Chapter 18

695 12 1
                                    

Patience

"Ito na po"

Sigaw ko matapos ang pangatlong katok ni Manang Cynti sa aking pinto

Muli kong pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto

"Inip na inip na yung kasama mo sa labas" bungad sa aking ni Manang at nauna nang maglakad sa akin

Dali naman akong tumakbo palabas dahil abot-abot na nga ang pagbusina niya sa kaniyang kotse

"Niks, pakisara nalang yung gate ha?" sigaw ko kay Anika na nakaupo sa duyan

Binagalan ko na ang aking paglakad nang makalapit na ako sa kaniyang sasakyan

Sinuklay ko rin ng aking kamay ang aking buhok dahil feeling ko nagulo siya sa aking pagtakbo

Humugot ako ng malalim na hininga bago sumakay

"Ang bagal mo talagang kumilos kahit kailan" mataray na wika ni Xander. "Limang daang ulit ko na yata idinuyan si Anika bago bumalik dito"

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang inis dahil masyado akong maganda ngayong araw para patulan ang tampalasang ito

"Ang tagal tagal mag-ayos. Akala mo naman sa presidente ng America makikipagkita"

Breathe in, breathe out

Hindi naman ganun kalayo ang SM, Max. Easy ka lang, kaya mo yan

"Buti naman at hindi mo naisipang magsuot ng gown, ano?"

Mag-isip ka lang ng happy thoughts

"Akala ko talagang kumausap ka pa ng mga international designers para sa damit mo eh"

Happy thoughts, happy thoughts

"Baka gusto mong dumaan na rin muna tayo sa salon para talagang malagyan ka ng pangmatindihang make-up"

That's it. Finish him

"Hoy walanghiya kang lalaki ka, bakit ba hindi ka pa tumitigil ha? May palima-limang daang tulak ka pang nalalaman diyan. Eh kung ikaw kaya itulak ko ngayon? Ang sabi ko sayo diba itetext kita kapag tapos na ako. Pero ano? Dahil bida bida kang pangit ka, alas otso palang nagpunta ka na sa bahay. Sinabi na ngang alas onse pa ang usapan namin ni Sky? Tapos ngayon hanep ka makapanumbat. Nanggigigil din talaga ako sayo ha. Tigil-tigilan mo yan"

Agad kong inabot ang bote ng tubig dahil puta hiningal ako sa litanya kong yun

"Pasalamat ka nga at ginusto ka pang makilala nun ng personal. Dahil akala niya mabait at matino ka. Pero ang hindi niya alam, ang lakas ng tama mo sa ulo"

Puro pagmemake face lang ang kaniyang ginagawa habang nagmamaneho

"At umayos ka mamaya ha? Wag mo kong ipapahiya"

Naalala ko noong isang beses na sinusundot niya ng feather (na hindi ko malaman kung saan niya nakuha) yung tenga ko habang nagsusulat sa board yung pinakaterror naming prof. Mabuti na lamang talaga at mahina lang ang kiliti ko sa tenga kaya hindi ganun katindi ang reaction ko

Lahat yata kasi talaga gagawin niya mapahiya lang ako. Hayop din kasi 'to eh

"Alam ko. Ano bang tingin mo sakin? May sayad?"

"Wow naman. Tinanong mo pa talaga ha?" sarkastiko kong sagot. "Nauso nga yata yung salitang "mental illness" nung pinanganak ka eh"

Hindi na niya ako ulit pinansin hanggang sa nakarating na kami sa parking lot ng mall

Tinext ko si Sky na hihintayin nalang namin siya sa may entrance at wala pang ilang minuto ay nakita ko na rin siyang papalapit

Kinawayan ko siya para makita niya kami agad

Operation: Make Sky Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon