Chapter 1

3.7K 81 4
                                    

Alyssa's POV

UST highschool 2009

"Ly, halika na baka malate tayo sa training!" Tawag sakin ng kaboardmate ko, si Kim. Kababata ko rin siya from Batangas.

I'm on my third year in highschool ngayon dito sa UST. At the age of twelve pareho kaming lumuwas ni Kim from Batangas para makipagsapalaran dito sa Manila. Actually si Kim lang dapat talaga yung nirecruit ng UST para sumali sa Volleyball team nila kapalit ng scholarship pero sinuggest niya rin ako sa mga coaching staffs. At given naman na naglalaro ako ng kalye kalye at sumasali sa mga meets nung elementary tsaka marunong akong pumalo siguro nakitaan din nila ako ng potential kaya kinuha rin ako. Pasalamat ko lang kasi at least hindi na kami mamomoblema ng pangtuition.

"Teka lang" I said habang nagmamadaling ilagay yung mga libro ko sa bag. Diretso narin kasi pasok ko after training.

After kong maayos lahat ng gamit ko tsaka makapagsapatos bumaba na ako agad ng dorm. Dumiretso narin kami sa Gym.

"Ly, antagal mo naman." Mika smiled at me nung nakita na niya ako.

She just transferred dito sa UST ngayong year. Nagtryout sa volleyball team at nakuha naman din. Kaya ngayon magkasama na kami. She's one of my close friend. Actually close ko naman talaga lahat ng kateam ko.

"Good morning din Aereen" asar ko sa kanya. She doesnt like to be called by her second name. And on cue, I saw her rolled her eyes. Natawa nalang ako.

"Ewii, I'll pretend I didnt heard you say that." Sagot niya lang.

"Nga pala, may pinapabigay si Kev sayo." Sabi ko tapos may kinuhang notebook sa bag ko tsaka inabot yun sa kanya. Sa pagkakaalam ko kay Mika yun eh.

"Bat nasa kanya yan?" Tanong ko lang din.

"He borrowed it kahapon para mangopya ng notes sa A.P. at dahil mabait ako pinahiram ko nalang" she said sarcastically. Natawa nalang ako lalo.

May gusto kasi yung si Kevin sa kanya and every chance he could get para makausap lang si Mika, kinuhuha niya talaga. Okay naman si Kevin, gwapo, hindi rin naman bobo, at magaling pang magbasketball pero ewan ko lang dito sa isang 'to kung bakit ayaw pa.

"Sagutin mo na kasi" I teased.

Tiningnan niya naman ako ng masama.
"Una sa lahat, hindi niya ako nililigawan. Pangalawa, wala akong time sa kanya." Irap niya lang.

"Okay, sabi mo eh." I chuckled.

"Ly naman eh. Akala ko ba sakin ka kampi." She pouted.

"Kev's just a great guy. Wala namang masama pag binigyan mo ng chance. Tsaka dont tell me di ka parin nakakamove on dun sa ex mong panget?" I asked.

"Grabe ka naman sa panget. Hindi yun panget noh. Wala akong nagugustuhang hindi gwapo. Tsaka syempre matagal nakong walang pakialam dun" sagot niya.

"Yun naman pala eh. So ibig sabihin may chance si Kevin?"

Napatutok naman siya sakin.
"Teka bat ba palagi mo yang nirereto sakin? Aside na magakaibigan din kayo, siguro sinuhulan ka nun noh? Naku, patay talaga yun sakin." Busangot niya.

"Hindi, hindi." I shooked my head.

"Ah basta, magjojowa lang ako ulit pag gusto ko na" tawa niya lang. Grabe siya.

"Edi ikaw na." I mocked. Tumawa naman siya ulit.

"Ikaw, kailan mo balak?" Asar niya pabalik.

"Pag may magkagusto na sakin" tawa ko lang.

Love Long Due (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon