Chapter 27

578 13 0
                                    

Bliss

"Haba ng nguso mo"

Sinulyapan ko ang lalaking biglang umupo sa harapan ko

"Oh" sabi niya matapos ilapag ang isang chocolate drink sa mesa

"Si Kim?" hindi ko alam pero 'yan ang una kong naitanong sa kaniya

Nagkibit-balikat lamang siya bago sumandal sa kaniyang upuan

"Ayusin mo nga 'yang mukha mo. Para kang pinagsakluban ng langit at lupa eh" muli niyang saway sa akin

Napangiti ako nang mapait. Sana nga pinagsakluban nalang ako ng langit at lupa
Ilang linggo magmula nung makita ni Sky si Yana sa coffee shop ay nakita ko na ang pagbabago sa kaniya. Palagi nalang siyang tahimik, hindi na rin niya masyadong nilalaro si Baxter, hindi na rin niya ako masyadong kinakausap

Hindi ko naman siya masisi dahil pakiramdam ko, kasalanan ko kung bakit 'yun nangyari. Sana hindi ko nalang siya pinapunta dun— hindi— sana hindi nalang ako sumama sa kanila in the first place

Pinipilit kong ibalik sa normal ang relasyon naming dalawa pero parang siya itong hindi nakikisama

Kung noon ay maloloko ko pa siyang clingy, ngayon hindi ko na minsan alam kung nasaan siya

"Tara uminom?" biglaang yaya ko kay Xander

Nginisian niya lamang ako sabay abot ng chocolate drink na binuksan niya

"Kaya nga ibinili kita nito oh"

Sinamaan ko lang siya ng tingin bago ko hablutin ang nasa kaniyang kamay

"Seryoso kasi ako"

Umayos siya ng upo at naghalumbaba sa mesa

"Okay sige, kailan ba?" bored niyang sabi

"Ngayon. 'Wag na tayong pumasok sa next class" walang buhay kong sagot habang nginangatngat ang straw ng aking inumin

Mabilis siyang tumayo at pumunta sa aking gilid. Nagulat ako nang kuhanin niya ang aking bag bago ako mabilis na hinila papunta kung saan

Pinasakay niya ako sa kaniyang kotse at agad niya itong pinaharurot

Ilang minuto ring namayani ang katahimikan sa aming dalawa

Busy siya sa pagmamaneho samantalang wala naman akong pakialam sa kung saan kami papunta

Pinapanuod ko lang ang bawat gusali na aming nadadaanan hanggang sa ang mga gusaling iyon ay naging puno na

"Pangit ba 'ko?" malungkot kong sabi bago siya balingan ng tingin. "Kapalit-palit ba 'ko?"

Imbis na katulad nung pag-no ni Enrique Gil ang kaniyang sabihin, ay malakas na pitik sa noo ang binigay niya sa akin

"Tsk. Ano ba?" yamot kong wika habang hinihimas ang aking noo

"Tanga ka kasi" patawa-tawa pa niyang ani

Hindi ko nalang siya pinansin at muling itinuon ang atensyon sa labas ng bintana

Pang-ilang buntong hininga na ang aking nagagawa pero hindi pa rin mabawasan ang bigat na aking nararamdaman

Ilang minuto pa'y itinigil ni Xander ang sasakyan sa harap ng isang convenient store

"Dito ka muna, bibili lang ako" pagpapaalam niya

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko at mabilis na umalis

Pinapanuod ko siyang maglakad nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kung dati ay malakas na pagkabog ng puso dahil sa kilig ang aking nararamdaman sa tuwing tatawag si Sky, ngayon naman ay abot-abot ang aking kaba dahil baka bigla nalang niyang maisipang sa tawag makipaghiwalay

Makalipas ang limang ring ay saka ko lamang ito sinagot

"Where are you?" nag-aalala niyang tanong mula sa kabilang linya. "Pinuntahan kita sa room niyo pero ang sabi ng kaklase mo hindi ka raw pumasok"

"Nag-cut ako"

Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa amin bago ako muling magsalita

"May sasabihin ka pa ba? Kung wala na, ibaba ko na 'to"

Natakot ako nang hindi siya kaagad sumagot kaya bigla ko siyang binabaan ng linya

Nakakatakot kasi na baka biglang sa gitna ng aming katahimikan ay bitawan niya ang bombang aking iniiwasan— ang bombang nakakubli sa mga salitang "hindi na kita mahal"

Alam ko namang malapit na. Pero hangga't kaya kong patagalin, sobrang papatagalin ko pa

Nakita kong paparating na si Xander kaya agad kong inayos ang aking itsura at pinunasan ang ilang luhang kumawala kanina

May ilang paperbag siyang hawak na inilagay niya sa backseat. Pagkaayos nito ay sumakay na siyang muli at nagsimulang magmaneho patungo sa hindi ko alam kung saan

"Akala ko ba iinom tayo?"

"Oo nga"

"Eh bakit ilang oras na tayong nabyahe, wala pa rin tayong bar na pinupuntahan? Sa byahe yata ako malalasing nito eh" nakasimangot kong sabi sa kaniya

"Wow. Akala mo naman talaga manginginom siya. Maghintay ka pwede?" mataray niyang sagot sa akin

Matapos ang ilan pang oras ng byahe ay tumigil kami sa isang bukid-like na lugar

Naunang bumaba si Xander at kinuha ang mga paperbag sa likod kaya naman sumunod na rin ako

Dito ko napagtantong hindi pala bukid, kundi burol ang aming pinuntahan. Makikita mo sa ibaba ang ilang mga bahay, marahil ay 'yung mga nadaanan namin kanina

May isang malaking bato ring flat kung saan inilalagay ni Xander ang mga pagkain at alak na kaniyang binili

"Nasaan tayo?" tanong ko habang inililibot pa rin ang tingin sa paligid. "Ang ganda dito ha"

"Nalaman ko lang 'to kay Cloud. Dito kasi siya nagpasama nung na-brokenhearted siya sa nililigawan niya dati. So since brokenhearted ka rin naman, dito nalang din kita dinala"

Sinapak ko naman siya sa kaniyang braso dahil sa kaniyang sinabi

Brokenhearted daw ako? Putang inang 'to ah huhuhuhu

Tinapik niya ang kaniyang gilid para imustrang maupo ako

"Baka mahulog ako" alinlangan kong sabi bago hawakan ang kaniyang kamay

"Eh di ayos. Para dito man lang, ikaw 'yung mahulog"

"Ano?" hindi ko masyadong naintindihan ang kaniyang sinabi dahil napakahina ng kaniyang boses

"Wala. Tumaas ka na"

Tinulungan naman niya akong makataas at natuwa ako dahil mas magandang tumingin sa baba dito sa pwesto namin

Agad siyang nagbukas ng dalawang bote ng beer para sa aming dalawa

"Bakit beer lang? Akala ko ba hindi ka nalalasing sa beer?" nakanguso kong puna

"Wala naman akong balak magpakalasing eh"

Ano ba 'yan, ang korni namang kasama nito

"At saka ikaw ang may problema 'di ba? Eh di laklakin mong lahat 'yan"

Inirapan ko na lamang siya at tinungga ang binigay niyang bote

Medyo okay naman ang lasa, hindi na masyadong masama para sa katulad kong hindi naman nainom

Kung ano-anong bagay lang ang pinag-uusapan namin ni Xander at puro lang kami tawanan

Sana ganito nalang palagi— masaya.

Operation: Make Sky Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon