Alyssa's POV
A month has passed simula nung malaman kong si Mika at Kiefer na. I can say I'm done with the 'acceptance stage' kung tawagin. Siguro dahil nadin yun sa kaibigan ko sila both and I'll support them no matter what. Kahit na sarili ko pang kaligayahan mawala. Masakit parin sa tuwing nakikita ko silang sweet syempre. Para akong sinasampal ng katotohanan ng paulit ulit. But I just accepted it fully. Ika nga, kung sa allergy pa, dapat daw mas lalo mong i expose yung sarili mo sa pagkaing allergy ka hanggang sa maging prone na yung katawan mo at mawala na yung effect. Then okay na.
I hope it's easy as that.
I focused more on volleyball instead. Mas kailangan nila ako ngayon lalo nat crucial moment na ngayon. At halos magpamisa talaga ako nung nakuha namin yung isang slot sa final four at natalo pa talaga namin yung AdU. And we're in semis already. Makakalaban namin yung NU, twice to beat pa talaga sila.
"Buhos pa ulan! Aking mundo'y lunuring tuluyan"
I chuckled nung marinig ko na naman si Ellang kumanta sa loob ng banyo. And the banyo queen is alive again. At natawa na talaga ako when I heard Den groaned loudly at tinabunan yung tenga niya.
"Besh, baka bumagyo!" She shouted at Ella.
"Che! Kahit ang pag-agos mo di mapipigil ang puso ko! Lalala lalala" and Ella just continued singing. Nilakasan pa lalo halatang nang-aasar. Jusko. Di narin nakaimik si Den.
Ako naman patuloy lang sa pagrereview. I read my notes silently. Advance study narin para di ako magcram.
"Ly, wala kang lakad tonight?" Natigilan ako maya-maya nung nagtanong si Den.
"Wala" I answered.
"Di ba kayo lalabas ni Jovee?" She asked again. At alam ko na saan patungo tong usapan na 'to.
"Besh naman, he's just a friend. I already cleared that to him." I said.
"Eh si Kev?"
"Focus muna akong Volleyball." I answered briefly.
"Besh, kilala kita. Youre holding yourself back again. Tanggap mo na naman na may girlfriend na si Kief diba? Magboyfriend ka na rin." She said tapos umikot kakahiga at nakaharap na siya sakin habang nakakulob.
"At bakit naman siya nasali sa usapan? Di porket ayoko pang makipagdate ibig sabihin agad dahil yun kay Kief. Tanggap ko na Den. I'm just really focusing on volleyball right now. Maybe, just maybe, I'll try pagkatapos ng season." I sighed now closing my book at humiga narin.
"So sinong mas lamang sa kanila ngayon sayo? Hypothetically, makikipagdate ka na. Sinong pipiliin mo?" Tanong niya habang nakangiti.
Nag-isip muna ko ng masasagot.
"Hypothetically, I'll go with Kev." I sighed after a while."Good choice. Siya manok ko eh. Tapos kay Ella naman si Jovee" she laughed.
"So pinagpupustahan niyo ko, ganun?" I said sarcastically.
"Di naman. I mean konti. Pero support parin namin kanino ka sa huli. So, bakit naman kay Kev?" Sabi niya. Hay naku.
"Alam kasi ni Kev yung pinagdadaanan ko. Tsaka mas close ako sa kanya kaysa kay Jovee. We both know each other well. Magaan na agad yung loob ko sa kanya." I explained.
Tumango si Den.
"Sabagay, matagal narin naman kayong magkakilala."We dropped the subject after that.
----
"Good luck. You can do this." Kiefer said at me. Nasa dug out kami ngayon nagpeprepare para sa first game namin ng NU.And Kiefer being Kiefer, pumunta siya dito para i good luck kami. He's here as my friend so tatanggapin ko yun ng buo. Pero halos di naman ako makahinga sa tuwing hinahawakan niya ko. I'm still a girl. And what do you expect, pag kayo kaya yung hinawakan, inakbayan, o niyakap ng taong gusto mo, I'm sure pareho lang tayo ng mafefeel.