(In)Sanity
"Uy Rivera, sige na naman oh? Kahit ano gagawin ko pumayag ka lang. Please?" nakanguso kong sabi bago kumagat sa aking hotdog sandwich
"Alin ba sa hindi ang hindi mo maintindihan ha?" masungit niyang sabi bago muling ituon ang atensyon sa librong binabasa niya
"Bakit hindi? Bakit ba ayaw mo? Ito naman parang hindi tropa eh"
Bahagya niyang ibinaba ang binabasa niya at deretsong tumingin sa mga mata ko
Napatuwid tuloy ako ng upo at wala sa sariling inayos ang aking buhok
Bagot niya akong tinignan at pinagtaasan ng kilay
"Tell me Samantha Maxine, why do you want me to act as your boyfriend so badly?"
Tumikhim ako at nag iwas ng tingin upang maitago ang kabang aking nararamdaman
"Ah eh kasi diba ano. Para ano. Para hindi na ko yabangan ng bagong girlfriend ng ex ko"
Kung nandito si Ivie malamang hahagalpak na 'yun kakatawa sa naging rason ko. Una kasi wala naman talagang bagong girlfriend ang ex ko at pangalawa kasi wala naman talaga akong ex
Putang ina naman kasi Maxine. Bakit ba hindi mo sabihing gusto mo siya para tapos na ang usapan
Nakakatawang isipin na ang lalaking malimit kong asarin ay magugustuhan ko rin pala
Simula kasi nung araw na naging kaklase ko si Sky, hindi na siya nawala sa isipan ko. Kahit na hanggang ngayong Third year highschool na kami
Ayoko namang grumaduate kami na hindi ko man lang naaamin sa kaniyang crush ko siya. At hindi lang basta crush, dahil first crush ko siya 'no
Bakit naman hindi diba? Mabait naman 'tong isang 'to. Magalang. Matulungin. Matalino. Atsaka hindi naman maipagkakailang gwapo siya. Para siyang anghel sa sobrang amo ng mukha niya. Pero para sa akin mananatili pa rin siyang kamukha ng toothbrush, ang boy toothbrush ko
Rinig ko ang malanding hagikhik ng utak ko kaya kinurot ko ang aking sarili
"Nakikinig ka ba ha?" gulat akong napatingin ulit kay Sky at nakita kung gaano kakunot ang noo niya
Inirapan niya lamang ako atsaka muling tumutok sa kaniyang binabasa
"You want me to be your boyfriend yet you don't even pay attention to me" pailing iling niyang sabi na ipinanlaki ng aking mata
"Ibig mo sabihin ... payag ka na?" hindi makapaniwala kong tanong sa kaniya
"May sinabi ba ako? Or anything related sa pagpayag?" masungit pa rin niyang sabi habang inaayos ang kaniyang gamit
Napairap na lang ako sa inis dahil sa walanghiyang lalaking 'to
Naku pasalamat ka nalang talaga crush kita kasi kung hindi baka kanina ko pa natadyakan ang mukha mo
"I know how much you want to strangle me right now" nakangisi niyang turan pagkatapos tumayo at magsukbit ng bag sa isa niyang balikat
Agad naman akong nagpeke ng tawa bago likumin ang sariling gamit
"Uy hindi ah. Bakit ko naman gugustuhing saktan ang future boyfriend ko diba?"
Akala ko susungitan niya lang ako sa aking sinabi pero nagulat ako ng bigla siyang pumunta sa aking gilid at iabot sa akin ang kaniyang kamay
Tinignan ko iyon ng may pagtataka. Anong gagawin ko diyan?
"Tsk. Hindi ka pa ba tatayo diyan?"
Pinandilatan niya ako ng mata na nagsasabing "hoy tanga ano pa bang ginagawa mo?" at napabuntong hininga matapos yatang marealize na hindi ko siya naiintindihan
Sa huli siya na mismo ang kumuha sa aking kamay at inalalayan akong tumayo
Hindi pa man nakakabawi sa gulat at pagtataka, bigla na lamang niyang pinagsiklop ang kamay naming dalawa
"Close your mouth will you? Nakakahiya kapag nakita nilang pinasukan ng langaw ang bibig ng girlfriend ko"
Nakailang kurap ako sa aking narinig at handa na sanang tumalon sa tuwa kung hindi niya lang agad sinundan ang kaniyang sinabi
"Fake girlfriend I mean."
Epal ka talaga boy toothbrush
"Kamusta ka na?" nakangiti niyang sabi matapos kong kuhanin ang mga nahulog kong gamit sa kaniya
"Okay naman" pilit ngiti kong sagot pero parang naging ngiwi ang lumabas
Tumikhim ako at kunwaring tumingin sa aking relo kahit na hindi naman na 'to nagana dahil nabasa ng ulan kahapon. "Naku! Sobrang late na 'ko. Mauuna na ko Sky ha?"
Hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot at basta na lamang kumaripas ng takbo
Nang maramdaman kong medyo nakalayo na ako sa kaniya ay saka lamang ako huminto at napahawak sa aking puso
Hindi ko inaasahang makikita ko ulit siya pagkatapos ng ilang taon
Nakakamangha na ang dami na niyang pinagbago magmula nung huli kaming magkita. Gwapo na siya noon pero pakiramdam ko mas gumwapo siya ngayon. Nakataas na rin ang kaniyang buhok di tulad dati na palaging nakababa. At hindi na rin siya patpatin tulad noon dahil naramdaman ko kung gaano na katigas at kalaki ang katawan niya
Agad akong namula sa aking naalala. Hindi ko alam pero bigla na lang akong napangiti habang naglalakad dahil lang sa nangyari kanina
Kulang nalang batiin ko bawat makakasalubong ko sa sobrang ganda ng mood ko ngayon kung hindi lang ako nasagi ng lalaking tumakbo
Inis ko siyang sinundan ng tingin pero agad din namang bumalik ang ngiti sa aking labi
Pasalamat talaga yun at good mood ako ngayon. At isa pa baka late lang talaga siya
LATE?!
Nanlaki ang mga mata ko at agad na kumaripas ng takbo ng maalalang kanina pa nga pala ako late sa subject namin
Sige Maxine daydream pa. Basta kapag kay Sky nawawala ka talaga sa katinuan eh
Biglaan kong binuksan ang pintuan sa room at hindi na nagabalang mag ayos ng sarili kahit pawis na pawis ako
"Sorry Ma'am. Late po ako" hingal kong paumanhin bago isara ang pintuan sa aking likuran
Teka, sinabi ko bang ma'am? Ang alam ko lalaki ang prof namin dito ah?
Dahan dahan kong inilibot ang aking paningin at napatampal nalang ako sa aking noo
Lahat sila nakangangang nakatingin sa akin
"Hehe mali pala 'ko ng pasok" nakangiwi kong sabi at nag peace sign. "Sorry po"
Nang makita kong tumango ang prof ay nagmadali na akong lumabas ng room na iyon
"Tang ina nakakahiya"
Napapadyak ako sa sobrang inis sa aking sarili
Nakakainis. Bakit kasi tinangay ni Sky ang katinuan ko kanina
Kahit kailan epal ka talaga boy toothbrush