Chapter 25

616 11 0
                                    

Distraction

"Behave ka ha? And please wag ka nang magpasaway sa klase"

Napanguso ako sa kaniyang sinabi, "Bakit? Hindi naman kaya ako nagkukulit"

Ginulo lang niya ang aking buhok bago ako halikan sa noo, "Sabi mo eh"

Siya na rin ang nagtanggal ng aking seatbelt bago kuhanin si Baxter sa aking lap

"Baby, Mommy's going to school na, say bye Mommy, take care and I love you" pacute na sabi ni Sky kaya ako natawa

"I love you too, Bax. Makikinig kay Daddy, okay?"

Tumahol naman ito habang iwinawagwag ang kaniyang buntot

"Kung may pasok lang din sana ako ngayong araw at hindi ko kailangan gumawa ng mga plates, sabay sana tayo ngayon" malungkot niyang saad kasabay ng pag-hawak niya sa aking mukha

"Clingy" pang-aasar ko na ikinasimangot lalo niya. "Di bale, hanggang 2 p.m. lang naman ang klase ko eh. Right after that, dederetso na ako sa inyo"

"Sabi ko nga kasi sa 'yo kanina pa, susunduin kita"

"Hindi na nga po kailangan kasi po may ginagawa ka, hindi ba?"

Hinalikan ko na siya sa pisngi bago ako tuluyang bumaba sa kotse

"Nandito na ako ng 1:30" pahabol niya bago ako tuluyang makalayo

Ang kulit naman talaga ng boyfriend ko. Agad ko siyang nilingon at handa na sanang magprotesta pa ngunit naunahan niya ako kaagad na magsalita

"Priorities, Sammy. And you're my priority"
Enebe! Nakakainis naman 'to eh. Parang kaya kong magpagulong-gulong ngayon dito

"I love you, love. Take care" sabi niya at nagflying kiss bago tuluyang umalis

Hoy teka 'yung I love you too ko hindi mo hinintay

Masaya akong naglalakad ngayon sa pathway kahit na napakaraming pabebe couples ang akala mo nakikipaglamay sa bagal maglakad

Pasalamat sila at good mood ako ngayon. Kung hindi, baka kanina ko pa sila nasipang lahat

Pagkatapos naman ng humigit-kumulang bente minutos na pakikipagsapalaran sa hamon ng buhay— ang maglakad sa pathway— ay nakarating din ako nang matiwasay sa aming room

Mabuti naman at wala pa ang prof namin kaya may time pa para makatext ko ang super perfect kong boyfriend

To: ❤❤❤

Room na 'ko :)

Sa aking tantya, malapit na sila sa bahay ng in-laws ko hehehe

Napatingin ako sa dalawang taong bagong pasok at awtomatikong napataas ang aking kilay dahil may kasama si Xander na babae

Hindi naman na bago ang pambababae niya, kaya lang ito ang unang beses na may kasama siyang babae na pumasok sa room... maliban sa akin. At isa pa, ano nang nangyari sa motto niyang "nothing serious, just here for fun"?

Napasulyap naman siya sa akin kaya napilitan akong ngitian siya. Simpleng pagtango lang ang ginawa niya bago siya sumunod ng pag-upo sa kaniyang kasama

Kinulbit ko ang aking seatmate na busy sa pagsusulat kaya inis niya akong hinarap

"Oh easy ka lang, itatanong ko lang kung sino 'yung kasama ni Xander" agaran kong sabi dahil mukhang itutusok na niya sa mata ko ang hawak na ballpen

"Kimberly Talavera" maiksi niyang sagot bago muling ituon ang atensyon sa ginagawa

Wow. Sobrang helpful nung sinabi mong information ha?

"Di ba irreg siya last sem? Ano bang course nun?" patuloy kong pangungulit kay Chel-sungit

"Pol. Sci." tangi niyang sagot nang hindi man lang tumitingin sa akin

"Ah. Pol. Sci. pala. Eh bakit nandito siya ngayon sa major class natin?"

"Bakit ba ako ang tinatanong mo? Bat hindi si Xander o kaya'y si Kim mismo? Hindi mo ba nakikitang may ginagawa ako?" masungit niyang sabi at umirap sa akin

Ready na sana akong sabunutan siya dahil sa katampalasang kaniyang ginawa ngunit biglang nag-vibrate ang aking phone

Aba. Pasalamat ka Chelsea ha, saved by the phone

From: ❤❤❤

Sorry kung ngayon lang ako nakapagreply, love. Dumaan pa kasi kami sa bilihan ng food nitong anak natin. Anyway, mag-aral kang mabuti ha? Makikinig at sabi ko nga kanina, wag magpapasaway. 'Wag mo na ring alalahanin si Baxter dahil ibinigay ko na muna siya kay Mommy habang busy ako. Susunduin kita mamaya kaya hintayin mo kami. I love you, Sammy ko.

Agad namang namuo ang ngiti sa aking labi matapos iyong basahin

Haaaaay. Paano kaya nagagawa ng lalaking ito na baguhin kaagad ang nararamdaman ko in just an instant

Ang lakas na talaga ng tama ko sa kaniya. This is bad

Maya-maya pa'y dumating na rin naman ang aming prof at nag-check muna ng attendance

"Oh Miss Talavera, what are you doing in this class?" puna niya sa babaeng kasama ni Xander

"Ma'am makiki-sit in lang po sana" mahinhin niyang sagot kay Ma'am Rose

Hindi ko mawari kung ganun talaga siya magsalita o pabebe voice lang. Pero in fairness, ang amo ng mukha niya. Hindi bagay kay Xander dahil total opposite sila

"I assume boyfriend mo si Mr. Vidallon?" taas-kilay na tanong ni Ma'am

Maging ako ay naghihintay ng isasagot niya ngunit tanging pamumula lang ng mukha ang ipinakita niya

Ano na, girl. Sagot!

Sinulyapan ko naman si Xander at nakitang ngiting-ngiti siya habang tinitignan ang nahihiyang katabi

Hala? Ang aarte naman ng mga 'to

Umiling lamang ito kaya naging tampulan ng tukso si Xander

"Weak mo talaga, papi" sigaw ni JM mula sa likuran. "Hindi na natuto"

Pasimpleng binigyan ni Xander ng bad finger ang kaniyang tropa kaya naman mas lalo silang nagtawanan

Sa muli niyang pag-ayos ng upo ay hindi sinasadyang napatingin siya sa akin

Ngumiti naman ulit ako kaagad ngunit hindi niya ako pinansin, miski tango ay hindi na rin niya ginawa

Nang bumaling siya kay Kim ay saka lamang siya ngumiti

Hindi ko maiitangging bumagsak ang puso ko sa aking sikmura dahil doon

Bakit parang wala nalang ako sa kaniya?

Operation: Make Sky Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon