Chapter 5

1.2K 27 0
                                    

Okay

Saglit akong tumigil sa paglalakad ng maramdamang nag vibrate ang phone ko mula sa aking bulsa

Kinuha ko ito at agad na binasa ang text message ng makitang kay Mama galing

Nagaalala kasi ako sa kaniya dahil hindi rin siya nakarating sa graduation ko kanina

From: Mama

Anak pasensya na, gagabihin ng uwi si Mama. Nagkaroon kasi ng problema sa kliyente namin kaya madami akong kailangan gawin sa opisina. Tell manang Cynti to cook anything u like muna. Next time nalang tayo kain sa labas, k? See u later and congrats

Napangiti ako ng mapait at ipinagpatuloy na ang paglalakad patungo sa aking pupuntahan

Malayo pa lamang ay rinig ko na ang tunog na nanggagaling sa videoke na nasa harapan ng bahay nina Sky

Mas binilisan ko ang aking paglalakad ng makitang ineestima niya ang iba naming mga kaklase na kararating lang

Kumaway sa akin si Joey ng makita akong palapit sa kanila dahilan para lingunin ako ni Sky

"Hi" aligaga kong bati sabay abot ng graduation gift ko sa kaniya. "Relo yan"

Nakagat ko ang aking labi dahil sa aking sinabi

Tanga mo talaga kahit kailan Maxine. Hindi mo man lang hinayaang masorpresa yung tao

"Ah sorry kung nadulas ako. Naexcite lang kasi ako eh" alinlangan kong sabi

Tumango naman siya ng bahagya pero nandoon pa rin ang malamig niyang pagtingin

"Kain ka na" simple niyang sabi at tumalikod na sa akin para magpaalam saglit sa mga kaklase namin

Malungkot ko siyang pinanuod maglakad palayo sa amin

"LQ kayo no?" tukso ni Riza na sinundan naman ng kantyawan ng iba pa naming kaklase

"Baka FLQ" agaw pansing banat naman ni Sandra na sinundan ng tawa

Napunta sa kaniya ang atensyon naming lahat dahil sa kaniyang sinabi

"Ano naman yung F?" takang tanong ni Joey na sa tingin ko ay tanong din naming lahat

"Edi Fake! Fake lovers' quarrel dapat kasi fake relationship lang naman meron sila eh. Diba Max?"

Napanganga ang lahat matapos niyang sabihin iyon

Paano niya nalaman?

Tila napansin niya ang kakaibang atmosphere na idinulot niya kaya kunwari siyang nagtakip ng bibig gamit ang isang kamay habang itinaas ang isa pa para bigyan ako ng peace sign

Pinili kong tumalikod sa kanilang lahat at lumabas muna sa may gate nina Sky

Putang ina nanggigigil ako ah

Ramdam ko ang sobrang bilis na tibok ng puso ko dahil sa inis na nararamdaman

Eh kung ipinapalsak ko kaya sa bunganga niya yung apple na nasa bibig ng lechon

Tang ina talaga nabibwisit ako

Napatalon ako sa gulat ng biglang may tumikhim sa aking likuran

"Aalis ka na?"

Hinawakan ko ang aking dibdib dahil totoong sumakit ito

"Grabe! Wag ka ngang manggugulat ng ganon" sabi ko at nagkunwaring tumawa. "Sumakit puso ko sayo ha"

Operation: Make Sky Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon