Alyssa's POV
"What?" I asked. Praying na sana mali lang yung narinig ko. Shit.
"Kief just said na may gusto siya kay Mika Reyes. He was asked kung sino yung crush niya sa UAAP then sinagot niya naman agad. With serious face talaga. Tsaka nasa twitter narin." She explained.
Natahimik naman ako. Too much thoughts to be process.
"Tsaka besh diba friend mo yung si Mika?" Tanong naman ni Ella.
Tumango nalang ako.
"It looked like kasi na seryoso si Kief sa kanya eh. He watches her games tapos post messages for her" Den sighed.
Pilitin ko mang hindi masaktan wala paring nagawa yung pilit ko. Hays. Kailan ba 'to mawawa? Mas masakit ngalang ngayon kasi alam kong si Mika. Ang unfair ng buhay.
"Wala na namang bago jan" I said tapos nag-iwas ng tingin.
I heard them sighed.
"Bakit ba kasi si Kiefer yung pinili mong magustuhan eh. Sabi ko na nga ba masasaktan ka lang." Den said.Matagal na naman akong nasasaktan.
"Kung pwede lang talaga sanang mamili kung sino yung dapat magustuhan besh. Matagal ko ng ginawa" I sighed. Theres no point in denying kasi I know na alam na naman nila Ella halos lahat pagdating ni Kiefer sakin.
Napuno ng lungkot yung kwarto namin. Feeling ko akin lahat ng lungkot na yan.
"Basta besh, ipangako mo. Kahit na hindi samin. Promised to yourself na hinding hindi ka iiyak dahil kay Kiefer. It wont be worth it." Sabi ni Den ng seryoso.
Pilit akong ngumiti.
"Arte mo besh. Di yun mangyayari noh. Swerte niya naman masyado para iyakan ko. He's just a crush" I laughed but it sounded off.Seryoso parin yung dalawa kaya hindi ko nalang pinansin.
"Youre really underating that 'crushness' kahit na alam naman na natin na higit pa dun yun. But we wont force you to say it. Basta alam mo na yun." Ella naman ngayon.
I just continued to be silent again. Hays.
And after that talk napansin ko ring hindi na nila ko masyadong kinukulit kulit kay Kiefer tulad ng dati pero nanjan parin naman, nabawasan na nga lang.
About Mika and Kief naman wala pakong nacoconfirm aside sa meron na ngang mga palitan ng posts between the two of them at si Kiefer naman halos lahat ng interview natatanong siya about kay Mika, game na game namang sumagot. Kaya nga hindi narin ako nanunuod ng mga interviews niya eh. Tapos pagmagkasama naman kami wala naman siyang nababanggit. Tsaka pag magkasama rin naman kami ni Mika ayoko namang magtanong about sa kanilang dalawa. She looked happy though, and I feared so much na malaman na baka nga si Kiefer yung dahilan dun. Iba ata yung naging epekto sa kanya ni Kiefer from her other guys before. At mas sumakit lang lalo yung puso ko.
On the other side naman, gustuhin ko mang lumayo na talaga kay Kiefer, hindi ko naman magawa gawa ng maayos. Pag nanjan siya ayaw ko ng umalis, nawawala yung kalahati ng katinuan ng isip ko kahit pa na hindi niya ako napapansin. Tinitiis ko nalang ulit yung bawat tuksong naririnig ko ng mga teammates niya sa kanya. Si Mika naman ngayon. And it just hurts more everytime na nakikita ko siyang napapangiti pag ganun.
So I'm guessing totoo nga siguro yung sila.
Nasa Starbucks kami ngayon ni Kim. Hinihintay lang namin si Mika. Actually I really dont know kung ano yung iaakto ko sa harap niya but then I remembered na wala pala siyang alam sa nararamdaman ko kaya okay lang. Tsaka aside from that issue, first of all kaibigan ko rin siya at matagal tagal narin since nung huli naming labas kaya magmemeet kami ngayon.