Chapter 23

585 9 0
                                    

Friend

"Ano bang favorite food niya? Pag-aaralan kong lutuin"

Magmula nang maisip ni Ivie ang "bright idea" niya raw, kanina pa niya ako tinatanong ng kung ano-ano tungkol kay Xander

"Lahat. Lahat ng pagkain gusto nun" walang gana kong sagot habang pinaglalaruan ang aking pagkain

"Eh may sinabi ba siyang specific trait na gusto niya sa isang babae?"

Padabog kong binitawan ang aking utensils at saka inis siyang tinignan

"Pwede bang tigilan mo na 'yang kalokohan mo ha?"

"Anong kalokohan dito? Seryoso kaya ako" pairap niya sagot bago sumimsim sa kaniyang juice. "Single siya, single ako, so walang masama dun"

"Diba ikaw na rin ang nagsabi na in love siya sa 'kin? Oh eh bakit pinipilit mo pa rin 'yan?"

"Simple lang, I will help him move on from you" with conviction niyang sagot. "Look bestie, kilala mo ako, hindi naman ako masyadong naive sa mga ganitong bagay. Kung gusto niyang makipaglaro, then go, makikipaglaro ako. And besides, wala ka namang feelings para sa kaniya diba?"

"Of course wala" mabilis kong sabi

"Wala naman pala eh. So wala tayong magiging problema"

Inirapan ko lamang siya at mabilis na tinapos ang aking pagkain

Hindi ko alam kung bakit pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagkainis kay Ivie

Hindi ko lang kasi talaga maintindihan kung anong trip niya sa buhay eh

Bakit bigla-bigla nalang niyang gusto si Xander. Eh sinabi ko na ngang babaero 'yun. Isa pa, siya na nga rin ang nagsabi na baka mahal ako ni Xander

Oh eh ako pala ang mahal, bakit aagawin niya?

Pero teka, hindi naman akin si Xander eh. So wala talaga siyang aagawin

Ahhhhh! Naiinis na talaga 'ko

Natigil ako sa aking pag-iisip nang bigla akong pitikin sa noo ni Ivie

Masama ko naman siyang binalingan ng tingin at nakita kong tuwang-tuwa siya sa akin

"Ano ba? Ano na namang itatanong mo? Kung anong cup size ang gusto ni Xander? Size Z! Oh ano, size Z ka ba ha?"

Bigla namang tumawa nang malakas ang di-saltik kong kaharap kaya pinagtinginan kami ng mga tao

"Alam mo, halata namang nagseselos ka eh"

Inismiran ko lamang siya

"Ako nagseselos? Bakit? Si Sky ba siya?"

"Oh eh bakit nagagalit ka dahil lang popormahan ko si Xander" natatawa niyang tanong

"Sino naman nagsabi sa 'yong galit ako ha?"

"Bakit? Hindi ka pa ba galit niyan? Eh feeling ko nga nag-chachant ka na ng mga pangkulam diyan sa utak mo habang nakatingin ka sa 'kin"

"Ulol"

Mas lalo pa akong napikon nang mas lumakas ang pagtawa niya. Punyatera talaga 'tong babaeng 'to eh. Iwan ko na kaya 'to

Bigla siyang tumayo at isiniksik ang sarili sa aking tabi

"Bumalik ka nga sa upuan mo. Ang sikip sikip na oh"

Mahina pa rin siyang humahagikhik habang yumayakap sa akin

"Wag ka nang mabadtrip sa akin, bestie kong super cute. Binibiro lang naman kita eh. Alam mo namang hobby ko na ang pikunin ka. At saka isa pa, namiss kaya kita ng sobra" pagpapa-cute niyang sabi. "Wag nang mainit ang ulo ha? Love naman kita hehe hindi ko rin naman bet si Xander 'no. Napaka-garapal ng ugali nun, paano ko 'yun magugustuhan? Ewness"

"Oo na, oo na. Lumayo ka na sa 'kin" kunwari'y napipilitan kong sagot

"Ikaw ah, hindi naman sa 'yo pero ipinagkakait mo. Madupang ka rin eh" mapang-asar niyang wika

Hindi ko naman kaya ipinagkakait

Kahit nga totohanin ni Ivie 'yung balak niya, wala lang sa 'kin eh

Okay, joke lang 'yun

Hindi ko siya ipinagkakait, siguro ayoko lang na makitang maging close siya sa bestfriend ko

Okay lang na maging close siya sa ibang babae, wag lang sa bestfriend ko. Kasi syempre, baka saktan lang niya diba?

"Pero alam mo on the second thought, cutiepie rin naman siya 'di ba? Pwede na rin" patango-tango niyang ani

"Alam mo halika na nga lang. Malapit na rin kasi kitang bigwasan kapag hindi ka pa tumigil eh"

"Tignan mo sad ako" biglang sabi ni Ivie habang nakadapa sa kama ko

Kakarating lang din kasi namin sa bahay ngayon

From: ❤❤❤

It's fine, love. Tomorrow ko nalang ihahatid baby natin. Go ahead and seize your last night with Ivie. I love you, my Sammy. I miss you so much!

Para na namang may libo-libong paru-paro ang nakawala ngayon sa aking tiyan. Tinext ko kasi si Sky na kakauwi lang namin at baka hindi na kami makadaan pa sa kanila

Kumukuha ako ng damit pantulog nang biglang umupo si Ivie sa kama at nagsimulang humikbi

Agad ko naman siyang dinaluhan at niyakap

"I'm really gonna miss you, bestie ko. Matagal-tagal pa bago tayo ulit magkita" umiiyak niyang sabi

Hindi ko rin tuloy napigilang mapaluha. Kahit kasi abnormalin 'to, sobrang mahal ko naman 'to

"Sobrang bilis ng dalawang araw na magkasama tayo. Kung pwede ko lang sanang patagalin pa ang oras eh" pagpapatuloy niya habang niyayakap ako nang mahigpit

"Mamimiss din kita kahit minsan ang sarap mong ibala sa kanyon"

Natawa naman siya at hinampas ako sa braso

"Alam mo sobrang saya ko dahil at last, naging kayo na rin ng mahal mo. Alam kong ilang taon mo ring pinangarap na maging kayo ni Sky, at sa wakas heto na. Basta sana lang alagaan ka niya at mahalin. Dahil kung hindi, itaga mo sa kahit na anong pwedeng pagtagaan, matitikman niya ang batas ng isang api"

"Baliw ka talaga. Pero salamat ha? At sana rin mahanap mo na ang para sa 'yo, kahit na for sure mahihirapan kang hanapin 'yun kasi wala namang makakatagal sa kabaliwan mo"

"Hoy! Ang sama ng ugali mo!"

Tinapos namin ang gabi nang puro tawanan. Nanuod kami ng kung ano-anong movies at nag-stalk sa mga crushes niya

Sobrang nakakalungkot lang talaga at kailangan na agad niyang umalis. Isa si Ivie sa mga taong ipinagpapasalamat ko sa Diyos dahil nakilala ko

She's the kind of friend who will move mountains just for you. Madalas mang walang kwenta ang sinasabi niya, alam mong totoo siyang tao. At sigurado akong walang kahit na anong makakasira sa pagkakaibigan naming dalawa

--

March 16, 2018
9:39 p.m.

Operation: Make Sky Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon