Chapter 33

2.1K 92 8
                                    

Alyssa's POV

I breathed deeply and looked at him again. Di ko alam paano ako magsisimula.

Naramdaman niya ata na di ako mapakali kasi tumingin na siya sakin at nagtanong.

He started it with a smile.
"What is it?" Diretso niyang sabi at huminto muna sa pagkain at pinunasan yung labi niya.

"Uh, I have something to tell you" ewan ko kung bakit hindi ako makatingin sa mata niya.

Naghintay lang siyang magpatuloy ako. Aish, bahala na nga.

"Kasi ano si Kiefer- may sinabi siya sakin" I started pero mukhang dun lang yung kaya ko kasi di ko na madugtungan.

I feel him took my hand at napatingin ako sa kanya.

"Ly, is this the way of saying na binabasted mo na ako?" nagtaka naman ako sa sinabi ni Kevin.

"What?"

He sighed.
"I'm not blind nor deaf. I know Kiefer finally came to his senses. Gusto ka niya"

"Ano namang connect nun sa babastidin kita? I'm not doing that" sabi ko. Nakita kong nakahinga siya ng maluwag.

"I just thought, I know na sabi ko na tutulungan kitang kalimutan siya pero pano naman pag di na dapat diba? I want you happy." He said softly.

Lord naman bakit ba hindi ako kay Kevin nagkagusto.

"Kev, natulungan mo naman talaga ako eh. Oo inaamin ko naman na hindi pa talaga ako totally nakamove on sa kanya pero at least diba di na tulad ng dati. Kaya umaasa ako Kev, umaasa ako na balang araw malalampasan mo rin si Kiefer. Sino ba namang may ayaw sayo? Napakita mo na sakin lahat ng efforts at naappreciate ko yun lahat. And you make me happy kaya wag kang nag-iisip ng 'I want you to be happy happy' jan" I explained.

He smiled and squeezed my hand.
"Thank You. Thank You cause I dont think I'm ready to let you go." He whispered the last part.

--
Kiefer's POV

Aayain ko pa sanang magdinner kami ni Ly kaso binabaan na niya ako ng tawag. Since nasa Ateneo pa rin ako at hindi pa nakakuwi, I decided to just go see her sa dorm nila.

Dumaan muna ako sa faculty para magpasa ng ilang papers for my major. Tsaka ako nagpunta ng Eliazo.

I parked my car sa gilid lang at saktong dumating din ang isang familiar na kotse. Kang Kevin to eh.

Napakunot agad yung noo ko nung nakita ko siyang bumaba at pumasok sa dorm tapos maya-maya sabay na silang lumabas ni Ly.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.

Ito pala yung sabi niyang lakad niya.

Di ko maiwas yung tingin ko kay Ly. Gusto ko siyang lapitan tapos magmakaawa na saakin nalang sumama.

Hanggang sa sumakay na sila at nagdrive palayo. Mababaliw na naman ako nito kakaisip.

I closed my eyes. Sa lahat ng babaeng nagustuhan ko si Ly yung pinakamahirap. She's not like everyone else. At dahil dun mas lalo ko lang siyang minamahal.

At dahil din dun siguro kung bakit na naman ako nasasaktan ngayon. Parang pinipiga yung puso ko nung nakita ko silang dalawa.

Magiging generous muna ako ngayon, babe. Bahala ng dalawa muna kami. Pero pag naging akin ka na. Akin nalang. Wala akong balak magpahati.

Umuwi nalang ako ng diretso sa bahay at dun nalang kumain.

Hindi parin ako napakali kakaisip kahit nung nasa kwarto ko na ako. Nakasandal lang sa headboard ng kama habang nakatingin sa cellphone ko.

Love Long Due (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon