Chapter 16

713 11 0
                                    

Jealous

"Oh isa pa po" nakangiting sabi sa amin ng babaeng staff bago kami kuhanan ng picture. "Sir, akbayan niyo naman po si Ma'am para sweet tignan"

Bahagyang napakamot naman sa ulo si Sky bago ilagay ang kaniyang braso sa aking balikat

Nakita ko ang pagkindat sa akin ni Ate na aking ikinatawa

Bibigyan kitang tip mamaya Ate, wag ka mag-alala

"Naku! Bagay na bagay po talaga kayo, Sir at Ma'am. Nakakatuwa" aniya habang ibinabalik ang phone ni Sky

Tinawanan nalang namin ito parehas at hindi na nagbigay ng iba pang komento

Very good ka talaga Ate ha

"Paano mo naman nalaman ang lugar na 'to?" tanong ni Sky habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng lugar

"Nakita ko lang sa Facebook. Pumunta kasi dito yung isa kong kakilala tapos natuwa ako kasi nakakapagsuot ng mga onesies eh"

Tumango-tango lang siya at patuloy pa rin ang pagkilatis sa lugar na akala mo isa siyang supervisor

"Huhulaan ko, pagsusuot lang talaga ng onesie ang habol mo dito 'no? Hindi ang pagkain" mapang-asar niyang baling sa akin

Ngumuso naman ako at kunwari siyang binigyan ng masamang tingin

"Eh kaysa naman bumili pa 'ko, diba? Dito, magbabayad ka lang ng 50 tapos order ka ng pagkain nila, may onesie ka na" mayabang kong sabi at dinilaan siya

Napatawa siya saka ginulo ng bahagya ang aking buhok

"Ang cute mo talaga"

Matapos naming kumain at magsawa sa pagsuot ng onesies, ay niyaya ko naman siyang pumunta sa ukay-ukay

"Ukay-ukay girl ka talaga 'no?" wika niya bago isara ang pinto ng kotse

Hindi ko na siya pinansin at nauna nang maglakad papasok sa loob

Sobra akong namangha nang makitang napakaraming tinda sa ukay-ukay na ito

May mga basket na rin silang inooffer sa gilid para sa mga mamimili at kumuha ako kaagad dahil tiyak na mapapasabak ako

Dali-dali akong tumakbo papuntang dulo para doon magsimula

Napatigil ako sa pagtingin sa mga damit nang biglang may nangurot sa aking pisngi

Kunot noo kong binalingan ang tampalasang iyon at nakita si Sky na ngiting-ngiti sa aking likuran

"Anong problema mo?" inis kong tanong habang hinihimas ang kinurot niyang pisngi

Gagong 'to. Kahit mahal kita, kaya pa rin kitang bayagan.

"Ikaw kasi, ang cute cute mo" aniya at pinisil pa nang bahagya ang aking ilong

"Ano namang cute sa ginagawa ko?"

Kinuha niya ang basket kong hawak at inipit sa aking tenga ang ilang hibla ng aking buhok

"Hindi ko mga rin alam eh. Basta kapag ikaw, nacucutan ako"

Inirapan ko nalang siya at kaagad na tinalikuran dahil hindi ko na mapigilan ang kilig na aking nararamdaman

Hehehehehehe ako cute? Hehehehehe I know

"Nakapunta ka na ba sa Baguio?" biglaan niyang tanong habang tumitingin-tingin ako sa aisle ng mga pantalon

Tanging iling lamang ang aking isinagot sa kaniya

"Tingin ko magugustuhan mo kapag pumunta ka doon. May sobrang haba kasi silang ukay-ukay every night eh. Parang isang kalsada sinasara nila para doon"

"Hala totoo?" mangha kong tanong

Ilang taon na rin magmula nang mahilig akong bumili sa mga ganito

Kahit kasi nakakapagod at nakakangalay maghanap ng mga damit, worth it naman kasi ang mumura lang

Kaya lang bihira lang din akong makahanap ng mga gusto ko talaga dahil ang gusto kong presyo ay mga tig-lilima o sampung piso lang. Minsan lang ako bumili ng mga tig-bebente dahil namamahalan pa ako

"Yup. Pinuntahan namin ni Yana nung nag-Baguio kami" aniya habang may matamis na ngiti sa labi na animo'y may naalalang sobrang sayang bagay

Napataas ang aking kilay ngunit agad din namang nagpakita ng isang hilaw na ngiti

Yung ngiting ibibigay mo sa ninong o ninang mo kapag bente lang ang ipinapasko sayo matapos ang ilang taong "bawi ka nalang next year, inaanak"

"Sobrang napagod talaga ako noon. Nakailang pabalik-balik ba naman kasi kami. Pero masaya naman kasi nakita ko kung gaano siya nag-enjoy" masaya niyang pagpapatuloy. "Di bale, next time sasamahan din kita doon"

"Ah hindi na" malamya kong sagot bago naglakad papuntang counter

"Bakit naman?"

Ngumiti ako sa kahero at isa-isang inilabas ang mga napili kong damit mula sa basket na dala ni Sky

"Nakakatamad lang"

Matapos bayaran ay ako na agad mismo ang kumuha ng mga plastic at nagbitbit palabas

Maagap namang inagaw sa akin iyon ni Sky at sinabayan ako sa paglalakad papunta sa kaniyang kotse

Pinagbuksan niya muna ako ng pinto bago inilagay ang aking mga pinamili sa backseat

"May gusto ka pa bang puntahan?" tanong niya habang iniistart ang makina

Iling lamang ang aking isinagot at bumaling na ng tingin sa labas ng bintana

"Hey, galit ka ba sakin?"

Nagpalipas muna ako ng ilang segundo bago siya lingunin at magpanggap na nagulat sa kaniyang sinabi

"Ha? Ako? Bakit naman ako magagalit sayo?" maang-maaangan kong balik tanong

Nice! Galing mo talaga, Max. Best actress

"Pakiramdam ko lang. Bigla ka nalang kasing tumahimik tapos hindi mo na 'ko pinapansin" malungkot niyang saad na nagpaguilty naman sa akin. "Ganiyan kasi si Yana kapag nagagalit eh"

Okay, hindi na 'ko ulit guilty

"Uy hindi ah. Napagod lang kasi siguro ako" nakangiti kong sabi kahit na ang totoo nararamdaman ko na ang paglabas ng usok sa aking ilong

Sinulyapan niya ako saglit bago ako ngitian

"Ang dami mo rin kasing binili eh. Mapapagod ka talaga niyan"

Hinawakan niya ang aking kamay at bahagyang pinisil

"Matulog ka na muna. Gigisingin nalang kita kapag nasa bahay niyo na tayo"

May bigla siyang kinuha sa ilalim ng aking upuan at nagulat ako ng ipatong niya ang isang unan sa aking hita

Lupit nun ah

"Gamitin mo para hindi ka mahirapan"

Natuwa naman ako at agad itong inayos upang gamitin

Pasara na sana ang aking mata nang bigla siyang nagsalita

"Kay Yana yan, antukin kasi yun sa byahe eh"

Puta. Pigilan niyo ko hahampasin ko na talaga 'to

--

Dec. 21, 2017
10:26 pm

Operation: Make Sky Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon