Timing
"Oh bat nandito 'to?" sabi ko sabay pulot sa invitation na nakakalat sa sahig
"Bakit hindi mo itanong sa anak mo?"
Agad akong pumunta sa kitchen kung saan nanggaling ang boses. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa aking nadatnan
"Anong nangyari?" histerikal kong tanong. "Bakit ganito kagulo dito?"
Lumapit naman siya sa akin habang dala ang aking anak at humalik sa aking pisngi
"Say sorry to Mommy" utos niya dito pero tinitigan lang ako ni Stacy
"Nakakainis ka naman eh. Sabi ko 'wag kayo dito sa kitchen" pagmamaktol ko pero tinawanan lang ako ng magaling na si Sky. "Patawa-tawa ka pa diyan, ikaw ang maglilinis dito ha?"
"Oo na po" nakangisi pa rin niyang sabi bago balingan ang hawak. "Sumama ka na muna kay Mommy, maglilinis lang ako"
Kinuha ko naman agad si Stacy at nagpunta kami sa kwarto. Inilapag ko siya sa kama bago ako nagsimulang magpalit ng damit
Ilang sandali pa'y lumabas na rin kami at naabutan namin si Sky na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV
"Bakit ang bilis mong maglinis?" taas-kilay kong tanong bago umupo sa kaniyang tabi
Kinuha naman niya mula sa akin si Stacy at nilaro
"Bakit kamo ang tagal mong magbihis?" pang-aasar niya
Inikutan ko lamang siya ng mata at saka ipinakita ang invitationg napulot ko kanina
"Bakit pala nasa sahig 'to kanina?"
"Sisihin mo si Stacy. Kinuha niya 'yan kanina eh. Ayaw bitawan kaya tignan mo sira-sira na" paninisi niya sa asong hawak
"Sus. Baka inutos mo lang sa kaniya na sirain kasi hanggang ngayon bitter ka pa rin"
Siya naman ngayon ang umirap sa akin kaya ako napatawa nang malakas
"Tumigil ka nga. Itiwarik ko 'tong aso mo eh"
"Ito naman hindi na mabiro" mabilis kong sabi at baka nga itiwarik niya ang baby ko, kawawa naman
"Pupunta ka ba?" pagkakwa'y tanong niya sa akin
"Paano ako pupunta eh sinira niyo 'yung invitation ko?"
Tumayo ako at pumunta sa kusina para maghanap ng makakain
Narinig ko namang pinatay niya ang TV para sumunod sa akin
"Hindi naman kailangan ng invitation para makapasok dun eh. Ano ba 'yun sa tingin mo, sobrang high-class?"
"Aba malay mo naman. Si Devil pa" sagot ko saka nag-sandok ng kanin. "Kumain ka na ba?"
Tumango lang naman siya at nauna nang maupo sa akin
"May invitation pa naman ako sa bahay eh, pwede tayong mag-sabay kung talagang kailangan ng invitation para makapasok" suhestiyon niya
Gustuhin ko mang pumunta sa kasal nina Yana at Devil ay hindi ko magagawa dahil busy ako
"May trabaho ako diba?"
Pinagtaasan niya lamang ako ng kilay na animo'y hindi naniniwala
"Oh? Totoo naman" depensa ko kaagad sa aking sarili. "At saka hindi na rin naman ako makakaabot kung sakaling susunod ako kasi inutusan akong mag-OT nung boss ko"
Palusot
"Hay nako, Sammy. Para namang maloloko mo ako" natatawa niyang sabi. "Ang sabihin mo iniiwasan mo si Xander"
Napanguso ako sa narinig. Bakit ko naman iiwasan si Xander? Hindi palang ako ready na makita siya ulit pero hindi ko siya iniiwasan, magkaiba naman 'yun 'no
"Come on, Sam. It's been five years. And sa tingin ko naman hindi ka papatayin ni Xander just because of what happened before"
Of course hindi ako papatayin nun. Ilang beses nga kaming nagkakasalubong sa school dati matapos nung nangyari sa park, hindi naman niya 'ko pinatay. Ngayon pa kaya?
Feeling ko lang hindi pa ako ulit handang makita siya pagkatapos ng ilang taon. Kasi... ewan.. nakakapanibago?
"Kung gusto mong pumunta, bakit hindi ka pumunta mag-isa?" banat ko naman dahil sa pangungulit niya
"Bakit naman ako pupuntang mag-isa kung pwede naman kitang isama?"
Arrrghhhhh! Nakakainis talaga 'tong si Sky. Bakit ba kasi kailangan pa akong isama doon eh hindi ko naman sila tropa nung college. Hindi ko nga alam kung bakit pati ako pinadalhan ng invitation eh
"Ayoko nga kasi, Sky"
"Bakit nga ayaw mo?" pangungulit pa rin niya. "Nandun naman ako eh"
"Hindi pa nga kasi ako handang makita siya" sagot ko nang ibinubulong ang huling salita
Umayos naman siya ng upo at kumuha ng saging
Dahan-dahan niya itong binabalatan habang nakatingin ng nakakaloko sa akin
"Ano?" inis kong tanong
Hindi ko alam kung bakit parang nagkaroon ng tama sa utak 'tong si Sky eh. At hindi ko rin alam kung bakit naging magkaibigan pa kami sa kabila ng nangyari sa aming dalawa noon
"Akala ko ba hindi mo mahal? Eh bakit ganiyan ka makaarte?" sabi niya habang ginagalaw-galaw ang kaniyang kilay. "Kunwari ka pa, eh feeling ko nga mas minahal mo si Xander kaysa sa akin"
"Fuck you"
Minsan talaga gusto ko na rin 'tong ipasok sa mental hospital o kaya sa rehab at baka naman kaya pa nilang remedyuhan ang sapak nito
"But seriously, Sammy, you know what? I think you really did love him more than you loved me", nakangiti niyang sabi bago kumagat sa kaniyang saging. "Maybe you were just so in love with the idea of you loving me and me loving you, kaya akala mo meron talagang love"
Napaisip ako sa kaniyang sinabi. Maaari nga kayang in love lang ako sa idea na love ko siya? Pero hindi eh, sigurado akong minahal ko nga siya dati
"Didn't you really love him?"
Uminom muna ako ng tubig bago sagutin ang kaniyang tanong
"It wasn't love... but the way I felt around him makes me think it was pretty damn close"
Sumulyap ako sa kaniya at nakitang nakangiti lang siya habang nakatitig sa balat ng saging na nakapatong sa mesa
Ano na naman kayang trip nito?
"You know what, timing is everything" sabi niya bago bumaling ng tingin sa akin. "That guy you met at 18 would mean something different to you if you met him at 25"
In fairness, may sense 'yun ha
"So do right people with wrong timing ever get a second try?" mapait kong tanong
Nagkibit-balikat lamang siya bago tumayo sa kaniyang upuan
Kinuha niya ang aking mga pinagkainan at siya na mismo ang nag-lagay nito sa sink
Akala ko ay hindi na niya ako sasagutin pero bigla siyang lumingon sa akin at makahulugang ngumiti
"Try"
![](https://img.wattpad.com/cover/85340186-288-k599377.jpg)