Chapter 24

1.7K 81 4
                                    

Alyssa's POV

I was slightly shocked right now sa sinabi ni Kiefer. Hindi ko alam kung ano dapat mararamdaman ko basta ang alam ko lang hindi siya okay ngayon. Hindi din okay si Mika.

"I knew that this would come but I didnt expect it this way. Specially kahapon pa talaga. Valentines." He chuckled so dryly habang umiiling. Pinaglalaruan niya lang yung mga damong nasa gilid niya. He's chin on his knees.

"Kief... I dont know what to say." I said carefully. Di ko naman talaga alam kung anong sasabihin ko aa kanya eh.

Then he turned his head to me para tingnan ako. Tinutukan niya lang muna ako ng ilang segundo bago nagsalita.
"Alam mo kagabi, gustong gusto kitang puntahan. Ikaw agad yung unang taong gusto kong makausap after naming maghiwalay. Hindi ko alam bakit, pero yun talaga. But I went here in Eliazo sabi nila Jho may date ka." Sabi niya ng malumanay. Tapos nun nag-iwas na siya ulit ng tingin.

I was even more shock at naguilty naman ako ng malaman ko yun. I feel like a bad friend. Di ko siya nadamayan agad. Pero di naman ganun, I have my own life.

"Yes, and mukhang pareho lang tayo ng pinagkainan. Nakita daw kasi kayo ni Den. Pero ako hindi." I said.

"Talaga? Buti nalang din siguro na di ko kayo nakita. Baka nahiram na muna kita para damayan ako at nasira ko pa yung gabi mo." Sagot niya lang ng mahina.

I can see that he's really trying to be okay pero kilala ko siya eh, alam kong hindi. Alam kong nasasaktan siya.

"Ano ba kasi nangyari?" I started. Matagal naman siyang di kumibo.

"Sorry. Hindi kita pipiliting sabihin kung ayaw mo." I continued after a while. Then I heard him sighed deeply.

"Hindi na kami nagkakaintindihan. I swear I tried fixing it. Triny ko talagang ibalik sa dating kami. I loved her. Thats all I know. Kaya kahit anong away namin di ko talaga maisip na itigil na kasi parang di ko ata kaya yun. But recently, sa aming dalawa parang ako nalang yung lumalaban eh. Palagi nalang niyang binalewala. May mga pagkukulang din naman ako syempre pero bumabawi naman ako sa kanya sa kaya kong paraan. And then this past few weeks everything changes tapos yun dumating yung kagabi, nagtalo na naman kami over something at nakipaghiwalay na siya saying na pagod na daw siya na palagi kaming ganun. I didnt stop her. Kasi alam ko namang ayaw na talaga niya eh. Tsaka sobrang pagod narin ako." He paused to take a deep breathed.

"Pero ang sakit lang Ly, more than one year, more than one year kami tapos ngayon wala na." He said at hindi na niya napigilang maiyak habang nagsasalita.

He cried silently habang nakayuko. His shoulders shaking at para namang dinudurog yung puso ko.

Di ka dapat masyadong malungkot. At least ngayon di ka na mahihirapan kasi hiwalay na sila. The selfish part of me said at agad ko naman yung winala.

"If you still love her, you can always fight. And I know di naman mawawala basta basta lang ng ganun yung feelings ni Mika." I tried to explain.

Napatingin ulit siya sakin, tears on hia eyes.

"What if.. what if I dont want to anymore?" He whispered.

"Pag napagod ka di naman ibig sabihin dapat tumigil ka na talaga. Pwede namang magpahinga lang muna. Tapos, pagmalakas ka na ulit saka mo subukan ulit." I said.

Umiling lang siya.
"Ewan. Wala nakong alam sa mga gusto ko."

Tapos tinutukan niya ako sa mata ng diretso. Its as if he's opening his being to me by the way he stares, I can see through his soul.

"Hindi ko na alam kung sino yung gusto ko."

At nakaramdaman ako ng iba dahil dun.
--

We talked for I dont know how long. Hindi na naman siya naging emotional ulit pero maya't- maya lang siyang tahimik.

Love Long Due (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon