Chapter 31

1.9K 95 9
                                    

Kiefer's POV

Kief, I'm sorry..

I'm sorry.

Shit naman Kiefer. Stop thinking already!

I buried my face again on my pillow. Magt-two A.M na di parin ako makatulog. At iisang lang yung naiisip ko ng paulit-ulit ulit ulit.

Alyssa.

Dapat ba di ko nalang sinabi sa kanya yung totoo?

Pano kung lumayo lang siya sakin?

Edi habulin mo parin.

Hahabulin ko talaga. Bahala siyang mapagod kakaiwas. Ayokong malayo siya sakin.

Pero pano sila ni Kevin?

I sighed again.
Di pa naman sila eh. Hanggat hindi pa siya sinasagot ni Ly may pag-asa parin. I hope.

What if she loves him?

Napapikit ako ng matindi sa unan ko. I dont wanna think about that. Leche naman tong utak ko eh parang di sa akin kumakampi.

I badly wanted to scream my frustrations out pero kinagat ko nalang yung dila ko. Mamaya umakyat pa sila mommy at sabihing nababaliw na yung panganay nila.

Nababaliw nga.

Kay Alyssa.

--

"Manong, you looked like you've crawled yourself up from your grave. Ang pangit mo. Parang di ka nakatulog ng ilang araw." Dani spoke up while we're having early breakfast.

Di naman talaga ako nakatulog.

"Dan. Sa akin, di talaga ka-describe describe ang word na pangit. Kahit na di ako matulog ng ilang araw gwapo parin ako." Biro ko nalang.

She just rolled her eyes at me.
"Yeah right."

"Kief, di ka pa ba late para sa morning training niyo?" Dad asked me.

Napatingin ako sa wristwatch ko. Its still seven.

"Sakto lang po pa mamaya pa namang nine talaga yung training namin. Di nga lang ako makakasama sa jogging pero aabot pa naman sa training." I answered.

Nauna narin ako sa kanilang umalis pagkatapos kong kumain. Maaga pa para sa training namin pero kelangan ko paring umalis na kasi mags-start na yung training nila Ly.

I'm not wasting anything right now. Alam na naman niya na may gusto ako sa kanya kaya lulubusin ko na.

Pagdating ko sa labas ng BEG rinig ko yung pagtama ng mga bola sa sahig at mga palo nila, ibig sabihin nagsimula na silang magensayo.

Nung nasa entrance nako nakita ko agad si Ly pero dahil nakatalikod siya sakin di niya ako nakikita. I hesitate to continue watching them kasi baka di pa siya makapagfocus ng maayos.

Napabuntong-hininga nalang ako ulit. Buti at nandito na din yung iba kong teammates, pinuntahan ko nalang din sila at nakiupo. But my eyes are locked on Ly.

"Kief, di ka nagjog?" Vince asked nung tumabi ako sa kanya.

Umiling ako pabalik.
"Ang sakit kasi ng ulo ko kaninang umaga. Konti lang yung tulog ko." I answered.

"Obviously." He chuckled habang nakatingin sakin.

Siniko ko nalang. Nan-asar pa eh.

Pero teka

Napakuha ako agad sa phone ko at chineck yung mukha ko sa salamin. Baka ang pangit pangit ko pala talaga at makita ako ni Ly ng ganito, mahirap na.

Love Long Due (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon