Chapter 22

625 12 0
                                    

Ivie

"Namimiss ko na kamo mag-aral dito. Kung pwede lang, dito nalang ulit ako eh" malungkot na wika ni Ivie habang naglalakad kami ngayon papunta sa admin ng university

Isinama ko kasi siya sa pag-eenroll ko para naman may silbi siya sa buhay. Joke hehehe. Uuwi na rin kasi siya bukas kaya pagkatapos nito ay gagala kami saglit

"Hindi ba masaya doon?" tanong ko sa kaniya habang binabasa ang message ni Sky

From: ❤❤❤

Bilisan niyo raw, Mommy. Miss ka na ng baby natin. Ayaw na raw niya dito kina Lola Heaven

Napangiti ako sa kacute-ang taglay ng aking boyfriend na soon to be hubby na soon to be father of my children

"Masaya naman, kaya lang syempre mas masaya dito kasi nandito ka"

Grabe. Ngayon pa lang excited na ako sa magiging future namin ni Sky

Ano kayang magandang ipangalan sa mga magiging supling namin?

Gusto ko nagsisimula rin sa S parang Sky at Samantha

Paano kaya kung Sandra? Or Sandro kung lalaki? Eh Segismundo Delfin kaya?

"Na super duper ultra mega bff ko na hindi naman ako binibigyang atensyon dahil busy sa pakikipaglandian sa boyfriend niyang talkshit"

Napalingon naman ako kay Ivie dahil sa biglaan niyang pagsigaw sa harap ng aking mukha

"Nakakainis ka naman eh. Kakasabi ko palang na mas masaya dito kasi nandito ka tapos ikaw naman busy sa iba" nakalabi niyang wika. "Sabihin mo nga diyan kay Sky na napaka-sinungaling niya. May pa-give time give time pa siyang nalalaman kaya hindi siya sumama pero heto't nanggugulo"

Natawa naman ako sa kaniyang sinabi kaya nagpaalam na rin muna ako kay Sky para hindi na magreklamo pa si Ivie

"Aray" agad akong napatingin sa unahan at nakitang nakaupo na sa sahig ang aking kaibigan

Ayan kasi, may pag-walk-out pang nalalaman

Agad naman siyang tinulungan nung nakabunggo sa kaniya pero lumapit pa rin ako

"I'm sorry, miss. Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh" sabi ng pamilyar na boses

"Aba at ako pa talaga ha? Ikaw kaya itong tutok na tutok sa cellphone mo" agad kong nilapitan ang nakapamewang na si Ivie

"See. Nakita mo palang tutok na tutok ako, edi sana umiwas ka para hindi ka nabunggo" nakangising wika naman ni Xander. "Hey, hi Max"

"Kakilala mo ba 'to, bestie? Nakakainis 'yan ha. Napakasama ng ugali"

"Look, I'm really sorry, okay? Basta next time, kapag nakita mong busy 'yung ibang tao, ikaw na ang mag-aadjust. Kasi ikaw ang nakakita eh" nakangiting wika ni Xander bago bumaling sa akin. "Belated happy birthday, Max"

Tanging tango na lamang ang naisagot ko sa kaniya. Una ay dahil shock pa rin ako dahil ngayon na lang ulit kami nagkita magmula nung nangyari sa mall. Tapos pangalawa, parang nag-iba na siya sa akin... or feeling ko lang 'yun?

"Ang kapal ng mukha ng mokong na 'yun ha! Ano't ako ang kailangang mag-adjust" patuloy pa ring panggagalaiti ni Ivie sa aking tabi. "Pasalamat siya at pogi siya kaya hindi ako kaagad nakapagsalita. Nako nako talaga"

"Pagpasensyahan mo na nga lang kasi 'yun. Malakas lang din saltik nun, parang ikaw"

"Teka nga, bakit pala kakilala mo 'yung hinayupak na 'yun?"

Operation: Make Sky Fall (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon