Chapter 11

1.4K 64 3
                                    

Alyssa's POV

I've been focusing on training for weeks already. Nakuhanan na yung time kong lumabas labas. Ngayong araw lang siguro kami nalibre ulit. Walang pasok, walang mga lakad at of course walang training.

"Besh, ang tanda mo na next week." Ella chuckled. Inaasar niya si Den. Its her 22nd birthday kasi next week. Nasa dorm lang kami ngayon nakatambay, ineenjoy lang talaga yung free time, ni ayaw ngang lumabas.

"22 is not old." Simangot ni Den.

"But youre older than us. Still old. Older." isa pa tong si Kiwi.

"But I'm the prettiest." Den said proudly.

"And I'm the tallest" sabi naman ulit ni Kiwi. Ayokong magpakabog noh.

"We all know I'm the sexiest." I smiled. Sabay sabay naman kami agad na tumingin kay Ella. Halatang nag-iisip pa talaga ng ganti eh.

"I'm the most charming?" She said few seconds later pero nagmukhang nagtatanong tuloy. Hahaha.

"Charming daw?" Den chuckled. Inirapan lang siya ni Ella.

"Sabi ng nanay ko ako yung pinakamaganda, mabait, matalino at charming na babae sa balat ng lupa." Litaniya niya.

"Yan din kaya sabi ng nanay ko eh."

"Mine too."

"Isama mo pa tatay ko."

And we just ended laughing. Hays. Sana ganito nalang palagi, walang iniintinding homework, training, game, at puso. Lah.

And speaking of puso, bilib nadin talaga ako sa puso ko. Kung may pinakamatibay man na puso sa buong Pilipinas siguro yung akin na yun. Kahit nasasaktan, anjan parin eh. Nagpatuloy lang siyang maging tanga. Buti nalang at to the rescue palagi si brain.

I've been also avoiding Kiefer a little. I dont wanna get too attached kasi sa tuwing magkakasama kami mas lalo lanh lumalalim yung nararamdaman ko eh. And it scares me the hell out. My brain keeps me rational. Pinapaalala niya sakin palagi kung bakit dapat kong pigilan yung nararamdaman ko. First dahil alam kong iba yung gusto niya at second dahil kaibigan ko si Mika. I want her to be happy and I can see that Kiefer makes her happy.

"What do we have for lunch?" Tanong ni Ella.

"Magluto nalang kaya tayo. Para maiba naman" Sabi ni Den.

"We'll just gonna burn the whole kitchen here." Tawa ni Kiwi.

"Grabe ka naman Kiwi. Ikaw lang naman yung muntikan ng magawa yun eh. Just for a pancake. Buti nalang at di nalaman nila Fr. Jett." I laughed, remembering that memory. Second year kami nun nung nagtry si Kiwi gumawa ng pancake. We all thought naman na alam niya talaga yung ginagawa niya then the next moment umaapoy na yung buong kawali.

"Thats why I wont get near to any cooking pans again. Nakakatrauma." She answered.

We decided na magtry kami. Adobo nalang. May malapit naman na store sa labas ng Ateneo so nakabili rin kami agad ng mga kailangan. Si Ella yung nagsaing tapos kami ni Den yung nagtulungan sa adobo. Si Kiwi nasa restricted area, sa labas ng kitchen.

"Besh ang tabang" sabi ko kay Den nung tinikman ko konti.

"Oo nga. Add some salt" she said. Nilagyan ko nadin ng dahan dahan. Nakikita ko rin naman si nanay magluto kaya kahit papano alam ko yung gagawin. Iba nga lang yung alam magluto sa magaling magluto.

Nung sa tingin namin okay na, pinatay na agad namin yung gas baka masunog pa gaya nung kay Kiwi. At hulaan niyo gano kami kasaya, para lang naman kaming nanalo ng isang game.

Love Long Due (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon