Kiefer's POV
(AN: First POV, yeay. Lets take a glimpse on Kief's head this time.)
Nalito ako nung tumalikod siya sakin at naglakad palayo. Hindi man lang ako grineet. Kahit ngumiti wala. Weired. I mean everyday na nagkikita kami ganun kasi siya palagi. Sasalubungin ka ng ngiti at babatiin ng good morning. Makikipagkwentuhan kahit sandali. But today, nothing.
Susundan ko na sana siya ng biglang tumunog yung phone ko.
'Bbq ❤ calling...
I stop following Ly at sinagot yung tawag ni Mika.
"Hello Miks?" I answered.
"Good morning din naman sa'yo" she said sarcastically at natawa ako.
"Good morning 'By, napatawag ka?" I chuckled.
"Are you free this Saturday?" Tanong niya.
Napaisip muna ako kung ano ba sa Saturday. Mukhang wala naman akong gagawin.
"Yes I'm free naman. Bakit?"
"Samahan mo naman ako 'By oh. Bibili lang ako ng gift for my brother and I need a guy's opinion." Sabi niya.
I smiled.
"Dumadamoves ka na naman sakin ah. Pero sige. Pagbigyan." Asar ko. Natahimik yung linya niya. Kahit di ko siya kasama ngayon I know she just rolled her eyes."Ayaw mo? Edi wag nalang. Sa iba nako magpapasama."
"'Toh naman. Biro lang. Of course sasamahan kita. Just text me." I said.
"Thank You Kief"
"Anything for you. I'll hang up na 'By. Jog lang kami." Paalam ko.
"Okay. Text me kung free ka na." She said.
"I will. Bye. Love you." Pahabol ko pero di niya sinagot as expected.
"Bye. Ingat." Then nag end na yung call.
Hinanap ng mata ko si Alyssa sa Oval pero di ko na nakita. Nagsimula nalang akong tumakbo. Von joined me later.
"Paps, nakita mo si Ly?" I asked.
"I think I just saw her went inside BEG. Start na ata ng training nila." Sagot niya lang.
Nagjogging pa kami ng ilan pang laps at sabay naring pumunta sa BEG. Pagpasok namin, nagsscrimmage na yung Volleyball team. Both men and women. Nakita naman agad ng mga mata ko si Alyssa. She's standing malapit sa net habang kinakausap si coach Parley. Her right hand on her waist while the other keeps on moving in between their talking. Showing hand gestures. Aside from that, napansin kong may iba talaga sa kanya ngayon. She's more serious today. Seryoso naman talaga siya every training but iba yung pagkaseryoso niya ngayon. She doesnt even smile like she often used to. Parang may iniisip at may problema. Malungkot. I can know just by her body language.
"Paps, baka matunaw na yan." I was pulled out of my reverie when Von talked beside me. Pagtingin ko nakatingin din siya kay Ly.
"Huh?"
"Sabi ko si Aly, baka matunaw. Grabe ka makatingin eh." He chuckled.
"Hindi. I just thought na parang she's off today. May iba sa kanya." I said.
"Meron ba? Wala naman ah. Oo iba yung hairstyle niya ngayon tsaka nakasleeveless. But aside from that wala na naman."
"Not that. I mean parang mas seryoso siya ngayon. Parang may malalim na iniisip. Tapos kanina paps, nagkita kami malapit sa oval hindi man lang ako binati o nginitian. And she never done that. Palagi siyang nakangiti. She talks to me parati kahit na anong busy niya pa." I explained.