Chapter 8

1K 18 0
                                    

Goodnight

"Gusto mo bang kumain na muna?" tanong ni Sky pagkatapos akong alalayan sa pagbaba sa kaniyang sasakyan

"Ikaw. Kung gutom ka na eh" sagot ko bago ko isukbit ang bag ko sa aking balikat

"Sige, kumain na muna tayo" nakangiti niyang sagot habang inaalalayan akong maglakad papasok sa mall

Para akong nasa ulap sa sobrang sarap ng pakiramdam ko ngayon

Hindi ko alintana ang mga taong nagkakagulo na sa Christmas sale

Basta ang mahalaga kasama ko si Sky. Nandito na ulit siya sa tabi ko. At wala man akong karapatan sabihin, pero hindi na ako papayag na mawala siyang muli

Kumunot ang aking noo nung makita kung nasaang harap kami ngayon

"Uh? Sure kang dito tayo kakain?" alinlangan kong tanong sa aking katabi

"Bakit? Ayaw mo na ba dito ngayon?" nakangisi niyang sagot habang nakataas ang isang kilay. "Diba batang Jollibee ka?"

"Eh diba sabi mo sakin dati ayaw mong kumakain sa mga fast food chains kasi hindi healthy ang mga processed foods?"

Tumawa siya ng bahagya at pinisil ang magkabila kong pisngi

"Akala ko hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko sayo dati. Paano kain ka pa rin ng kain noon kahit na pinapagalitan kita" tinaas niya ng kaunti ang aking baba. "Spoil kita ngayon kasi good girl ka eh"

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang pagngiti. Hinawakan naman niya ako sa kamay at pumasok na kami sa loob

Naiwan akong mag-isa sa aming pwesto dahil siya na lamang daw ang oorder para sa aming dalawa

Noon ko naman naisipang icheck ang aking phone dahil siguradong marami ng text si Xander. Pero agad na bumagsak ang aking balikat nang makitang dead batt na pala ako

Siguradong nausok na ang ilong at tenga nun dahil hindi ako macontact. Kabilin bilinan pa man din niya na wag akong magpapatay ng phone kapag hindi siya kasama

Tsk. Eh sa nadead batt eh. Hindi ko naman kasalanan

"May itetext ka?"

Nilingon ko ang kararating lang na si Sky na ibinababa ang tray ng aming mga pagkain

"Pwede mong gamitin ang phone ko kung gusto mo. Wala naman kasi akong maiipahiram na power bank sayo eh" nakangiti niyang sabi bago umupo sa aking tapat

"Ah wala naman. Napansin ko lang na dead batt na phone ko"

Tango lang ang kaniyang sinagot at siya na rin mismo ang nag-ayos ng aking pagkain

"So kamusta naman lovelife mo?"

Muntik na akong mabilaukan sa biglaan niyang pagtatanong ng ganoon

Heto, ikaw pa rin ang love ko pero iba naman na ang life mo

Pero syempre hindi pa naman ganun kakapal ang mukha ko para iyon ang sabihin

"Ah eh studies first muna kasi ako hehe"

"Aba! Ayos 'yan" masaya niyang sagot bago uminom sa kaniyang inumin. "Basta kapag nagkaboyfriend ka dapat makilala ko muna ha? Para makilatis ko maigi"

Alinlangan na lamang akong ngumiti dahil baka kung ano pa ang maisagot ko

"Ikaw pala? Kamusta kayo ni ano. Ano nga bang pangalan nun?"

"Si Julianna" bagamat nakangiti ay kita ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Ang totoo niyan hindi ko na rin alam eh"

Umayos ako ng upo at deretsong tumingin sa kaniya

"Pakiramdam ko hindi na niya ako mahal"

Shet bigat nun. Napakagat tuloy ako sa yum burger ko ng wala sa oras

"Hindi ko siya nahila, nahulog tuloy siya sa iba" sarkastiko siyang tumawa matapos iyong sabihin

Hinawakan ko na lamang ang kamay niya dahil hindi ko naman alam ang dapat kong sabihin

"Ang sakit" mahina niyang wika sapat lang para marinig naming dalawa

"Kung masakit bakit hindi mo pa bitawan?"

Umiling siya at mapait na ngumiti sa akin

"Mahal ko eh. Sobra. Kaya kahit gaano katindi 'yung sakit kaya kong tiisin makasama ko lang siya"

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa

Nakakatawang isipin na nasasaktan siya dahil sa ibang tao at nasasaktan naman ako nang dahil sa kaniya

Bakit nga kaya kung sino pa 'yung taong mahal mo hindi ka kayang mahalin?

Bakit minamahal natin 'yung mga taong hindi naman pala para sa atin?

Sana magkaroon ng imbensyon na nagpapakita kung sino ang makakatuluyan mo sa hinaharap, no? Para naman hindi na tayo mag-aaksaya ng oras at panahon kakainvest ng feelings sa mga taong hindi naman pala natin makakasama hanggang dulo

"Tara na?"

Napukaw ang aking atensyon ng biglang magsalita si Sky

"Kaya nga kita niyaya dito para sana magsaya tayo diba? And also to make up for the times we were apart"

Mabilis akong sumang ayon sa kaniyang sinabi

Huwag kang mag-alala Sky. Tutulungan kitang makalimutan siya

Inubos namin ang aming oras sa paglalaro sa Tom's World at kaunting pag-iikot sa loob ng mall. Tinulungan ko rin siyang bumili ng mga ipapangregalo niya sa kaniyang mga inaanak ... na soon to be inaanak ko na rin hehe joke

"Saan kita ihahatid?" tanong ni Sky matapos ilagay sa likuran ng kotse ang aming mga pinamili

"Sa dating bahay pa rin namin" sagot ko habang inaayos ang aking seat belt. "Kasama ko naman doon sina manang Cynti at 'yung bunso niyang anak eh"

Tumango lang siya at ngumiti bago paandarin ang kotse



Pagtigil ng kotse sa harap ng aming gate ay dali dali siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto

Siya na rin ang nagtanggal ng aking seat belt at mahina akong nagpasalamat sa Diyos dahil kahit papaano'y nawala na ang ilang na nararamdaman ko sa tuwing malapit siya

"Thank you for today, Sammy. I really had a great time" aniya habang masuyong hinahaplos ang aking pisngi

"Thank you din. Sobrang nag-enjoy ako. Sana maulit pa 'to"

"Oo naman. Just message me whenever you want to hang out, okay?"

Kinuha niya ang bag ko sa loob ng kaniyang kotse at inabot iyon sa akin

"Sige na pumasok ka na. Baka tulog na rin ngayon sina manang Cynti. Hihintayin kitang makapasok bago ako umalis" aniya at binigyan ako ng magaang halik sa pisngi. "Goodnight, my Sammy"

Good night it is, my Sky

Operation: Make Sky Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon