Ligaw
"Kamusta ka na Ma? Ilang taon ka na ring wala sa tabi ko. Miss na miss na po kita. Sana nandito ka pa rin para mapagsabihan ko ng mga problema" niyakap ko ang aking sarili dahil sa lumakas na hangin. "Ikaw talaga Ma! I think that's your way of saying you miss me too"
Napalingon ako sa taong bigla na lamang umakbay sa akin
"Hi Mama. I'm so happy to finally meet you po" sumulyap siya sakin at ngumiti. "Pwede ko po kayang ipahukay 'tong libingan niyo? Titignan ko lang po sana kung manok kayo. Nanganak po kasi kayo ng isang chix na katulad nitong katabi ko"
Siniko ko ng bahagya ang kaniyang tiyan pero tinawanan niya lamang ako bago lumuhod para ilagay ang bulaklak na kaniyang binili
"Ako nga po pala si Xander. Kaibigan pero future asawa ng anak niyo" aniya at kumindat sa akin
"Hoy umayos ka ha"
Dumila lang ito sa akin at itinuloy ang pagkausap kay Mama
"Wag po kayong mag-alala ako na po ang bahala sa prinsesa niyo. Mag-iingat po kayo palagi diyan Mama ha? Wag po kayong magdadrive diyan sa langit kapag naulan kasi basa at madulas ang kalsada, baka maaksidente na naman kayo"
Binatukan ko si Xander sa kaniyang sinabi. Loko talaga
"Mama oh. Tignan mo 'tong anak mo masyadong mapanakit"
"Halika na nga. Kung ano ano lang sinasabi mo diyan. Mamaya mo niyan multuhin ka ni Mama eh"
Nanlaki ang mga mata niya at agad na humarap muli sa puntod ni Mama
"Sorry po Mama. Nagbibiro lang po ako. Joker po kasi talaga ako eh. Sorry po sana wag niyo kong dalawin mamaya. Hindi ko naman po kayo miss eh"
Pinilit ko ng hilahin si Xander paalis sa sementeryo dahil sa kakulitang taglay niya
Pasalamat talaga ang isang 'to at kaibigan ko siya eh
"Max alam mo ba kung anong pinagkaiba mo sa tubig?"
"Ano na naman?" bagot kong sagot ng hindi nalingon sa kaniya
"Ang tubig kasi iniigib, ikaw iniibig" sagot niya na sinundan niya ng malulutong na halakhak. "Pero joke lang ha, hindi kita crush"
"Oo na. Magdrive ka nalang ng tahimik diyan pwede?"
"Ee ne. Megdrive ke neleng ng tehemek diyen pwede?" panggagaya niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin
"Isa pa kokonyatan na talaga kita Vidallon. Epal mo"
Nag make face lang siya sa akin habang bumubulong ng kung ano ano
Hay nako isip bata talaga ang isang 'to
"Wala ka bang ginagawa sa inyo at talagang nagpumilit ka pang sumama sa akin ngayon?" tanong ko habang kinakalikot ang cellphone niya. "Sawa na kasi ako sa mukha mo eh, araw-araw na ba naman kita kasama. Mag pa-miss ka kaya?"
"Ayoko nga. Ako na nga lang ang nakakasama mong pogi, papalayuin mo pa? Wag naman ganun, Max. Kung ako sayo iappreciate mo nalang ang kagwapuhan ko" wika niya habang pilit na nagmumukhang seryoso kahit na mas mukhang tanga naman ang na-aachieve niya ngayon
"Kaya hindi ka nagkakaroon ng seryosong girlfriend eh. Buntot ka kasi ng buntot sa akin"
"Bakit ko naman kailangan pang maghanap ng seryosong girlfriend eh ang dami ko naman diyang girl playmates" nakangisi niyang sagot sa akin. "Atsaka nandiyan ka naman na di ba?"
"Alam mo hindi ako forever na nasa tabi mo. Paano nalang kung magkaroon ako ng boyfriend oh? Syempre mapalalayo na tayo noon sa isa't isa"
Inis kong hinampas ang kamay niyang nilalamukos ang mukha ko habang ako'y nagsasalita
"Eh di tayong dalawa nalang oh? Tutal parang tayo rin naman, label nalang ang kulang. Oh eh di totohanin na natin, di ba? Seseryosohin kita 'wag ka mag-alala" malaking ngiting sabi niya sa akin habang itinataas baba ang kaniyang kilay
"Hindi ako napatol sa may mga sayad"
Muntik na akong ngumudngod dahil sa biglaan niyang pagtigil ng kotse"Anong sabi mo?"
Kunot noo ko siyang tinignan at nakitang seryoso at nakakatakot ang tingin niya sa akin
"Anong sinabi mo?" ulit niya sa mas mapanganib na tono. "Ako may sayad?"
Napalunok ako sa kaba dahil baka mamaya kung anong gawin nito sa akin
Nanlaki ang aking mga mata nang tanggalin niya ang kaniyang seat belt at unti-unting lumapit sa akin
"Aw hahahahahahaha tama na! Gago tumigil ka" habol hininga kong sabi habang kinikiliti ako ni Xander. "Tama na hahahahahahahahaha"
"May sayad pala ha"
"Xander kasi hahahaha please hahaha tumigil ka na hahahahaha"
Tumigil lamang siya nang may malakas na bumusina sa aming likod
Inayos niya ang ilang hibla ng aking buhok na tumatabing sa aking mukha at malambing na hinaplos ang aking pisngi
Muli akong napalunok sa intensidad ng pagtitig niya sa akin. Mabuti na lamang at bumusinang muli ang nasa likuran namin
Napawi ang kaniyang ngiti at inis na binuksan ang kaniyang bintana at sumigaw
"Tang ina naman brad. Konti nalang sasabihin ko na oh" inis niyang sabi at padabog na sinuot muli ang kaniyang seat belt bago patakbuhin ang kotse
Pigil hinga pa rin ako dahil sa mga nangyari kanina. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na tila ba gusto na nitong lumabas mula sa aking dibdib
Napabalik lamang ako sa ulirat nang pitikin ni Xander ang aking tenga
"Easyhan mo lang ate. Mukha kang natatae eh" nakangisi niyang sabi kahit ang mga mata'y sa daan nakatutok. "Oh ano effective ba?"
Kinunot ko lamang ang aking noo dahil hindi ko maintindihan ang kaniyang sinasabi
"Hindi mo na naiisip si Mama dahil sa ginawa ko. Ang galing ko talaga no? Sobrang pogi pa" natatawa niyang wika bago sumulyap sa akin. "Kahit wag ka na mag thank you, maliit na bagay lang naman yun"
So ... walang ibig sabihin 'yung kanina? Ginawa niya lang 'yun para matanggal sa isip ko si Mama?
Teka. Bakit parang tunog disappointed ako
"Oh bakit ganiyan ang mukha mo? Kinabahan ka no? Akala mo siguro itatanong ko sayo kung pwedeng manligaw"
Umirap lamang ako dahil wala naman akong masabi
Nabigla ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay at masuyong dinampian ng halik
"Wait mo lang"