Chapter 29

631 14 0
                                    

Far Away

"Kamusta na siya?" malungkot na tanong ni Manang Cynti pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ni Max

"She's fine, Manang. Medyo bumaba na ang lagnat"

Tumango lang siya bago kuhanin ang basin na aking hawak

"Mabuti naman kung ganoon. Ay teka, kumain ka na pala muna. Kanina ka pa nagbabantay, hindi ka pa kumakain"

Ngumiti lang ako bilang pagtanggi dahil hindi naman ako nakakaramdam ng gutom

Tanging pagtango na lamang ulit ang isinagot sa akin ni Manang bago tuluyang umalis

Isinara ko na ulit ang pinto at pagkatapos ay naupo sa tabi ni Max. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa kaniyang mukha

Bakit ba kasi sa iba ka pa tumitingin? Handa naman akong saluhin ka kahit ilang beses ka pang mahulog sa 'kin

Siguro nga mas nauna mo siyang nakilala at minahal, pero sana binigyan mo 'yung sarili mo ng pagkakataong maghanap ng pagmamahal sa ibang tao.. na nasa katauhan ko

"Haay Maxine, bakit ba kasi nababahag ang buntot ko sa 'yo?"

Gumalaw siya ng kaunti dahil sa mahina kong bulong. Paano niya kaya nagagawang maging sobrang ganda kahit tulog?

Biglang tumunog ang aking cellphone kaya minabuti kong mabilis itong sagutin para hindi magising ang aking mahal

"Hello, Louie?" malambing na sabi ni Kim. "Pupunta ka ba ngayon dito sa bar? Ang tagal mo na rin kasing hindi nagagawi dito eh"

Sa may hamba lang ako ng pinto pumwesto para makita ko pa rin si Max

"I'm sorry Kimmy ha? Pero baka hindi na rin muna ako pumunta diyan. Bukod kasi sa busy sa school, may importante rin akong ginagawa"

"Ganun ba?" batid ko ang lungkot sa kaniyang boses

"Di bale, magkikita naman tayo sa school" ani ko nalang bago ibaba ang tawag kahit na mukhang may sasabihin pa siya

Noong una'y plinano ko nga ang gamiting distraction si Kim para sa nararamdaman ko kay Max. Masaya naman nung umpisa, pero habang tumatagal ay nasasakal ako sa kaniya dahil kung umarte siya'y parang may relasyon kaming dalawa

Narealized ko rin namang wala na akong kawala sa feelings na mayroon ako para kay Max, kaya lumayo na rin ako kay Kim. Pero heto ngayon siya — naghahabol

"Tang ina mo, Sky"

Napangiti ako dahil sa sinambit ni Max. Hanggang sa panaginip ba mayroon pa rin silang break-up scene?

Umupo na lamang akong muli sa tabi niya habang pinapanuod kung paano mangunot ang kaniyang noo

Noong una ko siyang makita, hindi naman niya kaagad nakuha ang atensyon ko dahil hindi naman siya ganoon kaganda. Pero simula nung nakita kong nakikipag-away siya sa isa naming kaklase dahil siniraan siya sa aming prof ay talaga namang naaliw na ako nang husto sa kaniya. At simula noon, palagi ko na siyang binubuntutan

Napipikon siya sa akin pero dahil sa aking kakulitan ay wala na rin siyang nagawa. Marami pang nakakatuwang bagay tungkol sa kaniya ang nadiskubre ko magmula nang maging malapit kami sa isa't isa. Kaya naman hindi na ako nagtaka noong isang araw, nagising nalang ako na mahal ko na pala siya

Sinubukan kong iwasiwas ang aking nararamdaman dahil alam kong kaibigan lang naman ang tingin niya sa akin. Pero kung noon, nakakapagkama pa ako ng ibang babae, simula nung dumating siya sa buhay ko, parang siya nalang ang gusto kong maikama

Ay joke lang, makasama pala 'yun

Hindi ko lang talaga alam kung bakit, pero sa kabila ng pagiging matinik ko sa mga chikababes, hindi ko pa rin magawang umamin sa kaniya. Siguro ganun nga talaga kapag totoo 'yung nararamdaman mo para sa isang tao

