Alyssa's POV
"Ly, tahimik ka na naman jan." Rinig kong sabi ng isa sa kanila.
Pagakyat ng tingin ko, nakatingin na pala sila sakin.
Nasa eastwood kami ngayon nagdidinner. Two months na akong nasa Ateneo at nakaadjust narin naman ng maayos. Nagtetraining narin kami.
Imbes na sumagot pilit nalang akong ngumiti.
"Okay ka lang?" Ate Jem asked.
"Opo. Napagod lang siguro sa training." I answered.
Tumango lang sila tapos bumalik na ulit sa pagkain. Pero hindi ako nakawala dito sa dalawang katabi ko.
"Beshie, iniisip mo parin siya noh?" Ella chuckled beside me. I really cant remember how it started pero bigla nalang kaming nagkaroon ng tawagan.
Napairap naman ako sa sinabi niya.
"Sino? At kung sino man yang tinutukoy mo, no, hindi ko siya iniisip." Sagot ko.
Ilang linggo narin nila akong tinutukso kay Kiefer. Ewan ko ba sa kanila. Hindi ko lang kasi matago yung paghanga ko sa kanya minsan at napansin naman agad yun nila Ella. Lalo na pag magkasabay yung mga tranings namin.
We met narin. Pinakilala kasi ako ni Lau kay Von, na kasali sa basketball team, tapos si Von naman yung dahilan na nagkakilala kami ni Kiefer. Isang beses lang talaga kaming 'nagka-usap', yung time na pinakilala ako ni Von sa lahat ng kateam niya. It was just a short 'hi' and a smile but still sent my heart into frenzy. Hindi niya talaga ako naalala simula nung nagkabanggaan kami. Well, sino ba naman ako para maalala niya?
At naging hanggang sulyap nalang ako ulit sa kanya. We didnt interact again. Hanggang ngiti ngiti nalang pag nagkakasalubong. Ayoko namang ako yung mauna. Siguro wala lang talaga siyang pakialam. Hays.
"Pano kung sabihin ko sayong nandito sila Kiefer?" Sabi naman ni Den. That gets my attention again. Napatingin naman ako agad sa kanya.
"What?" I asked to clarify baka naman mali lang yung dinig ko.
"Nandito sila Kiefer." Sabi niya. Nakaramdam naman ako ng tuwa.
"Saan?" I asked again then unconsciously looked around.
Narinig ko naman silang tumawa. Walanghiya.
"Ayan tayo eh. Kanina ayaw makinig sa sinasabi namin. Hindi niya daw iniisip si Kiefer pero makahanap naman wagas" Ella chuckled.
Sinamaan ko naman sila ng tingin.
"Alam niyo kung mangtitrip lang naman pala kayo sana yung the best naman." I said sarcastically. Tumawa lang sila ulit."Pero totoo besh. Nandito nga siya" Den.
Umirap naman ako.
"Yeah right.""Nandito nga. Gusto mo lapitan ko pa eh. Parang si Dani at Thirdy lang naman yung kasama niya." Ella said while looking beside me.
Pinigilan ko lang talagang lumingon kasi baka pinagtitripan na naman ako ulit.
"Ayaw talagang maniwala. Bahala ka aalis na yan." She said again habang patuloy paring nakatingin.
Lilingon? O hindi?
Lilingon? O hindi?
Lilingon? O lilingon talaga? Ughhh.
I sighed then gave up. Tiningnan ko muna ng masama yung dalawa kong katabi tapos tumingin narin si bandang tinitingnan nila.
"Yung malapit sa may painting nakaupo." Ella murmured.