Simula noong nangyari kahapon, di na tumigil tong isip ko kakaisip sakanya. Konti nalang mababaliw nako kakaisip sa ngiti niya sa akin.
Yung ngiting nakakalaglag panga. Yung ngiting mapapatulala ka. Confirm! Madadagdagan nanaman ang mga pagpapantasyahan ko.
Habang iniisip ko si Jade di ko maiwasan na kiligin nagtatatalon pako sa kama.
"Pikachu!"
"Ay! palakang virgin!" parang tigyawat tong si Kuya Ace bigla nala
ng sumusulpot. Natigilan ako sa pagtalon sa kama at may pumasok na daga este si Kuya Ace."Dafuq? palakang virgin? HAHAHAH"
"Bakit na naman ba kuya? anong kailangan mo saken ha? panira ka ng moment e"
"Napadaan lang ako nakita kita nagtatalon ka tatawag na sana ako sa mental hospital mas pinili kong kausapin ka muna"
"Sira ulo to ah" Bulong ko pero dahil may kampon ni mickey mouse na malaking tenga si kuya.
"I heard that Lane"
"Kuya Ace di ako nababaliw okay? di mo naman ako katulad duh iniisip ko lang kanina yung bago kong crush hehe" * with matching pikit pikit na mata pa ako *
"Pffffft HAHAHAHAHAHAHAH Don't ever do that again Lane mukha kang natatae na di mo mailabas HAHAHAHAH. Pero let me remind you Lane pinapayagan kitang magkacrushcrush huwag ka lang magboyfriend araso?!"
Tumakbo na si kuya palabas ng kwarto ko kaya di ko naibato sakanya yung cabinet este yung unan. Kalerki tong kuya ko panira ng moment bwiset. Malapit ng mag 7 kaya inihanda ko na yung uniform ko.
Gusto ko ng masilayan yung minamahal kong si Jade jk di ko siya mahal iniidolo ko lang siya. Ang gwapo niya kasi talaga e.
Ang tagal ko ng nag-aaral sa Hillson Academy ngayon ko lang siya nakita.
Masaya akong pumasok sa banyo habang nakangiti hangang tenga. Nagbihis nako at nag ayos ako ng bonggang bonggang bonggang bongga dahil baka makita ko mamaya si babes Jade hehez.
Lumabas nako dumiretso ako sa kwarto ni kuya saktong kakatapos niya din magbihis kaya yayain ko na siyang bumaba.
Pero bago yon pumasok muna ako sa kwarto niya para tignan yung bago niyang collections na mickey mouse. Mickey mouse, seriously?
Kung titignan mo si kuya napaka manly niya,yung bang mga itsurang badboy,seryoso sa buhay sa school nga di mo makikitang nakangiti si kuya pero sa looblooban may tinatagong baho,may sayad sa utak, hyper ,sweet at caring sa aken pero sa school madalang mo lang siyang makikitang nakangiti palagi siyang naka poker face.
Pero kapag ako yung kaharap niya asus di ko alam kung tao pa ba siya. Hinawakan ko yung mickey mouse na teddy bear na human size. Ang cute niya.
"Kuya Ace pwede bang akin nalang to please ?" *puppy eyes *
"Hey! Don't touch that!"
"Parang teddy bear lang pinahdadamot mo saken? Sa napakadyosa mong kapatid huh? u dont do dat to me kuya"
"Lane shut up ang pangit mo"
"Kung pangit ako pangit ka rin. Akin nalang kasi e please please?"
"N.O." hala galit na si hulk
"Edi hindi. Ang sungit mo ngayon ah may mens kaba? Bilhan kita ng napkin with wings anong gusto mo sister? mooddeess? Ano? Tell me kuya."
"Lane! abnormal ka ba!?"
"Woah! pick up line ba yon kuya? Kinikilig naman ako seye hehe bakit? hehe"