Alyssa's POV
"Ly, wait!" I heard Kiefer called me. Ayoko sanang lumingon pero syempre dahil tanga ako ng taon, lumingon parin ako agad.
Nakajersey pa siya galing training. Dala dala yung duffel bag niya.
Tapos nagulat nalang ako ng bigla niya kong yakapin."Thank you idol." He said.
Nagkayakap narin naman kami noon pero di nga lang ganito ka higpit. Gustuhin ko man o sa hindi, nagwala agad yung puso ko.
Kumalas din siya maya maya. Nakangiti na. Di tulad nung isang gabi na malungkot.
"For what?"
"Pinansin na ulit ako ni Mika. Thank you." He smiled.
Every smile like that is like a stab to my chest knowing na wala talaga akong kaya para maging dahilan ng ganyan niyang kasiyahan.
"Wala yun noh. Nasa kanya naman yung decision nun" I smiled.
"Ano sabay na tayong maglunch?" Aya niya.
I debated on what to answer. Seryoso talaga ako na didistansya muna ako kay Kief but he's making it so impossible.
"Uhm, I dont know eh. Baka sabay kami nila Ella." Sagot ko nalang.
"I'll just text them. Or sabay narin ako sa inyo. Sige na please"
I sighed. Kailan ba kita mahihindian?
"Okay. Libre mo." Sabi ko.
Ngumiti naman siya dun.
"Kahit ilan pa orderin mo. Sagot kita. Hintayin mo lang ako sa kotse. Magbibihis lang ako sandali" ngiti niya tsaka bumalik sa BEG.Tinext ko narin sila Ella at sinabi kung anong mangyayari. Pumayag naman siya agad pero si Den at Kiwi di daw available.
"Besh, parang awa mo na. Kontrolin mo muna yang bunganga mo ngayon." Sabi ko kay Ella. Pinuntahan niya nalang ako since malapit lang naman siya nung nagtext ako.
Napairap lang siya.
"I was born having involuntary muscles in my mouth. But for you besh, sige, I'll try my best." Sabi niya."Ella, di 'to joke" seryoso kong sabi. Kinakabahan na tuloy ako. Bat ko pa ba tinawag si Ella?
"I'll try my best nga. One thing's for sure though, pagkatapos ng lunch natin, I'm sure Kief still wont know kung anong nararamdaman mo besh. Dapat siya ng magdiskubre nun. Tsaka I love you naman din kaya wala akong sasabihin." She smiled.
Hindi parin ako convinced sa 'wala akong sasabihin' niya pero tumango nalang ako.
Dumating na din si Kiefer maya-maya. Bagong shower na. Tiningnan naman ako ulit ni Ella na para bang nanunukso. Hindi ko pinansin. Matagal ko ng alam na gwapo si Kiefer, di mo na kailangang ipahalata sakin besh.
"Hi Ella, san niyo gustong maglunch? Treat ko" he asked.
"Sa may Gonzaga nalang" sagot agad ni Ella. Tumawa naman si Kief.
"Parang hindi ka ata gutom ngayon ah. I was expecting an answer with MoA or sa eastwood eh" he chuckled.
Nginitian lang siya ni Ella.
"Bakit pa kailangang lumayo? Tsaka yung time natin na itatravel ipuno nalang natin yun sa pag-uusap." She said. Mas lalo lang akong kinabahan dun.Nilagay na muna ni Kief yung mga gamit niya sa sasakyan tapos nauna narin siyang lumakad papuntang Gonzaga.
Hinila ko naman si Ella palapit sakin habang nasa likuran pa kami ni Kiefer.
"Besh, umayos ka. Kinakabahan ako sayo" I frowned.