Chapter 15

786 20 0
                                    

Realizations

Pang anim na beses ko nang inililipat ang istasyon ng radyo ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang magandang kanta

Nang marinig sa ikatlong pagkakataon ang kantang Despacito ay nagpasya na akong patayin ito

Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at inabala ang sarili sa panunuod ng mga taong naglalakad

Nandito kasi ako ngayon sa loob ng kotse ni Sky at kasalukuyan siyang hinihintay dahil may kakausapin lang daw siyang importante

Hindi naman na sana ako sasama pero siya ang nagpumilit na sumama ako dahil mag-gagala raw kami pagkatapos at isa pa, hindi naman daw sila magtatagal ng kaniyang kausap

Syempre pagkakataon na yun, aarte pa ba ako?

Naramdaman kong kumulo agad ang aking tiyan nang makitang inilapag ng waiter ang pagkain sa harap ng isang babae

Bakit ba naman kasi ang bilis kong magutom? Nakakainis

Kinuha ko na lamang ang phone ko sa aking bag at nagbukas ng data para mag-Facebook

Napairap ako sa hangin nang makitang puro baby baby shark na pictures at videos ang tumambad sa akin

Nag-scroll lang ako ng nag-scroll hanggang sa nakita ko ang isang pamilyar na pangalan

Xander Louie

My toes, my knees, your face that I miss. My toes, my knees, akin ka nalang kasi please

PS: Bilisan niyo yung pagbabasa sa dulo para sakto 😎

Ni-like ko naman ito at naisipang magbasa ng ilang comments

Dan Ragay: Tag na yan!!!

Mac Doza: Binata ka na papi

JM Tanael: Sino namang namimiss mo sa mga babae mo? Atsaka ayokong bilisan pre, gusto ko dahan dahan lang hihihi

Mac Doza: Ulol JM hahaha lt

Archie Fidel: Kilala ko 'to hahahaha hindi yan kasama sa mga babae niya mga pre kasi hindi ako sure kung magiging kaniya yan hahahahahahahahahahaha o p z

Xander Louie: Tang ina niyo! Minsan na nga lang ako magpost eh hahaha pakyu Archie. Susuntukin kita kapag nakita kitang kupal ka

Dan Ragay: lag0t .. qiqil mo xI p4pI

Archie Fidel: 3guard

Natuwa ako at naisipang gatungan din ang kaniyang mga tropa

Maxine Algere: Sino kaya 'to? Nagsesecret ka na sakin ngayon bestie ha :(

Ilang segundo palang ang lumilipas ay nag-react na kaagad sa aking comment sina Dan, Archie, Mac at JM ng "haha"

Archie Fidel: In 1 2 3 sing! Pinapaasa mo lang ako kasi alam mo na crush kita

Dan Ragay: Oo na crush kita ..

JM Tanael: Oo nung dati pa

Mac Doza: May patanong-tanong ka pa kung sino yung nasa Facebook status ko

Mac Doza: TUNGKOL YUN SAYO

JM Tanael: TUNGKOL YUN SAYO

Dan Ragay: TUNGKOL YUN SAYO

Archie Fidel: 2nGk0L yUn s4Y0 ... aj3j3

Mag-rereply na sana ako nang makitang nag-comment na rin si Xander

Operation: Make Sky Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon