Chapter 26

602 13 0
                                    

Destruction

Nakaupo ako ngayon dito sa bleachers habang naghihintay mag-alas dos. Hindi kasi kami mineet ngayon ng prof namin para sa next class dahil may urgent meeting daw. Hindi ko na rin naman muna tinext si Sky para makapag-focus siya sa kaniyang ginagawa. Isa pa, sigurado naman akong sa amin na naman ni Baxter matututok ang atensyon niya mamaya at hindi na niya magagawa ang plates niya

Pinapanuod ko nalang ang mga estudyanteng nag-pPE sa open court

Hindi na ako magtataka kung mamaya ay may bigla na lamang mahimatay dahil sa init ng araw

Ano ba naman kasing trip ng mga 'yun at hindi sa gym nag-PE. Anyway, bakit ba naman ako nangingialam?

"Uhm.. excuse me. Pwede po ba kayong mag-sagot nitong questionnaire?" napa-angat ako ng tingin sa kumausap sa akin at ganun na lamang ang aking pagkagulat nang makitang si Yana ito. "Para lang po sa study ko"

Ngumiti naman ako at sumang-ayon saka kinuha ang inaabot niya sa akin

Pucha. Kung ibang tao 'to, malamang hindi ko kukunin. Hello? Ang hirap kayang magsulat nang walang mesa

Nakita ko sa aking peripheral view na umupo siya sa aking tabi at inilabas ang kaniyang bote ng tubig

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasagot noong napansin kong may lumalapit sa amin

Isang matangkad na lalaki na seryosong nakatingin sa akin. Napalunok ako dahil mukhang gusto niya akong kainin

Nakita kong tumayo ang aking katabi at agad na nagkaroon ng mumunting ngiti sa labi ni Mr. Nakakatakot

Hinalikan siya sa pisngi ni Yana at doon ko lamang napagtanto na baka ito na 'yung De Ville na sinasabi nila. Sana ginawa na lang talaga nilang devil, tutal bagay naman sa kaniya

"Akala ko may class ka pa?" malambing na tanong ni Yana

Bagamat naiilang, hindi ko na lamang sila pinansin at binilisan ko nalang ang pagsasagot para makaalis na sila kaagad

"Our prof's not gonna meet us daw" sagot ni Devil. "You're Maxine, right?"

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakitang nakangisi siya sa akin

"Samantha Maxine Alegre"

What the. Paano niya nalaman?

"Yes po hehe" mukhang natatae kong sagot. "Kilala niyo po ako?"

"I wouldn't know your full name kung hindi" taas-kilay niyang sabi

Ampota. Bastos 'to ah

"Paano mo siya nakilala?" sabat naman ni Yana

Very good, girl. Itanong mo ang gusto kong itanong

Pero agad ding bumagsak ang balikat ko dahil ibinulong lang ni Devil ang sagot niya

Mukha namang natuwa si Yana dahil ang laki ng ngiti sa kaniyang labi

Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay

Ah. Okay? What's happening?

"Hello, Max! It's nice to finally meet you" masaya niyang sabi

Napakamot ako sa ulo dahil biglang naging weirdo na siya

"Marami na akong naririnig na kwento about you"

Muli siyang inakbayan ni Devil at binulungan kaya siya natigil

"Tapos na rin po ako sa pagsasagot" ani ko kaya sabay silang napatingin sa akin. "Aalis na po ako"

"Uy thank you" si Yana habang kinukuha ang questionnaire. "Pero pwede bang sumabay ka sa amin mag-snacks?"

Operation: Make Sky Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon