Kiss
Malungkot akong nakatingin sa aking katabi habang patuloy niyang pinagmamasdan ang dalawang taong masayang kumakain mula sa loob ng restaurant
"Sobrang mahal mo talaga 'no?"
Tanging tango lamang ang kaniyang isinagot nang hindi man lang tumitingin sa akin
Huminga ako nang malalim atsaka pabastang sumandal sa headrest
"Kaya lang feeling ko hindi maganda yung ganiyang kind ng love."
Nakita ko mula sa aking peripheral view ang kaniyang pagtingin sa akin
"Kasi alam mo yun, parang nasisira mo yung sarili mo dahil lang sa pagmamahal sa isang tao." ... parang ako. Unti-inti na akong nagpapaka-Yana dahil sa pagmamahal ko sayo. "Ang tanga lang diba?"
Huminto ako saglit dahil napagtanto kong bumanda rin pala sakin ang aking sinabi
"Wait... Uhm... Di ko naman sa sinasabing tanga ka ha? Pero tanga ka nga talaga" ...pati ako tanga
Mabilis akong lumingon sa kaniya at nagpeace sign sa takot na baka sipain niya 'ko palabas ng kaniyang kotse
"Char lang"
Mabuti naman at tinawanan niya lamang ang lahat ng aking mga sinabi
"Tara na nga lang. Lakas din ng trip mo 'no? Torture sa sarili. Mamaya niyan suicidal ka pala. Tapos akalain ng iba pinatay kita kasi sasabihin tayo ang huling magkasama."
Umiling siya habang nakangiti bago namin tuluyang nilisan ang labas ng restaurant kung saan kumakain si Yana at De Ville
Habang nakatitig ako sa aking katabi, hindi ko maiwasang hindi mainggit kay Yana
Bakit kaya kahit anong sakit yung dinulot niya, sobrang mahal pa rin siya ni Sky?
Samantalang ako... ilang taon na ang lumipas, si Sky pa rin
Kahit hindi naman niya ako napapansin, siya pa rin
Kahit may mahal siyang iba, siya pa rin
Kung alam ko lang na magiging matindi ang tama ko sa kaniya, edi sana hinayaan ko nalang yung pagkasira ng project ko noon
"Sammy"
Nagitla ako nang biglang may humawak sa aking balikat
"Okay ka lang ba? Mukhang malalim yung iniisip mo ah?" nakangiting tanong ni Sky habang diretsong nakatingin sa kalsada
"Bakit? Malalim ka ba?"
Parehas nanlaki ang aming mga mata sa aking sinabi
"Hehe joke lang. Joker ako minsan"
Kinagat ko ang aking labi sa sobrang gigil sa sarili
Boba mo talaga, Max. Cute ka lang pero nakakainis ka rin minsan eh. Hindi ka nag-iisip
"Ikaw talaga" aniya at kinurot ang aking pisngi gamit ang isa niyang kamay. "Gusto ko sanang buong araw ka kasama ngayon, kaya lang nagpapasama si Mommy sa mall eh."
"Ah sige, samahan mo na siya. Maraming pagkakataon pa naman tayong pwedeng gumala, diba?"
"Yeah. But you can go with us if you like. I'm sure Mom won't mind."
Agarang pag-iling ang naging sagot ko sa kaniyang tanong
Jusko. Nakakahiya kaya. May tendency pa man din akong mas ipahiya ang sarili ko sa mga nakakahiyang sitwasyon. Baka ayawan ako ni Tita Heaven para kay Archer.