End
"Sinong engot ba naman kasi ang makakaisp na tumulong para magkatuluyan 'yung gusto niya at 'yung gusto ng gusto niya?" sabi ni Archie bago humalakhak. "Ikaw 'yun, pare! Napaka-engot mo. Ikaw na ang pinaka-engot sa lahat ng engot na kilala ko"
"Putang ina mo, bakit ka ba nandito? Umuwi ka na nga sa inyo" inis kong bulyaw
Patulog na sana ako nang bigla siyang tumawag para sabihing nasa labas na siya ng bahay dahil gusto niya raw na mag-inuman kaming dalawa
Pakiramdam ko nga gusto lang ako nitong lasingin para manyakin eh
Bigla namang tumunog ang hawak kong cellphone sa tawag ni Maxine
Ano naman kayang problema ng isang 'to?
"Hayaan mo namang magring nang ilang saglit. Kala mo ka lagi hayok na hayok eh"
"Siguraduhin mong importante 'to ha?" sabi ko matapos sagutin ang tawag
Nagulat ako dahil bigla akong dinambahan ni Archie. Tang ina. Sabi na't bakla 'to eh
"Baby, halika na kasi" malanding sabi niya na nagpatayo sa aking balahibo
Agad ko naman siyang tinulak at mahin— medyo mahina pero mas mataas na percent na malakas na sinuntok sa braso
"Saglit nga. Dun ka muna sa gilid pwede?" pikon kong sigaw. Napaka-epal
Pinipigilan kong 'wag mainis dahil sa pagpupumilit ni Max na bilisan ko ang pagmamaneho. Ang kulit din ng lahi ng babaeng 'to eh. Pasalamat siya't mahal ko siya
Pasimple kong binabarog ang patpatin at pangit niyang crush para kahit dito man lang, makaganti ako sa paghalik niya sa aking pagmamay-ari. Kung wala lang si Maxine baka inihiga ko na 'to sa kalsada at paulit-ulit na sinagasaan eh
Halatang-halata sa mukha ni Maxine na kanina pa niya ako gustong sikmuraan dahil sa ginagawa kong pambabadtrip sa kaniya
Ano ba kasing problema niya? Bakit siya masyadong nagpapabebe? Kung talagang astigin 'tong crush niya, hindi na siya dapat nagpapanggap na mahinhin para lang magpa-impress
Siguro nga sumagad na ako dahil nagawa ko na siyang paiyakin sa galit. Eh ang gusto ko lang naman ay magpakatotoo siya sa sarili niya. Anong masama dun? Biruin mo ba naman, hindi inubos ang pagkain niya kanina dahil busog na raw siya. 'Wag nga ako
"Okay, fine. Then be it. Gusto mong magpaka-Julianna, edi sige gawin mo. Para mahalin ka ni Sky bilang Julianna at hindi bilang sa tunay mong pagkatao"
Kung napipikon siya, pwes napipikon na rin ako. Kahit naman mahal ko siya, may mga pagkakataon ding naiisip kong ipalapa siya sa tigre... tapos aawayin ko 'yung tigre dahil nilapa niya ang baby ko
Ilang buwan na rin mula nang huli kaming magkita ni Maxine. Ang balita ko nag-uumpisa na raw silang magka-igihan ni yatot. Okay lang, dun siya masaya eh
Ilang beses na rin akong sinabihan ng mga tropa kong humanap nalang ng mas better sa kaniya. Kaya lang the problem is I don't want better, I want Maxine
Nung gabing makilala ko si Kim, akala ko umpisa na 'yun ng magiging paglimot ko kay Max. Pero pucha mga pre, nahiya ang dagat sa lalim ng nadevelop kong pagmamahal para sa kaniya
Pero kahit naman gustong-gusto ko siya, hindi ko gagawing maglaro ng madumi para lang maging kami. Kahit naman papaano, mas may utak ako kaysa kay Archer, kaya hindi ko siya gagayahin
"Xander! Si Maxine hinimatay" histerikal na sigaw ni Manang Cynti pagkasagot ko ng tawag
Hindi naman na ako nagpatumpik-tumpik pa at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng aking sasakyan