CHAPTER 22 - THE PROM(ISE)

219 8 5
                                    

Matapos kong malaman ang katotohanan tungkol sa secret admirer ko ay palagi nang pumapasok sa isipan ko si Grey. Wala pa rin kasi kaming naging pag-uusap tungkol dito. Nais ko sanang malaman ito mula sa kanya, ngunit hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa aking kaibigang natuklasan ko na ang lahat. Tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay nakikita ko pa rin siya at naririnig ang maganda niyang boses na umaawit. Gayun din ay naaalala ko ang lahat ng pinagsamahan namin nitong mga nakaraan, na dahilan kung bakit hindi ako makatulog ilang gabi na. Alam kong lalaki ako kaya hindi ako sigurado sa aking totoong nararamdaman para sa kanya bilang si Grey. Ngunit, bilang secret admirer ko ay sigurado akong espesyal siya para sa akin. Sa kabilang banda, si Faye ay araw-araw ko pa ring nakikita at kasabay pagkain, ngunit hindi pa ako makakuha ng tiyempo para tanungin siya tungkol sa pag-amin nito noon na siya raw ang matagal na ngang patagong may pagtingin sa akin. Nais ko kasi sanang masaya lang kami palagi tuwing magkasama, at ayoko ring dagdagan pa ang problema sa relasyon namin bilang magkasintahan, kaya nahihirapan akong makahanap ng pagkakataon kung paano ba maliliwanagan sa lahat ng nagpapalito sa aking utak ngayon.

Isang araw ay late na akong nakauwi sa aming bahay dahil nag-extend kami ng oras sa basketball training. Naghahanda na noon ng dinner si mommy kaya pinatawag niya sa akin si Nikki sa kawarto nito upang sabay-sabay na kaming kumain. Dahil nakabukas naman ang pintuan ng kanyang silid ay pumasok na lamang ako ng kusa. Doon ay nakita kong tutok na tutok siya sa TV kaya umupo muna ako, upang obserbahan kung bakit hindi niya pinapansin ang aking pagtawag sa kanya. Ilang sandali pa ay unti-unti kong narealize na kakaiba pala ang palabas na kanyang kasalukuyang pinapanood. Dahil taliwas sa nakasanayan, ang programang iyon ay may dalawang lalaki na bida, at ang kakaiba nga na aking nabatid ay tila love story ang tema ng palabas. Laking gulat ko sa kung ano ang aking mga nakitang ginagawa ng mga lalaking ito sa eksena nilang dalawa, at sadyang ang tatamis ng kanilang mga sinasabi sa isa't-isa.

Me: Hoy Nikki! Ano iyang pinapanood mo? Bakit ganyan?!

Nikki: Ahh... "Yaoi" ang tawag diyan kuya! Love story ng dalawang guys. Uso na iyan sa Asian countries! Nakakakilig silang panoorin, hindi ba?

Me: Uso? So ibig mong sabihin ay normal iyan?

Nikki: Kuya, syempre palabas lang iyan! Imaginary couple lang sila. Pero sana totoong magboyfriend na! Ang sweet nila eh! Haaays...

Me: Ahh... Paano naman nalaman noong isang bida na lalaki pala ang gusto niya? Hindi ko naumpisahan eh.

Nikki: Wala namang reason na sinabi eh. Basta hindi siya nagdoubt or natakot na yakapin, hawakan ang kamay, at halikan iyong ka-partner niya. Which is hindi mo naman gagawin sa kapwa mong lalaki kung straight guy ka hindi ba Kuya? Siguro lumabas lang sa kanila naturally!

Me: Ah... Eh... Sige... Hmm... Tara na! Patayin mo na iyan at kakain na nga pala tayo.

Nagbalik tanaw ako sa lahat ng mga pinagdaanan naming dalawa ni Grey, dahil sa sinabi ni Nikki na signs na maaaring nahuhulog ka na sa kapwa mong lalaki. Doon ay naalala kong ilang beses ko na ring nayakap si Grey kahit pa nga kami ay nasa pampublikong lugar. Ito ay noong pumayag siyang tulungan akong mag prepare para sa monthsary date namin ni Faye, pati na rin noong nagpunta kaming dalawa sa simbahan ilang araw pagkatapos ng birthday nito. Hinawakan ko na rin pala ang kanyang kamay noong sumakay kami sa ferris wheel upang harapin ang kanyang takot. Ano nga bang dahilan kung bakit hinayaan ko siyang matulog sa aking braso buong magdamag kahit pa batid kong hindi ito ginagawa ng magkaibigang lalaki, at kahit pa sabihing bestfriends kayo? Sa simbahan din ay hindi ko inaasahang hahalikan ko ang kanyang noo habang kayakap siya noon upang pakalmahin ito. Higit sa lahat ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nga ba ako nainis noong nalaman kong kasama niya ang kaibigan nitong lalaki, habang ako naman ay iniiwasan noon ni Grey? Hala! Totoo nga bang may pagtingin na rin ako sa kanya kahit noong hindi ko pa alam na siya ang totoong secret admirer ko? Bakit nga ba ayos lang sa aking gawin ang mga bagay na iyon kay Grey kahit pa sa mata ng ibang tao ay hindi ito normal? Kaibigan ko siya kaya ko ginawa iyon at komportable ako sa kanya, pero bakit si Cholo naman na mas matagal kong kaibigan ay hindi kailanman ginawa ang mga iyon sa akin? Higit nga ba sa pagkakaibigan ang aming nararamdaman para sa isa't-isa?! Sasabog na ata ang utak ko sa aking mga naiisip na posibilidad!

THE PERFECT ONEWhere stories live. Discover now