Chapter 32

1.9K 82 8
                                    

Alyssa's POV

Dala-dala ni Kiefer yung bag ko ngayon habang patuloy parin siya sa pagtatatanong at ako tahimik lang ulit.

Ngayon nag-iisip ako ng paraan para e explain to kay Kevin. I know may alam na siyang kinukulit ako ni Kiefer. May mga issue narin sa social media about samin. Hindi niya parin alam na nagtapat si Kiefer sakin pero sasabihin ko na sa kanya. He deserves to know. Para narin di siya mag jump into conclusions.

Hindi ko naman siguro siya pinapaasa kasi totoo talagang nagugustuhan ko na siya. Yun nga lang lamang pa sa ngayon si Kiefer pero iniisip ko na malalagpasan din siya ni Kev.

Sa puso ko lamang si Kiefer pero yuung utak ko naman halos kay Kevin lahat.

I stop walking when Kief held my hand.

"Hindi ka naman nakikinig eh" simangot niya.

"May rule bang ganun? Tsaka di naman kita pinipilit magsalita." Irap ko.

"Wala ka bang manners? Grade school palang tinuturo na to. Na kung may nagsasalita dapat makikinig ka." He replied.

May nalalaman pa talagang ganun. Umiling nalang ako at naglakad na ulit. Ganito halos nagiging set up namin ni Kiefer. Siya palaging makulit at insistent ako naman parang wala lang. Ilang linggo narin siyang ganito. Simula nung umamin siya sakin di na niya ako tinantanan.

Nakahabol naman siya agad sa paglalakad ko at inakbayan ako. I tried to shrugged his arm off pero binabalik niya parin hanggang sa hinigpitan na niya yung pagkaka-akbay niya sakin.

Jusko.

"Kiefer.." I warned but of course walang effect. Nakatingin lang siya ng diretso habang nakangiti.

"Dati nga na friends lang tayo inaakbayan na kita tapos okay lang naman sayo. Ano pa kaya ngayon?" Mas lalo lang lumaki yung ngiti niya.

"Anong dati na friends palang tayo yang pinagsasasabi mo ha? Kahit ngayon friends lang tayo." I replied.

"Friends with feelings na ngayon." He chuckled. I forced myself not to smile. Inhale. Exhale.

Wag ka ng pakipot jan Alyssa. Gusto mo rin naman. Sigaw ng utak ko. Ay mali yung puso ko pala yun. Kasi si brain anti-Kiefer ata to eh. Takot ng masaktan.

"Ewan ko sayo" I blushed at tinawanan niya lang ako.

"Lunch na tayo babe" He said after a while. Siniko ko naman agad at napatingin sa paligid namin buti nalang walang nakarinig.

"Babe mo mukha mo." I glared at him. Tumawa lang siya ulit. Para akong kinikiliti sa mga tawa niya, gustong kumawala ng ngiti sa mga labi ko pero pinipigilan ko nalang talaga.

Tingnan natin kung makatawa ka pa ngayon.
"Tsaka I'm having lunch with someone already."

"Sino?"

"With Kevin" sabi ko at tiningnan yung reaksyon niya.

Agad nawala yung ngiti sa mukha niya at napalitan ng simangot.
I laughed at tinanggal na yung braso niya sa balikat ko kasi nasa kotse ko na kami banda.

I open my door at bago ako pumasok tiningnan ko siya ulit.
"Selos ka naman agad? Sila tatay lang kalunch ko ngayon." Asar ko and went in.

I left him standing there at sinara na yung pinto. Pero kinatok niya yung bintana sabi na ibaba ko daw. I dont want to lower down my window but I did anyway. Pasaway na puso, kinontrol yung kamay ko.

He leaned down towards me at nilapit yung mukha niya sakin. Halos ipasok na niya yung mukha niya at tinutukan ako ng madiin. I swallowed the lump on my throat. Ang lapit niya.

Love Long Due (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon