Kiefer's POV
Four months na kami ni Mika. So far okay naman lahat. Our relationship is like any other relationship. Away-bati. Lambing, gala. Basta ganun. Nakilala narin namin yung mga magulang ng isa't-isa. I get to know her even more.
"Manong, kailan ba bibisita ulit si ate Ly dito? Di mo na naman siya dinadala eh. Kailangan pa tuloy ako yung gumawa ng paraan." Dani asked me.
"Busy na siya Dan" I sighed.
For me and Ly naman, we're still the same. Pero napansin ko may nagbago talaga eh. Palagi parin naman kaming nagkakasama kaya lang ngayon mostly dahil sa mga projects tapos with friends or kami nila Mika. Kapag niyayaya ko siyang maglunch ng kaming dalawa lang she always has something to do. Katulad lang kahapon niyaya ko siyang ihatid sa dorm niya pero tumanggi, pinili pa talagang maglakad kahit gabi na. Dati naman game siya palagi.
At isa pa talagang napapansin ko sa kanya pag magkasama kami, she's holding back. Para siyang parating aware sa paligid niya. Nagpipigil. The Alyssa before everytime I'm with her was so carefree, walang pakialam, happy lang. And it really frustrates me not knowing the reason. Sometimes nga iniisip ko kung may nagawa ba ako, wala naman akong maisip.
Maybe because iba na talaga ngayon.
I also heard that she's going out with Kevin pero di pako sure. I just dont want to ask her. I dont want to know about her dating status. Ewan kung bakit pero ayoko talaga eh. Naiinis ako ng slight. Kaya tuloy minsan yun talaga yung naiisip ko na dahilan kung bakit siya dumidistansya sakin. I really dont like it. The distance. The hold back.
Namimiss ko yung dating kami. Yung parang mga bata lang. Halos araw-araw magkasama. Well honestly speaking nandito parin naman yung dating ako eh. Siya lang talaga. Namimiss ko yung dating siya. Namimiss ko yung attention niya sakin. Yung pagkaopen niya about herself. Pagkwento niya kung kamusta araw niya. Yung pagsama niya sakin pagwala akong kasama. Hays.
But at least she's still there. Magkaibigan parin kami kahit papano. Some things change lang talaga.
"Manong naman eh, youre not listening" I heard Dani whined kaya napatingin ulit ako sa kanya. Parang kanina pa ata siya may sinasabi.
"Ano yun?"
She rolled her eyes at me.
"I asked kung may lakad kayo ngayon ni Ate Mika. I just texted ate Ly na magkikita kami mamaya." She smiled.And one thing na nanotice ko kay Dani, she's really more on Ate Ly than Ate Mika. Pero di naman siya against sa relationship namin. She likes Mika but mas gusto niya lang talaga si Ly. And so is Thirdy, Dad and Mom. Hindi man nila sabihin ng diretso sakin pero alam ko.
"Anong sabi niya?" Tanong ko agad.
"You didnt answer my question, nong."
"Wala kaming lakad ni Mika. She's with her family. So ano ngang sabi ni Ly? Pumayag ba?" I answered, asked.
She smiled again.
"Yep."I stared at her.
"Arent you gonna invite me to come with you?" I asked nung di na siya nagsalita."Bakit, gusto mo bang sumama? Palagi na naman kayong nagkikita ni Ate sa school eh." Sagot niya lang.
Palagi nga pero kulang pa din yun. Isip ko.
"Baka mabored lang ako dito. Tsaka may itatanong rin ako sa kanya." Reason ko. Mamaya ko na lang iisipin kung anong itatanong ko.
"Okay."
"And just dont tell her na sasama ako" utos ko.
"Bakit? Did you two fight?" Tanong niya agad.
Umiling ako.
"Di naman. Basta wag mo lang sabihin."