Sky
"Aray ko. Putang ina naman!" angal ko sa tangang lalaki na nakabunggo sa akin dahilan para mabitawan ko ang vase na paproject sa amin ng walanghiyang TLE teacher na 'yun
Badtrip ampota. Pinagpuyatan ko 'to kagabi tapos ganito lang
Tinignan ko ng masama ang tangang lalaki at lalo lang akong nainis ng makitang naglalakad na siya palayo
Ah ganun ah?
Hinubad ko ang isa kong sapatos at pagkatapos ay ibinato sa kaniya
Bullseye baby!
Galit siyang humarap sa akin at malalaking hakbang na lumapit
"What the fuck is your problem, woman?" inis niyang tanong habang hinahawakan ako ng mahigpit sa aking braso
Tss. Ito na 'to? Hindi man lang ako nasasaktan. Weak ang king ina
"What the fuck-in mo mukha mong gago ka. Ikaw na nga 'tong nambubunggo ikaw pa ang galit. Kita mo ginawa mo sa vase ko ha?" bulyaw ko sa kaniya
Pasimple siyang tumingin sa paligid kaya ginaya ko. At wow! Pinapagtinginan na pala kami ng mga estudyante
Humarap ulit ako sa kaniya at nakita kong kumuha siya ng limang daan sa kaniyang wallet
"Oh" abot niya
"Ano 'yan?" maang kong tanong sa kaniya
"Edi pera. Stupid!" mahina ngunit nanggigigil niyang sabi
Aba't bastos talaga 'to ah
Tinaasan ko siya ng kilay at saka namewang
"Hoy lalaking mukhang toothbrush. Alam kong pera 'yan, ang ibig kong sabihin kung para saan 'yan?"
