Chapter 30

741 17 0
                                    

Stay Away

Bata pa lamang ako ay hindi ko na talaga gusto ang gabi. Ito 'yung parte ng araw na palagi kong gustong iwasan dahil alam kong mababalot na naman ng kadiliman ang paligid. At saka isa pa, parang ang lungkot pagmasdan ng buwan sa langit

Pero ngayon, parang katulad ko na rin yata 'yung buwan. Mag-isa habang ang mga tao sa paligid ko ay nagsasaya

Nasaan na ba kasi si Xander? Sabi niya saglit lang pero ilang lamok na ang napapatay ko wala pa rin. Kaunti nalang talaga at baka siya na ang mapatay ko

At ano rin ba kasing trip nitong mga kapitbahay namin. Kung kailan gabing-gabi na saka magpaparty. Akala mo naman talaga mga nagkakaisa. At teka, bakit parang hindi kami invited dito?

"Oh" pag-aabot ni Xander sa ice cream na dala

"Napakatagal mo"

"Sorry ha? Hindi naman kasi limang hakbang lang 'yung tindahan"

Inirapan ko na lang siya kahit na mukhang hindi naman halata dahil sa pamamaga ng aking mata

Mabuti na lamang at gabi na kaya wala masyadong nakakapansin. Ewan ko ba kasi sa lalaking 'to at ang depenisyon pala ng "far away" ay park lang na iilang hakbang mula sa bahay

Oh eh di ngayon tinake niya nga ako far away, tinake ako dito sa park. Ang galing

Pero syempre arte lang din naman kasi 'yung drama ko kanina. Hindi naman ako pwedeng basta nalang umalis kasi napasok pa kami tapos baka makurot lang ako sa singit ni Manang Cynti

"Anong meron?" nguso niya sa mga kapitbahay naming hanep kung magsayawan

Nagkibit-balikat lamang ako dahil hindi ko rin naman alam. Baka birthday ni Kap hehe

Ilang minuto lang kaming nakaupo nang tahimik at tanging tunog lang ng sound system at mga tawanan ang naririnig sa paligid

"Pinagsisisihan mo ba?"

Nilingon ko si Xander dahil sa biglaan niyang tanong

"Ang alin?"

"Ewan ko.. lahat?"

Natahimik ako sandali at sinubukang kumapa ng mga tamang sabihin

"Just because we didn't work out doesn't mean that he wasn't the best thing that ever happened to me", piyok kong sagot. "Because he was"

Ngumiti lamang siya at muling ibinaling ang tingin sa mga tao

"Bakit kaya palagi tayong nagmamahal ng maling tao?" malungkot niyang sabi habang dinidilaan ang kaniyang ice cream. "Minsan maiisip mong itigil na pero 'yung walanghiyang puso mo sige pa rin sa pagtibok para sa kaniya"

"I know"

"Di ba nakaka—"

"I know you like me"

Mabilis siyang lumingon sa akin at natameme nang makita akong seryoso

"I was quiet, but I was not blind"

Kahit naman papaano hindi pa ako ganun kamanhid para hindi mahalatang ako 'yung gusto niya eh. Isa pa, marami rin namang nakakapuna

Gusto kong matawa dahil mukha siyang natataeng ewan pero pinigilan ko dahil seryoso ang aming pinag-uusapan

Ibinuka niya ang kaniyang bibig na parang may sasabihin pero agad din itong isinara

"Pero hindi pwede, Xands" malungkot kong wika. "Hanggang pagkakaibigan lang talaga"

Masyado akong winasak ni Sky kaya natatakot na ako ngayong magtiwala sa mga tao. Oo nga't matagal ko na ring kakilala si Xander pero I think the scariest thing in this world is you never know someone's true intentions with you

Sobra silang magkasalungat ni Sky. At kung si Sky nga na akala ko mabait at hindi ako sasaktan, nagawang pira-pirasuhin ang puso ko, paano pa kaya siya? He's a notorious playboy and I wouldn't wanna risk my heart just to be played on

Kaya habang maaga palang, dapat sabihin ko na sa kaniya ito

"I got my hopes up" mahina niyang sabi sapat lang para marinig ko

"About what?"

"About you actually loving me back"

Kagat-kagat niya ang kaniyang mga labi habang mariing nakatitig sa akin

"Hindi ba talaga pwedeng ako nalang? Max... ako naman"

Napayuko ako dahil hindi ko na matagalan ang intensidad ng kaniyang mga tingin

Kinuha niya ang aking mga kamay at dahan-dahan itong dinala sa kaniyang pisngi

"Bakit?" basag ang boses niyang tanong

Gusto kong sabihin ang totoong dahilan, na nakakatakot siyang mahalin. Natatakot akong masaktan na naman

Pero hindi ko gagawin, dahil sigurado akong kung ano-anong matatamis na salita lang ang sasabihin niya. Na 'wag akong matakot dahil ako ang talagang mahal niya

Ganoon naman kasi talaga ang mga lalaki. Palaging magaling magsalita, pero hindi naman magawa

At saka nakakapagod na rin kasi. Pagod na akong umasa sa mga salita ng mga tao pero sa huli hindi naman nila kayang panindigan. Nasabihan na nga ako ng "I love you" kahit hindi naman pala ako totoong mahal

"Hindi kita gusto" matatag kong sabi. "Kahit kailan hindi kita magugustuhan. Kaya please, 'wag ka nang umasa sa 'kin kasi wala kang aasahan"

Binitawan niya ang aking mga kamay at mapait na ngumiti sa akin

"Pero mahal kita, Max. Mahal na mahal"

Hindi ko akalaing mas masakit pa 'to sa nangyari sa amin ni Sky kanina. Siguro kasi dito, ako naman ang nananakit

Baka nga walang makaintindi sa rason na meron ako. Kung may makaintindi man, sasabihin nilang sobrang babaw lang ng rason ko. Pero kasi ang hirap ipagkatiwala ng isang pusong basag, dahil sa huli kaya nitong makasugat

"Walang wala ka kay Sky, Xander. Kaya malabong mahalin din kita"

Ayoko mang sabihin, pero ito lang ang naiisip kong paraan para tumigil na siya. Hindi rin naman pati totoo na walang wala siya kay Sky, dahil kung tutuusin he's better than him

"Please lang, 'wag mo na sanang ipilit ang gusto mo dahil nahihirapan na ako" pabulong kong pahabol

Sa lahat yata ng sinabi ko sa kaniya, ito ang pinaka totoo. Dahil alam kong kapag ipinilit pa niya, kaunti nalang ay bibigay na rin ako

"Sabihin mo kung anong kaya kong gawin para hindi ka na mahirapan" halos walang boses niyang sabi matapos ang ilang segundong katahimikan

Malungkot akong napangiti dahil ito rin 'yung sinabi niya kanina

Deretso ko siyang tinitigan sa kaniyang mga mata bago huminga ng malalim

"Stay away"

Operation: Make Sky Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon