Alyssa's POV
Pagpasok na pagpasok palang namin sa restaurant parang gusto ko na agad umalis. Ang sakit lang makita si Kiefer na ngumingiti agad pag dating kay Mika. Kahit na kaibigan ko si Mika, I still cant help it.
"Hi Ly! buti talaga sumama ka. Magtatampo ako paghindi." She squealed nung nakita ako at nagyakapan kami.
"Masyado ka namang halatang namiss mo ko." I chuckled.
Inirapan niya lang ako tapos umupo na ulit. Binati ko rin si Cyd, yung kasama niya ngayon, teammate niya sa La Salle.
I sit on the only chair available which is yung katabi ni Kiefer. Magkaharap sila ni Mika. Siguro okay narin yun at least di ko sila harap harapang nakikitang naglalambingan kung meron man. Nagorder narin kami agad.
"Anong gusto mo Miks? The usual?" Rinig kong sabi ni Kiefer.
May the usual the usual pa talaga. Ipahalata ba namang sanay na.
Sinabi ko nalang yung order ko tapos tumahimik na. Kunwaring may tinitingnan sa phone.
"Ly, kailan balik mong Batangas ulit?" Tanong ni Mika habang nagiintay kami.
"Next week pa kasi may pupuntahan ako this weekend eh." I answered.
"Sabay nako. Pinapapunta rin kasi ako nila Tito." She said. May kamag-anak rin kasi siya sa Batangas malapit lang samin pero sa kalapit parin na munisipyo so magsoshort ride ka pa.
"Okay. Tanungin mo rin si Kim para sabay na tayong tatlo." I smiled. Ganun kasi kami noon pag highschool.
"B, ako ng hahatid sayo." Kief said.
Nawala naman agad yung ngiti ko. One hit again.
"No need na Kief. Nanjan naman si Ly." She answered.
Sumimangot naman si Kiefer.
"How long will you be gone?""2 days lang. Balik rin ako agad pagkatapos."
"Ang tagal" he pouted.
Ang sarap lang niyang hampasin ngayon. Ugh.
"O.A ka ha." Mika just chuckled.
"Teka nga lang, kayo na ba?" Biglang tanong ni Cyd.
"Hindi--Oo" sabay nilang sagot pero yung kay Kiefer may halong pang-aasar habang nakatingin kay Mika.
She glared at him at natawa lang talaga yung isa.
"Hindi pa." Mika clarified. Ngumiti naman ulit si Kief.
"So sasagutin mo rin naman ako eh. Bat kailangan pang matagal?" He chuckled.
"Ano ka sinuswerte?" Irap ni Mika.
Antagal naman ng order. Gusto ko ng umuwi. Nag-usap pa sila pero di nako nakinig, bumalik nalang ako sa pagcecellphone.
"Ly, how's school? Hindi naman ata tayo papansinin nitong dalawa, so tayo nalang mag-usap." Cyd smiled sa harap ko.
I took a glimpse of them at lalo na naman akong nasaktan. Pano kaya pag ganyan rin ka sweet si Kief sakin? Hays.
"Okay naman sa school. Mas namomoblema ako ngayon sa UAAP" I chuckled kasi alam kong kalaban rin namin sila.
"Sus, kala mo naman di kami kinakabahan pagmagkalaban tayo. Fierce lang to sa labas pero tao parin." She laughed.
Ang mga ibang fans lang naman talaga yung nagdadala ng issues between us eh. Pag sa labas ng court, walang magkalaban samin. Yes, not all of us are friends but we respect each other.