Enough
Minsan sa buhay may mga pagkakataong napapalampas natin ang mga bagay na akala natin ay hindi natin kailangan, pero ang totoo ay sila pala ang bubuo ng ating mga pagkatao
May mga sikreto tayong hindi natin magawang sabihin, mga pangarap na hindi mabigyang linaw, mga pagkakamaling hindi na kayang maitama pa, at mga taong kahit na anong pilit kalimutan ay nakaukit na sa ating puso ang bawat letra ng pangalan
Muli na namang umihip ang malakas na hangin kaya niyakap ko ang aking sarili
"Ano bang gusto mo? Coat ko o yakap ko?"
Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla na niya akong hinila para yakapin
Tanging mga busina lang mula sa malayo at malakas na pagtambol ng aking puso ang aking naririnig
After so many years, isang simpleng yakap lang pala niya ang magpaparamdam sa akin na kumpleto na ako
"I'm just waiting for you to say you miss me" pagbasag niya sa katahimikan. "Because I miss you everyday, every hour, every minute, every second.. and it hurts"
Ramdam ko ang init ng kaniyang hininga na dumadampi sa aking leeg habang sinasabi niya ang mga katagang iyon
"I missed you in a small way. Tiny enough to fold and put up in my pocket, and carry that loneliness in everywhere I go" pagpapatuloy niya habang mas hinihigpitan ang yakap sa akin
"I miss you" bulong ko sapat lang para marinig niya
"Alam ko"
Sana pwede ko munang itigil ang oras. Sana pwedeng dito na lang kami palagi sa lugar na pinagdalhan niya sa akin noong niyaya ko siyang uminom, habang mahigpit niya akong yakap at ang tenga ko ay nakatapat sa kaniyang dibdib na malakas na tumitibok marahil ay para sa 'kin. Sana palagi nalang ganito, dahil dito kuntento na ako
"May gusto ka bang sabihin?" aniya bago kumalas sa akin
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin
Ano ba? Natotorpe ako, okay?
Hinawakan niya ang aking mukha para iharap sa kaniya
"Ngayong nandito na ulit ako, sa akin ka lang dapat tumingin"
Tanging tango lamang ang aking isinagot habang pilit pang tinatahi ang mga gusto kong sabihin
Hinubad niya rin ang kaniyang coat habang deretsong nakatitig sa aking mata at saka ako tinulungang isuot ito
"We don't have all the time in the world, Maxine"
"I wish you liked me again" sabi ko sabay tungo. "Like before... when you liked me the most"
Mas nakakakaba 'to kaysa nung inamin ko 'yung feelings ko para kay Sky ha
"I didn't like you"
Kagat-labi akong tumunghay sa kaniya habang nagpipigil umiyak
Hinawakan niya ang isa kong kamay at dahan-dahan itong ipinatong sa kaniyang dibdib
"Feel that? My heart rages for you" aniya nang nakangisi. "Like is an understatement.. I love you"
Naputol lang ang aming moment nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone
Kinuha niya ito sa kaniyang bulsa gamit ang isa pang kamay dahil hindi pa rin siya bumibitaw sa akin
Marahan niya akong hinila nang mas malapit pa sa kaniya. Pati lamok yata ay mahihiyang sumingit
Niyakap niya ako sa bewang gamit ang kamay naming magkahawak bago sagutin ang tawag