Alyssa's POV
Shit. Shit.
Dali-dali akong lumabas sa kwarto ni Kiefer at sumakay na sa kotse.
"Ate Ly, okay ka lang?" Tanong agad ni Thirdy.
Alam kong hindi talaga ako okay tingnan ngayon pero tumango nalang ako.
"Bakit ka gulat? Tsaka namumutla. Patay, may ginawa ba si manong sayo?" Tanong niya ulit.
Wala siyang ginawa. May sinabi lang.
Which is worse. Worst.
"Walang ganun Thirds. Sa alak lang siguro to kanina. Tara na para makapagpahinga ka na rin." Sagot ko sa kanya. He doesnt looked convinced but started to drive anyway.
Para ng puputok lahat ng ugat sa katawan ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat yung mararamdaman ko ngayon.
Shit ka talaga Kiefer. Why are you doing this to me?
Ly, ako nalang ulit please. I love you.
Ulit. Ibig sabihin alam niyang may gusto ako sa kanya noon? Jusko.
I love you. He loves me?
I wanted to be happy kasi matagal ko na naman sana tong hinantay dumating diba? But I cant even forced myself to.
Ano bang nangyayari sakin.
Sa gitna ng pag-iisip ko bigla nalang pumasok yung mukha ni Kevin sa isip ko and at that moment gustong gusto ko na tuloyng maiyak.
Malapit na sana eh. Sobrang lapit mo na Kev. Konting-konti nalang. Pero biglang gaganito si Kiefer.
Hindi ko namalayang nakaabot na pala kami sa Eliazo until Thirdy calld my attention.
"We're here na ate Ly." Rinig ko kaya napatingin ako sa labas and true nandito na nga kami.
"Salamat Thirdy ha. Ingat ka pabalik." I said and step out of the care, he just give me a smile.
But before I closed the door hindi mapigilan yung sarili kong magsalita.
"Paki check narin si Kiefer, give him the meds na nilagay ko sa side table niya tomorrow morning. Sige good night." Sabi ko ng dali-dali at pumasok na sa dorm.
Tulog na sila Den pagpasok ko ng kwarto. I just went to the bathroom quitely. Nanghilamos muna ako at sinuklay ng konti yung buhok ko. Then I saw myself in the mirror.
Tapos naalala ko na naman si Kiefer kaya napapikit ako ulit at tinukod yung kamay ko sa may sink.
Ang labo mo naman Ravena eh. Pinagtitripan mo na naman yung feelings ko.
I open my eyes again.
"Ly, Kevin na remember?" I whispered at my reflection na as if sasagot ito pabalik ng oo, but it just stared back at me.
Nakaya kong magmove siguro naman kaya ko yung panindigan. Nakamove on na nga ba ako?
Ughh. Bwiset.
I got startled when a loud knock echoed in the bathroom sunod ng tawag ni Ella.
"Besh! Get out. Nasusuka ako" Ella called.
Dali-dali ko nalang pinunasan yung mukha ko at binuksan yung pinto mahirap na baka masuka pa to sa labas at ako magpunas.
Pagbukas ko palang tinulak na niya ako patabi at pumasok agad. I gagged when I heard her throw up. Ayan, inom inom pa ng marami di naman kaya.
Inabutan ko siya ng tubig paglabas niya. Uminom lang ng konti tapos bagsak ulit sa kama niya. Buti nalang at walang training bukas.
At ngayon tahimik na ulit bumalik na naman ulit yung mga iniisip ko kanina lang. Umupo ako sa kama ko at kinuha yung cellphone ko. I got texts from Kevin nagtatanong kung nakauwi na ba daw ako.