Chapter 34

790 21 1
                                    

Sa 'yo

Matapos ang kasalan ay kaniya-kaniyang picture ang ginawa ng mga bisita sa bagong mag-asawa

Nagpasya rin kaming lumapit na ni Sky para magpakita kina Yana at Archer. Ngunit napatigil ako sa paglalakad dahil ang kasama nila ngayong magpapicture ay sina Xander at 'yung babaeng marahil ay maid of honor

Agad na nahagip ni Xander ang aking mga mata kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin

"Still good?" bulong ni Sky sa aking tenga

Sinagot ko lang siya ng isang marahang tango bago muling naglakad

Dagli naman kaming napansin ni Yana at itinuro kami kay Archer kaya napalingon din ito sa amin

Dahil sa amin nakatutok ang atensyon ng mag-asawa, lahat din tuloy ng tao na malapit sa kanila ay binalingan kami ng tingin

Awkward tuloy akong napakaway sa kanila at mabilis na hinila si Sky paparoon

"Buti nakapunta kayo" masayang bati ni Yana bago humalik sa aking pisngi

"Congrats" nahihiya kong ani saka bumaling sa kaniyang asawa. "Congrats, Archer"

Napalunok ako nang maalalang wala nga pala akong nabiling regalo para sa kanila. Ano ba naman 'yan? Talagang sarili ko lang ang dala ko

Nagpasalamat naman sa akin si Yana samantalang tinanguan lang ako ni Archer
"Congrats, Julianna. I'm really happy for you" biglaang wika ng aking katabi

"Sky, I'm so glad na nakarating ka"

Napangiti ako nang magyakapan ang dalawa. Bakas sa mukha nilang dalawa ang saya dahil siguro pagkatapos ng ilang taon, naging ayos na sila

Sinulyapan ko si Archer at nakita kong mayroong maliit na ngiti sa kaniyang labi

Haaay. Nakakatuwa naman, okay na silang lahat

Matapos maghiwalay ay kaming apat naman ang pinapwesto para picturan. Nasa tabi ako ni Yana samantalang katabi naman ni Sky si Archer

Kasunod naman noon ay nakisingit na ang iba pa nilang mga kamag-anak at kaibigan kaya pumunta na kami ni Sky sa gilid

Inakay niya ako sa upuan kung saan nakapwesto si Cath

"Sky!" masayang bati nito nang mapansin kaming parating

Dali naman siyang nilapitan ni Sky para yakapin

Sa laki kasi ng tiyan nito ay siguradong nahihirapan na siyang tumayo

"Ang tagal nating hindi nagkita ah?"

"Oo nga eh. Anyway, this is..."

"Max. Kilala ko na siya, nakasama namin siya yesterday" pagputol ni Cath sa sasabihin ni Sky. "Hello, Max. Come here, hug me too"

Sinunod ko naman kaagad ang kaniyang sinabi at saka umupo sa kaniyang tabi

Saglit silang dalawang nagkwentuhan at nagkaroon ng catching up bago magpaalam si Sky para kausapin daw muna si Archer

"Masaya ako at naging okay na silang tatlo"
Napalingon ako kay Cath at nakitang nakatingin pala siya ngayon kina Yana, Archer at Sky

"Sino bang mag-aakala na maayos pa nila 'yung gusot na meron sila"

Bumaling naman siya sa akin at saka ngumiti

"Mas maganda sana kung ako 'yung naging maid of honor, 'no?"

"Ilang months na ba 'yang baby mo?" tanong ko bago himasin ang kaniyang tiyan. "Parang malapit ka nang manganak oh"

"Next month nga due ko na eh. Kaya tignan mo, nahihirapan na ako maglakad at tumayo. Pero syempre hindi ko naman palalampasin 'tong kasal ng best friend ko"
Kasalukuyan akong binibigyan ng tips at reminders ni Cath tungkol sa pagbubuntis nang biglang dumating ang kaniyang asawa

Operation: Make Sky Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon