Kiefer's POV
Months have passed again at marami ng nangyari. We failed again to reach the finals pero syempre kailangang iaccept at magmove forward nalang.
Next year will be my last year in UAAP kaya sikap pa lalo.
Nasa kwarto ko lang ako ngayon nagmumuni muni ng feelings at isip. OA noh? Pero ganito din kaming mga lalaki minsan.
'Paps any plan for tomorrow?'
Von dm'ed me on twitter. Nagets ko naman agad yung tinutukoy niya. Tomorrow will be the start of UAAP volleyball at syempre gustong gusto kong manuod. One main reason is to support ALE and of course Alyssa.
'Of course manunuod ako'
Reply ko sa kanya. Straight to the point.
'Wala man lang something para sa crush mo?'
Loko talaga to eh. Ilang months niya narin akong sinasabihan ng ganun. Na may gusto daw ako kay Ly. Na in denial daw ako masyado.
Hindi ko rin alam.
Kung yung pagiging concern sa isang tao, yung pagiging masaya pag kasama siya, yung palagi ko siyang hinahanap hanap, yung gusto ko ako yung nagpapangiti at nagpapatawa sa kanya, yung palagi ko siyang namimiss pag malayo siya eh ibig sabihin ay may gusto na.
Edi may gusto nga ako kay Ly.
Hindi ko narin yun madeny sa sarili ko. Kung ano-ano na nga yung ginawa ko para matanggap yun sa sarili ko. I even google'd it na parang ewan. Signs of liking someone. What the heck talaga diba? Nagexperimento din akong lumayo sa kanya pero di ko nga nakaya ng isang buong araw.
Pero mostly di ko nalang sineseryoso because I know it'll just bring complications between us. I'm okay with our set up right now. Yung nanjan lang kami para sa isa't-isa.
But of course the selfish and irrational part of me still wishes na mas higit pa dun. Pero hindi ko rin ata yun kaya, natatakot ako. I dont want to lose her.
I'm so stupid. Nanjan na nga siya sakin noon pero di ko naman alam. Yun tuloy nawala. Napunta sa iba.
I burried my face in my pillow and let the demons in my head went over me. The what if's overshadowing everything.
"'Nong?" Di ko namalayang nakatulog pala ako hanggang sa narinig ko si Dani na kumakatok sa pinto.
"Manong? Dinner na po. May bisita po si mama." She called again.
I really dont want to deal with other people right now. Wala ako sa mood makipagjamming jamming sa kanila. I just wanted to stay in bed all night. Pero ayoko rin namang maging bastos kay mama.
"Sunod nalang ako Dan." I answered.
"Okay po."
Pumikit pa muna ako sandali bago tuluyang tamad na tumayo at nag-ayos ng sarili.
Pagkababa ko palang rinig ko na yung tawanan sa kusina. Wala talaga akong balak pumunta ng kusina kaya dumiretso nakong papunta ng sala but I stop walking when I heard someone laugh.
Naalert agad lahat ng senses ko. Di ako pwedeng magkamali, I know its Alyssa's. Kabisado at kilalang kilala ko na yung mga tinig niya. Dali dali naman akong nagtungo pabalik ng daanan sa kusina.
Siya agad yung nahanap ng mga mata ko pagkadating ko ng kusina. Silang dalawa pala ni Gretchel yung bisita ni mama. She's helping to get some plates habang nagkekwentuhan parin sila na mama.
Hindi ko alam na nakatutok na pala ako sa kanya hanggang sa tawagin ako ni mama.
"Oh anak, kala ko di ka na bababa eh. Antagal mong tawagin." She said.