Never
Aaaah! Sobrang sakit ng ulo ko. Tang ina
Muli akong gumulong sa kabilang side ng kama sa pagbabakasakaling maibsan kahit papaano ang sakit pero wala pa ring kwenta
Inis akong bumangon at sinabunutan ang sarili. Brokenhearted ka na nga, sumasakit pa ang ulo mo. Pucha naman talaga
Napalingon ako kay Baxter na tumatahol sa akin mula sa higaan niya. Feeling ko sinasabi niyang 'wag akong manggulo ng tulog
Ewan ko sa 'yong aso ka. Kasalanan 'tong lahat ng tatay mong kupal.. pero mahal ko pa rin huhuhu
Kasabay ng pagkalam ng aking sikmura ay ang pag-vibrate din ng aking cellphone na nakapatong sa aking bedside table
Inabot ko ito at nakitang may 56 text messages at ilang missed calls mula kay Sky
Napamura ako nang maalalang hindi ko na nga pala siya muling nakausap matapos siyang tumawag kahapon
Itetext ko na sana siya nang muli siyang tumawag
Huminga muna ako ng malalim bago ito sagutin
"Good morning" bungad niya. "How are you feeling?"
Kumunot ang aking noo sa kaniyang tinanong. Ibig sabihin alam niyang lasing ako kagabi?
"Okay lang"
"Gusto ko sanang diyan magpalipas ng gabi para mabantayan ka but kinailangan kong umuwi" sabi niya matapos ang ilang segundong katahimikan
Nakakatawang isipin na palagi nalang hindi mawawalan ng mga nakakabinging katahimikan sa tuwing nag-uusap kaming dalawa
Ito 'yung mga katahimikang hindi kapayapaan ang dala kundi takot— takot sa kung anong maaaring muli niyang sabihin
"Okay lang"
Nitong mga nakaraang araw, naging hobby ko na yata ang pagsabi ng "okay lang". Hindi dahil totoong okay lang, pero dahil wala akong choice kundi ang maging okay lang
"I'll be there in 20" malungkot niyang saad bago ibaba ang tawag
Nag-ayos ako ng sarili bago lumabas ng kwarto. Iniwan ko nalang din muna si Baxter sa loob para hayaan siyang makatulog nang ayos
Nadatnan kong nagtutupi ng mga damit si Manang Cynti sa living room
"Oh kamusta na ang pakiramdam mo? Masakit ba ang ulo mo?" nag-aalala niyang tanong pagkakita sa akin. "Kumain ka na muna bago ka uminom ng gamot"
Nagpasalamat naman ako bago tuluyang pumunta sa kusina
Binuksan ko ang ref at kumuha ng malamig na tubig para makainom na muna. Nabasa ko kasi noon na mabisang cure daw ito pagdating sa hangover
"Sige na, maupo ka na doon at ako na ang maghahanda ng pagkain mo"
Nabigla ako nang magsalita si Manang Cynti sa aking likuran. Hindi ko man lang namalayang sinundan niya ako
"Si Anika po, Manang?" tanong ko bago naupo
"Hindi ba't Miyerkules lamang ngayon? Oh ay di pumasok. Ikaw, hindi ka na nakapasok dahil sa kalasingan mo kagabi" naninisi niyang sabi. "Napakatagal na naghintay dito ang iyong nobyo. Bago makikita lang namin na lasing kang uuwi. Baka naman kung ano-ano nang itinuturo sa 'yo ng Xander na 'yan ha?"
"Walang kasalanan si Xander, Manang" pagtatanggol ko dito. Ayoko namang isipin nila na bad influence sa akin si Xander gayong hindi naman totoo. At saka, ako naman ang nagyayang uminom eh