Gustuhin ko mang bugbugin si Sky dahil sa pananakit na ginawa niya kay Max, hindi ko pa rin magawa dahil mahirap magalit sa isang tao once na naintindihan mo sila

Siguro nga greatest love niya lang talaga si Yana kaya hirap na hirap siyang kalimutan ito. Hindi lang naging maganda na ginawa niyang rebound si Maxine dahil una, hindi naman sila nagbabasketball, at pangalawa, malakas ang pakiramdam kong pulpol siyang magbasketball

Pasalamat siya at maayos akong mag-isip, dahil kung si De Ville ang nasa katayuan ko, wala nang pagtimbang sa sitwasyon na magaganap, ibabaon na agad siya nun sa lupa. Bobo rin kasi 'yung isang 'yun eh. Puro angas, ayaw gamitin ang utak paminsan-minsan

Mabuti nalang din at saktong papunta ako dito sa bahay nina Max nung tumawag si Manang at sinabing nahimatay nga ito. Kwinento rin niya 'yung nasaksihan niyang scene sa ulan habang inaayos namin si Max

Ang drama pala nung nangyari. Sayang, sana napanuod ko

"Xands" mahinang bulong ng aking sinta

Inalalayan ko naman agad siya dahil gusto niyang maupo

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko habang chinicheck ang kaniyang leeg. "May masakit ba sa 'yo?"

Tinuro niya naman kaagad ang kaniyang puso kaya piningot ko ang kaniyang ilong

"Tsk. Minsan na nga lang kasi ibigay ang puso, sa maling tao pa"

Nakanguso lang siya habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko kaunti nalang ay iiyak na siyang muli kaya agad ko siyang hinila para yakapin

"Gusto mo bang ipatira natin sa mga bading si Sky?" biro ko na ikinatawa niya

"Thanks Xander", humiwalay siya ng yakap at hinawakan ako sa kamay. "Thank you kasi nandito ka para damayan ako"

"Palagi lang naman kasi ako nandito. Ikaw lang naman ang nakakalimot at nang-iiwan kapag may bago ka na"

Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa aking sinabi

"Pero no joke, I'm always here for you, Max. Kahit anong oras, kahit saang lugar, kahit anong ginagawa ko, kailanganin mo lang ako, pupuntahan kita kaagad" ... kasi mahal kita

Lumapit siya sa akin at isiniksik ang kaniyang mukha sa aking leeg

"Crush mo ba 'ko?"

Nasamid naman ako sa kaniyang tinanong kaya bigla rin siyang napalayo

"Tanga ka ba? Matulog ka na nga lang ulit"

Tumawa lamang siya at muling lumambitin sa akin

"Alam mo habang natutulog ako, narealized kong hindi pala ako masyadong nasaktan. Siguro kasi inihanda na rin ako ni Sky ilang linggo palang bago 'to mangyari"

"Angas mo ah? Ikaw lang ang taong kakilala kong nakakarealize pa ng mga bagay-bagay habang tulog"

Humagikhik siya bago tumingala sa akin. At ganun na lamang ang gulat ko nang makitang umiiyak na siya

Walanghiya. Nasiraan na yata ng ulo 'to

"Sobra ko naman siyang minahal eh, bakit hindi pa rin ako 'yung pinili?" parang bata niyang tanong sa akin

Wala akong nagawa kundi ang yakapin lamang siya at iparamdam na hindi siya nag-iisa

"Ang sakit, Xands. Ang sakit sakit"

"Shh. Magiging okay ka rin" pang-aalo ko sa kaniya

Humiwalay siya sa yakap ko habang umiiling

"Hindi eh. Loving someone that doesn't love you back is one thing. But loving someone who you think loves you back, then finding out they never did is competely a different thing. Akala mo okay 'yung lahat kasi masaya kayo, pero hindi pala. It hurts like hell and you'll never understand it until you experience it"

Puro pagtangis nalang ang nariring sa apat na sulok ng kwartong ito. Sobrang sakit sa dibdib pero wala akong magawa para mapawi ang sakit na nararamdaman niya

"Sabihin mo kung anong kaya kong gawin para hindi ka na masaktan" puno ng determinasyon kong sabi

Kung gusto niyang basagin ko ang mukha ni Sky, gagawin ko. Kahit anong sabihin niya kaya kong gawin

"Take me far away"

Operation: Make Sky Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon