niya na umattend ako ng tutor sessions para makabawi sa next quarter. Kailangan ko raw magfocus sa studies ko para makabalik. Kaya tamad na tamad ako ngayon.

Cholo: Ahh... Malaking problema nga iyan Pao! Pero tingin mo ba ay tataas ang grades mo kung tulala ka sa buong klase? Hehe

Me: Eh iniisip ko kasi na hindi ako makakasali sa inter-school league pag nagkataon. Kailangan pa naman nating bumawi from last year's game.

Cholo: Hmm... Isa lang naman ang solusyon diyan. Mag-aral ka Pao! Puro ka kopya sa akin eh! Pati ang mga mali ko nagagaya mo rin! Haha! So anong plano mo ngayon? Huwag kang mag-alala hindi kita isusumbong kina tita at tito. Hehe

Me: Tsss! Anong plano? Balak mo pang dumihan ang isip ko at igaya sa iyo! Parang hindi mo naman kilala si daddy. Wala akong magagawa kung hindi ang sumunod. Hindi uubra ang mga palusot natin dahil marami siyang koneksyon. Lahat gagawin niya mapatunayan lang na tama ang iniisip niya. Because for him, he's always right!

Cholo: Ahh... Mawawala ang kasikatan mo bro pag-absent ka sa games! Mamimiss mo ang tilian ng girls! Huwag kang mag alala dahil aalagaan ko sila. Siguradong sa akin na sila nakatingin ngayon! Hehe

Me: Keep on dreaming bro! Wala ka nang pag-asa! Fans ko na sila at solid sila sa akin! Madadagdagan pa iyan sa mga classmate kong girls sa tutor class. You'll see! Hehe.

Cholo: Fuck you ka! Haha!

Pero seryoso Pao, ayusin mo iyan para makabalik ka agad sa team. Hindi ako sanay na nagmumukmok ka eh! Baka maapektuhan lalo ang grades mo kapag-ganyan ka, tapos hindi ka na lalo paglaruin ng daddy mo.

Me: Wala naman akong choice eh! Hindi lang kasi ako sanay sa ganitong set-up. Hindi ito yung daily routine ko. Parang pakiramdam ko masyado nila akong pinaghihigpitan. Kung tutuusin nga ay wala na silang babayaran sa tuition ko dahil varsity player ako. Pwede bang maging proud na lang sila sa akin dahil doon?

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now