Alyssa's POV
"Hi. Good morning." He smiled at me pagkabalik ko sa bench.
"Good morning." I replied.
"Besh, una nalang kami magshower" paalam nila Den kaya yun kaming dalawa nalang yung naiwan dito.
"May gagawin ka after nito? Mamaya pa naman klase mo diba?"
I studied him for a while thinking kung ano na naman binabalak nito.
He sighed when I didnt answer.
"Ly naman. Forever mo nalang ba akong iiwasan ngayon na may gusto na ko sayo? Dapat pala sana di nalang ako umamin kung iiwas ka lang pala" He whispered the last part.Naguilty naman ako sa sinabi niya. I know hindi talaga madaling umamin. Hindi ko nga maamin amin sa kanya yung nararamdaman ko dati eh.
"Ako pang may kasalanan ngayon?" I replied.
He pouted while looking at me.
"Hindi. I was just asking you to be with me"Napataas yung kilay ko.
"I mean, to be with me.. after this. For breakfast. Pwede ding for good na." pagklaro niya.
Napairap ako sa last na sinabi niya at di ko nalang yun pinansin.
"Kief, hindi naman sa umiiwas na naman ako ha. Pero I'm not really into eating fastfood or outside right now. Sasama nalang ako kina Den sa Gonzaga." Sagot ko.
He smiled at that.
"Who said we'll be eating outside? Sige na magshower ka na. I'll wait for you here."Wala nakong nagawa at sumunod nalang. Binagalan ko talagang maligo thinking na maiinip rin yun kakahintay at iiwan nalang ako.
Pero subukan niya lang talagang iwan ako mag-isa dito. Patay siya sakin. I added. Anoba talaga Ly?
Pagkalabas ko ng shower room dumiretso nako pabalik. Napatingin naman siya agad sakin at halos matawa ako sa itsura niya. Sungit.
"Alam mo bang konti nalang talaga at papasok nako sa shower room niyo? Akala ko nalunod ka na dun" He said sarcastically.
"Eh sa feel kong maghotshower ngayon. Paki mo ba." I replied. Mas lalo lang siyang sumimangot. Haha.
"Tara na nga. Gutom narin ako" He said and get my bag. Tapos hinawakan niya na naman yung kamay ko. Tinanggal ko agad.
"Tsk. 'Nu ba yan." bulong niya sa sarili pero narinig ko parin.
Muntik na kong di pumasok sa sasakyan niya kasi sabi niya naman kanina di kami sa labas kakain.
"Hindi nga sabi tayo sa labas kakain eh. Dun lang tayo sa may mga bench sa garden." He whined again.
"Eh bat ang sungit mo?" Asar ko lang at di parin pumapasok.
"Kasi ang kulit mo. Bubuhatin talaga kita pag di ka pa pumasok." He warned. Napairap lang ako habang natatawa sa kanya. Sobrang impatient.
He drove a little at agad namang nagpark sa may gilid ng kalsada na hindi maraming dumadaan. We're on the quite part of the campus right now. Dito sa may garden malapit sa Rizal library. May mga bench at wooden table naman dito kaya okay narin.
He get out at sumunod ako ng tahimik. I raised an eyebrow at him nung nakita ko siyang may kinuhang pagkain mula sa trunk. Prepared.
"I told you diba? Di ka naman bilib sakin eh" He chuckled and leads the way papunta sa isang bench sa may lilim ng puno.
I swear I almost hugged him nung nakita kong binagoongan yung dala niya pero pinigilan ko yung sarili ko syempre. Inaway away ko pa siya kanina. Naku kung alam ko lang talaga na may dala siyang pagkain na ganito ako pa mismo nagyaya na kumain.